Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Ang dapat malaman tungkol sa pagtatampok para sa mga nangungunang tuluyan

Makakakuha ng tropeo ang mga kwalipikadong listing batay sa mga rating, review, at pagkamaaasahan.
Ni Airbnb noong Nob 12, 2025

Nagtitiwala ang mga bisita sa mga host tuwing nagbu‑book sila. Kumpiyansa dapat sila na alam nila ang dapat asahan bago sila magpareserba.

Nakakatulong ang pagtatampok para mamukod‑tangi ang mga nangungunang listing at mas madaling makapili ang mga bisita ng tuluyang pinakanaaangkop sa mga pangangailangan nila.

Ano ang palatandaan?

Inihahambing ng pagtatampok ang mga kwalipikadong listing sa iba pa batay sa mga rating, review, at pagkamaaasahan. Kwalipikadong maitampok ang mga listing na may kahit limang review man lang sa loob ng nakaraang dalawang taon.

Kasama sa nangungunang 10% ng mga kwalipikadong listing ang:

  • Gintong tropeo
  • Gintong badge na Paborito ng Bisita
  • Label na nagsasaad ng ranking ng listing sa nangungunang 1%, 5%, o 10%

Ipapakita ang pagtatampok sa mga resulta ng paghahanap, sa page ng listing, at sa itaas ng mga review.

Ilalahad din namin sa mga bisita kapag nasa pinakamababang 10% ng mga kwalipikadong listing ang listing. Ipapakita sa itaas ng mga review ang label ng pinakamababang 10%.

Regular na ina‑update ang palatandaan ayon sa iba't ibang salik tulad ng:

  • Mga pangkalahatang star rating, feedback sa mga review ng bisita, at komunikasyon sa pagitan ng mga bisita at host sa platform
  • Mga rating sa mga subcategory na pag‑check in, kalinisan, katumpakan, pakikipag‑ugnayan, lokasyon, at pagiging sulit
  • Mga rate sa pagkansela ng host
  • Mga isyung nauugnay sa kalidad na iniulat sa Airbnb Support

Makakatanggap ka ng notipikasyon tuwing bibigyan ng rating at review ng bisita ang listing mo o mag‑ulat ang bisita ng isyung nauugnay sa kalidad. At puwede kang mag‑ulat ng review na sa tingin mo ay lumalabag sa Patakaran sa Pagbibigay ng Review.

Ano ang iba pang paraan para mamukod‑tangi ang mga tuluyan at host?

Hindi lang pagtatampok ang tanging paraan para makahanap ng magandang matutuluyan ang mga bisita. Kinikilala ng mga Paborito ng bisita at ng programang Superhost ang mga bukod‑tanging listing at host.

Koleksyon ng mga pinakagustong tuluyan sa Airbnb ayon sa mga bisita ang mga
  • Paborito ng bisita. Batay ang mga ito sa mga rating, review, at datos sa pagkamaaasahan mula sa mahigit kalahating bilyong pamamalagi.
  • Kinikilala
  • ang mga Superhost dahil sa bukod‑tanging hospitalidad nila. Ipinapakita ang badge ng Superhost sa mga listing at profile nila.

Alamin ang mga tip para sa 5‑star na pagho‑host

Huwag tumigil sa pagtuklas kung paano mo mapapabuti ang negosyo mo.
Matuto pa

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulo mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Nob 12, 2025
Nakatulong ba ito?