Ipinakikilala ang tab na Mga Listing

May hanay ng mga bagong tool para mapangasiwaan ang listing mo at maitampok ang mga detalye ng tuluyan mo.
Ni Airbnb noong Nob 8, 2023
Na-update noong May 1, 2024

Note ng editor: Na‑publish ang artikulong ito bilang bahagi ng 2023 Release sa Nobyembre. Maaaring nagbago ang impormasyon mula noong na‑publish ito. Matuto pa tungkol sa aming pinakabagong release ng produkto.

Kasama sa pinakamahahalagang bahagi ng pagho‑host ang pangangasiwa ng listing dahil doon nalalaman ng mga bisita ang mga detalye ng patuluyan mo. Napansin naming puwedeng makatanggap ang mga mas detalyadong listing ng hanggang 20% mas maraming booking. Pero maraming listing ang hindi naglalaman ng mga detalyeng mahalaga para sa mga bisita dahil masyadong mahirap idagdag ang mga iyon.

Kaya naman ipinakikilala namin ang tab na Mga Listing kung saan may hanay ng mga bagong tool na magagamit mo para madali mong mapamahalaan ang iyong listing at maisaad ang mga detalye ng patuluyan mo.

Narito ang mga pangunahing feature ng bagong tab na Mga Listing:

  • Pinapadali ng pang‑edit ng listing ang pagdaragdag ng mga detalye tungkol sa listing mo, kabilang ang mga amenidad, kaayusan sa pagtulog, at marami pang iba. Dahil sa inayos na interface, madali na ring mae‑edit ang impormasyon para sa pagdating na kailangan ng mga bisita bago mag‑check in.
  • Sa photo tour na hatid ng AI, mabilisan kang makakagawa ng photo tour ng listing mo. Inaayos nito ang mga litrato ayon sa kuwarto para mabigyan ng ideya ang mga bisita tungkol sa layout ng patuluyan mo. Puwede mong i‑edit anumang oras ang photo tour mo at makakapagdagdag ka ng mga amenidad sa bawat kuwarto.
  • Sa pag‑uugnay ng smart lock, makakapag‑ugnay ka sa Airbnb account mo ng mga compatible na smart lock at awtomatiko kang makakagawa ng natatanging code para sa bawat reserbasyon.

Magsimula sa tab na Mga Listing

I‑tap ang tab na Mga Listing na nasa gitna ng navigation bar. Dadalhin ka nito sa pang‑edit ng listing. Sa inayos na tool na ito, madali ka nang makakapagdagdag ng impormasyon sa listing mo. Nagbibigay rin ito ng mga tip tungkol sa pinakamagagandang paraan para maitampok ang mga detalye.

May dalawang seksyon ang pang‑edit ng listing:

  • Sa Patuluyan mo, mapapangasiwaan mo ang page ng listing mo at makakapagdagdag ka rin ng mga detalye tungkol sa patuluyan mo.

  • Sa Gabay sa Pagdating, maidaragdag mo ang mga detalyeng kailangan ng mga bisita bago sila mag‑check in.

Patuluyan mo

Dito ka maglalagay ng mga detalye tungkol sa tuluyan mo tulad ng pamagat ng listing, paglalarawan, at mga amenidad.

Pagdaragdag ng amenidad
Mas madali na kaysa dati na magdagdag ng amenidad sa listing mo. Pumunta sa Mga Amenidad at i‑tap ang plus sign (+). Masusuri mo ang halos 150 amenidad ayon sa alpabeto o kategorya, kabilang ang Paglilibang, Pampamilya, at Outdoor. Puwede ka ring maghanap ng amenidad ayon sa pangalan para hindi ka na mag‑scroll. Piliin ang plus sign sa tabi ng anumang feature na mayroon ka sa tuluyan mo.

Paggawa ng photo tour
Isa sa pinakamahahalagang bahagi ng magandang listing ang magagandang litrato. Nakukuha nito ang atensyon ng mga bisita at maaari pa itong makahikayat ng mas maraming booking.

Magagamit mo ang bagong photo tour na hatid ng AI para mabilisang gumawa ng photo tour mula sa mga litrato ng listing mo at matulungan ang mga bisita na maunawaan ang pagkakaayos ng tuluyan mo. Kailangan mo lang i‑tap ang Gumawa ng photo tour. Tapos na.

Natutukoy ng custom na AI engine ang mga litrato ng loob at labas ng tuluyan at awtomatiko nitong itinatalaga ang bawat larawan sa isa sa 19 na uri ng kuwarto at bahagi ng tuluyan.

Sunod, puwede kang magdagdag ng detalye sa bawat kuwarto. Halimbawa, puwede mong isaad na may king‑size na higaan sa kuwarto o may TV sa sala. Puwede ka ring magsama ng impormasyon tungkol sa mga accessibility feature ayon sa mga alituntuning ito.

Mae‑edit mo anumang oras ang photo tour mo sa pamamagitan ng pag‑aalis, paglilipat, o pagdaragdag ng mga litrato. Pagkatapos mong mag‑edit, i‑tap ang button na I‑preview para i‑preview ang listing mo.

Gabay sa Pagdating

Dito ka magdaragdag ng mga detalyeng kailangan ng mga bisita pagkatapos nilang mag‑book at bago sila dumating tulad ng oras ng pag‑check in at anumang espesyal na panuto o tagubilin sa pagpaparada. At sa unang pagkakataon, masusuri mo ang itinakda mong impormasyon sa pagdating kung paano ito ilalahad sa mga bisita. I‑tap lang ang button na I‑preview.

Pagbibigay ng mga detalye ng pag‑check in
Sa Gabay sa Pagdating, madali kang makakapagbahagi ng mga detalye ng pag‑check in sa mga bisita pagkatapos nilang mag‑book. Maitatakda at maisasaayos mo ang paraan at oras ng pag‑check in, mga direksyon, manwal ng tuluyan, password ng wifi, at marami pang iba sa iisang lugar lang.

Pagkonekta ng smart lock mo
Malapit ka nang makapagkonekta ng smart lock sa Airbnb account mo at awtomatikong makagawa ng natatanging door code para sa bawat reserbasyon. Hindi na kailangang mano‑manong palitan ang code pagkatapos ng bawat booking.

Mahahanap ng mga bisita ang code sa mga detalye ng reserbasyon nila sa Airbnb, pati ang mga detalye kung paano iyon ilalagay. Matatanggap din nila ang door code nila sa email pagkatapos mismo nilang mag‑book, at makakatanggap sila ng notipikasyon kapag oras nang mag‑check in. Magagamit lang ang bawat code sa panahon ng pamamalagi ng bisita. Mag‑e‑expire ang mga code 30 minuto pagkatapos ng pag‑check out maliban na lang kung mano‑mano mong baguhin ang oras na ito para sa mga bisita.

Sisimulang ilunsad ang pag‑integrate ng smart lock sa unang bahagi ng 2024 sa mga nagho‑host ng listing sa U.S. at Canada at ilang partikular na lock mula sa Schlage. Kapag magagamit na ito sa lokasyon mo, mahahanap mo ito sa Paraan ng pag‑chek in. Sundin lang ang mga tagubilin sa pagkonekta ng smart lock ng tuluyan mo sa listing mo sa Airbnb.

Airbnb
Nob 8, 2023
Nakatulong ba ito?