Ang 3 haligi ng de‑kalidad na Karanasan
Mga Katangi-tanging Feature
Magtampok ng isang bagay na hindi madaling gawin ng mga bisita nang sila lang
- Isaalang‑alang ang kadalubhasaan at natatanging pananaw mo
- Tulungan ang mga bisita na gumawa ng mga makabuluhang koneksyon ng tao
Alamin ang mga pamantayan sa kalidad at rekisito ng Airbnb para sa mga Karanasan
Handa nang kumonekta sa komunidad ng mga biyahero at lokal na interesadong matuto pa tungkol sa mundo mo? Unang hakbang: alamin ang mga pamantayan sa kalidad at rekisito ng Airbnb na dapat matugunan ng lahat ng host para ma‑publish ang kanilang pagsusumite ng Karanasan. Ngayong natugunan mo na ang mga pangunahing rekisito, siyasatin natin ang 3 haligi ng Airbnb para sa mataas na kalidad na Karanasan at tuklasin natin ang mga paraan para maitampok mo ang natatanging kalakasan mo sa pagsusumite mo ng Karanasan.
Ang 3 haligi ng kalidad
Isinasama ng mga host ng Karanasan ang mga biyahero sa mga mundo nila at ipinaparamdam sa kanila na insider sila kahit sa loob lang ng ilang oras. Ang 3 haligi ng kalidad na dapat ipakita ng isinumiteng Karanasan: kadalubhasaan, access ng insider, at koneksyon. Dahil sa mga haliging ito, mas nagiging angat ang mga Karanasan mula sa mga karaniwang tour. Sa pamamagitan din ng mga ito, natitiyak na may mga listing ng Karanasan na mataas ang kalidad sa merkado na pinapapangunahan ng magigiliw na host na may malawak na kaalaman.
Habang binabasa mo ang higit pa tungkol sa mga haliging ito at pinag‑iisipan ang ideya mo sa Karanasan, narito ang ilang bagay na dapat tandaan:
- Bukod sa kadalubhasaan mo sa paksa mo, isaalang‑alang mo rin ang natatanging pananaw na maaari mong ibahagi tungkol sa paksa o aktibidad na ito.
- Palayain mo ang imahinasyon mo. Dapat magtampok ang mga Karanasan ng bagay na hindi madaling gawin ng mga bisita nang sila lang. Subukan mong iangat ang Karanasan mo mula sa mga pangkaraniwang aktibidad ng turista.
- Gumagawa ng mga makabuluhang koneksyon ng tao ang pinakamagagandang Karanasan. Paano mo sisiguraduhing nararamdaman ng mga bisita mo na tanggap sila?
Kadalubhasaan
Mahilig ka ba sa isang sining, aktibidad, at/o komunidad mo? Kapag nagdidisenyo ng ideya mo sa Karanasan at nagsusumite para sa pagsusuri, mainam na magsimula rito! Bukod sa hilig, dapat isaalang‑alang ng ekspertong host kung ano ang natatanging kadalubhasaan, kredensyal, o pananaw niya tungkol sa pangunahing paksa ng aktibidad niya. Siguraduhing linawin ito sa isusumite mong Karanasan.
Narito ang tatlong halimbawa kung paano mo maipapaliwanag ang kadalubhasaan mo sa isang paksa nang may iba't ibang antas ng tagumpay:
Iwasan:"Mahilig ako sa calligraphy!" Hindi lubos na ipinapaliwanag ng pahayag na ito ang mga detalye ng kung paano o kung bakit eksperto ka sa sining na ito.
Maganda: "Limang taon akong nag‑aral ng calligraphy at kamakailan lang, sinimulan ko nang turuan ang mga kaibigan ko." Nagbibigay ang pahayag na ito ng ilang kapaki‑pakinabang na pananaw sa kung bakit kwalipikado kang pamunuan ang Karanasang ito.
Mahusay: "Nagtuturo ako ng calligraphy sa SF Asian Arts Center. Nagsalita ako kamakailan sa International Calligraphy conference tungkol sa paksang 'Calligraphy in the Digital Age'." Mahusay na isinasaad ng pahayag na ito ang makabuluhang kadalubhasaan sa paksa mo.
Eleonora at Achref, Mga Host ng Pagluluto nang may Sining!Gumawa si ng seksyong Tungkol sa iyo na mahusay na nagtatampok ng kadalubhasaan niya:
Halimbawa 1: Chef na may mahigit 15 taon ng karanasang internasyonal si Eleonora. Chef siya sa TV sa Italia7 na mahilig magbahagi ng kaalaman niya sa iba. Buong hilig siyang sumunod sa mga yapak ng lola at nanay niya, ngunit patuloy siyang nagpapahusay. Sa katunayan, bukod sa kanyang espesyalisasyon sa pagpapares ng alak at pagkain at bilang isang pastry chef, isa rin siyang dalubhasang Pizzaiolo. Lumabas ang una niyang cookbook noong 2018.
Mahusay rin ang ginawa niAnabel, host ng Likas na Dye Gamit ang mga Sinaunang Paraan sa Lungsod ng Mexico, na paglalarawan ng kadalubhasaan niya:
Halimbawa 2: Mahilig ako sa tela ng Mexico at nag‑aral ako ng fashion design at fiber arts sa Barcelona. Bumalik ako sa Mexico ilang taon na ang nakalilipas nang nagsimula akong matuto tungkol sa mga likas na dye sa Oaxaca kung saan ako nahumaling sa matitingkad na kulay ng mga sinaunang tela. Simula noon, marami na akong nabuong proyekto kabilang ang isang brand ng mga artisanal na backpack gamit ang ilan sa mga materyales at paraang tatalakayin natin sa workshop na ito.
Kailangan mo bang maging master para makapag‑host ng Karanasan? Hindi! Siguraduhin mo lang na itampok ang natatangi mong kadalubhasaang may kaugnayan sa Karanasan.
Access ng insider
Higit pa sa mga karaniwang aktibidad ng turista ang mga Karanasan at iniimbitahan ang mga bisita na aktibong lumahok sa komunidad o kultura ng host. Nagbibigay‑daan ang magagandang Karanasan para malaman ng karaniwang biyahero ang mga lugar o aktibidad na malamang na hindi niya matutuklasan kung mag‑isa lang siya.
Pag‑isipang mag‑alok ng access sa isang bagay na natatangi o hindi naa‑access ng karaniwang bisita para mapataas ang posibilidad na ma‑publish ang Karanasan mo sa Airbnb. Kapag nagsumite ka ng Karanasan mo, siguraduhin mong itampok kung ano ang espesyal sa mga lokasyong pupuntahan ninyo ng mga bisita mo.
- Magbahagi ng espesyal na lugar tulad ng nag‑iisang lokal na inuman o nakatagong hardin ng kapitbahayan.
- Ipakilala ang mga bisita sa mga tao, komunidad, o aktibidad na hindi nila maa‑access kung hindi dahil sa Karanasan mo.
- Mag‑alok ng kakaibang katangian o anggulo sa karaniwang aktibidad ng turista. Nagbibigay
si Marvin, ang host ng Honey Bee Therapy, ng natatanging access sa sarili niyang bakuran at mga lokal na hardin ng komunidad kung saan puwedeng mag‑tour ang mga bisita sa mga beehive sa Los Angeles.
Siguraduhing itampok ang sarili mong koneksyon sa mga lugar o komunidad na ito sa isusumite mo. Tanungin mo ang sarili mo: Bakit espesyal ang mga ito sa iyo at bakit magiging interesante rin ang mga ito sa mga bisita mo? Pag‑isipang magbahagi ng pangmatagalang alaalang maiuugnay sa mga lugar na ito.
Koneksyon
Nakatuon ang isang mahusay na host ng Karanasan sa paggawa ng mga makabuluhang koneksyon sa tao. Lubos silang nagsisikap para maiparamdam sa mga bisita na tinatanggap at kinikilala sila. Palakaibigan at maalalahanin sila. Gumagawa sila ng mga sandali ng koneksyon sa mga bisita nila habang ipinaparamdam sa kanila na espesyal sila. Kung gagawa ang host ng magandang koneksyon, madalas na darating ang mga bisita sa Karanasan bilang mga estranghero, at aalis sila bilang magkakaibigan.
Kapag isinumite mo ang Karanasan mo, itampok mo ang mga paraan kung paano mo isasaalang‑alang ang mga detalye at sisiguraduhing nararamdaman ng mga bisita na ligtas, nakikibahagi, at konektado sila sa buong panahon ng Karanasan. Puwede itong ipakita sa maliliit na kilos tulad ng pag‑aalok ng sunscreen kapag maaraw o sa mas malalaking bagay tulad ng paggawa ng ingklusibong tuluyan kung saan puwedeng makihalubilo ang mga bisita mo.
Narito ang ilang tanong na dapat mong isipin habang binubuo mo ang ideya mo ng Karanasan:
- Paano tutugunan ang mga pangangailangan ng bisita tulad ng mga dapat isaalang‑alang sa pagkain, accessibility, o mga alalahanin sa kaligtasan?
- Ano ang maaari mong gawin kung may mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagbabago sa panahon?
- Paano mo tutulungan ang mga bisita na kumonekta at makihalubilo sa isa't isa sa Karanasan mo?
- Paano mo isasaalang‑alang ang mga antas ng kaginhawaan ng iba't ibang klase ng mga bisita mula sa iba't ibang kultura?
Isinasama ang mga elementong ito sa page mo
Tandaan, dapat matugunan ng lahat ng Karanasan ang mga pamantayan sa kalidad na ito para maisama ito sa merkado ng Airbnb. Mahalaga ang paraan ng paglalahad mo tungkol sa bawat isa sa mga katangiang ito sa page ng Karanasan mo. Itampok nang mabuti ang natatanging kadalubhasaan, access ng insider, at koneksyon sa mga seksyong ito:
Tungkol sa iyo – Tandaang ibahagi kung bakit ikaw ang pinakamahusay na tao para mag‑host ng Karanasang ito, kung ano ang kaugnayan ng kadalubhasaan mo sa aktibidad, at kung bakit ka maalalahaning host.
Ang gagawin mo at Ang pupuntahan mo – Ilarawan ang natatanging access sa mga lokasyon o komunidad na ibibigay mo. Maging detalyado! Asahan ang mga maaaring itanong ng mga bisita at maghanda ng mga sagot nang maaga.
Ang ibibigay ko – Banggitin ang anumang espesyal na isasama mo sa Karanasan gaya mga inumin at meryenda, at mga ticket na magbibigay sa mga bisita ng access sa isang event.
Mga Katangi-tanging Feature
Magtampok ng isang bagay na hindi madaling gawin ng mga bisita nang sila lang
- Isaalang‑alang ang kadalubhasaan at natatanging pananaw mo
- Tulungan ang mga bisita na gumawa ng mga makabuluhang koneksyon ng tao
Alamin ang mga pamantayan sa kalidad at rekisito ng Airbnb para sa mga Karanasan