Bakit mahalaga ang mga review
Nakakatulong ang mga review at rating para makapagdesisyon ang mga bisita kung angkop ba ang patuluyan mo para sa kanila. Puwedeng dumami ang mga booking at lumaki ang mga kita kapag mas maganda ang mga review at rating.
Ang proseso ng mga review
May 14 na araw ka at ang bisitang nag-book ng pamamalagi pagkatapos mag‑check out para magbigay ng review sa isa't isa. Ipo-post ang mga review kapag pareho kayong nakapagsumite na ng mga review o kapag natapos na ang 14 na araw na panahon ng pagbibigay ng review, alinman ang mauna.
Puwedeng magbahagi ang mga bisita ng feedback sa:
- Pampublikong review. Lalabas ang review nila sa listing at profile mo. Kung tutugon ka sa isang pampublikong review, lalabas ang tugon mo sa ibaba niyon.
- Note para sa host. Hindi lalabas ang note nila sa listing mo.
Default na mauunang lalabas ang mga may kaugnayang review. Puwede ring maghanap ang mga bisita ng mga review, na maisasaayos ayon sa pinakabago, may pinakamataas na rating, o may pinakamababang rating.
Ituring ang feedback ng bisita bilang pagkakataong mapahusay ang iniaalok mo. Basahin ang bawat review, at tumugon nang maayos para maiparating na sineseryoso mo ang feedback na iyon.
Ang proseso ng mga star rating
Hinihiling sa mga bisita na bigyan ng rating ang buong karanasan nila at ang anim na kategorya gamit ang rating na 1 star hanggang 5 star. Hindi average ng iba pang kategorya ang pangkalahatang karanasan.
Narito ang mga kategorya:
- Pag-check in. Gaano kadaling mahanap at makapasok sa patuluyan?
- Kalinisan. Gaano kabuti nilinis ang tuluyan bago dumating ang bisita?
- Katumpakan. Natugunan ba ng tuluyan ang mga inaasahan ng bisita batay sa listing?
- Pakikipag-ugnayan. Gaano kaayos na nakipag-ugnayan ang host simula sa pagbu-book hanggang sa pag-check out?
- Lokasyon. Kumusta ang lugar at kapitbahayan ayon sa bisita?
- Halaga. Gaano kasulit ang patuluyan para sa presyo nito?
Lalabas ang kabuuang star rating ng bawat bisita sa tabi ng review nila. Pagkatapos mabigyan ng rating ng tatlong bisita ang listing mo, lalabas ang average na kabuuang star rating sa mga resulta ng paghahanap at sa listing mo.
Nakakatulong ang mga rating sa Airbnb na tukuyin at kilalanin ang mga nangungunang host at listing, kabilang ang programang Superhost at mga Paborito ng bisita.
Kinikilala ang mga Superhost dahil sa bukod‑tanging hospitalidad nila. Dapat mapanatili ng mga Superhost ang average na kabuuang rating na hindi bababa sa 4.8 star at matugunan ang iba pang pamantayan.
Koleksyon ng mga pinakapatok na tuluyan sa Airbnb ayon sa mga bisita ang mga Paborito ng bisita. May iba't ibang salik na nakakatulong para matukoy ang mga Paborito ng bisita. Kabilang sa mga iyon ang magagandang review at rating na karaniwang mahigit sa 4.9 star, pati na ang mataas na marka para sa lahat ng 6 na kategorya.Pagbibigay ng review sa mga bisita
Ang pagbibigay ng review sa mga bisita ay isang paraan para ipaalala sa kanila na bigyan ka ng review. Lalabas ang mga review mo sa mga page ng profile ng bisitang nag-book at sa mga bisitang tinanggap ang mga imbitasyon sa reserbasyong iyon. Magsikap na:
- Ipabatid ang pasasalamat. Puwedeng simple lang ito, gaya ng: “Salamat sa pagiging bisita namin!”
- Mag-alok ng mga detalye. Maaari mong isulat na: “Sinunod ng bisitang ito ang lahat ng aming tagubilin sa pag‑check out.”
- Maging magalang. Pag-isipang tugunan ang mga sensitibong isyu sa pamamagitan ng direktang mensahe.
Hihilingin sa iyo na magbigay ng rating sa mga bisita para sa kalinisan, pakikipag‑ugnayan, at pagsunod nila sa mga alituntunin sa tuluyan mo. Makakatulong ang iyong feedback sa pagpapatupad ng mga pangunahing alituntunin para sa mga bisita, na nag-aatas sa mga bisita na itrato ang patuluyan mo na parang kanila at sundin ang mga alituntunin sa tuluyan mo.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.