Magkonekta ng smart lock sa Airbnb para sa mas maaayos na pag‑check in
Ikonekta ang compatible na smart lock sa listing mo para gawing mas madali ang mga sariling pag-check in. Sa pamamagitan ng feature, mapapangasiwaan mo ang iyong lock sa Airbnb app at awtomatikong gagawa at magpapadala ng mga natatanging door code sa mga bisita.
May average na rating na 4.95 para sa pag-check in ang mga listing na may mga nakakonektang smart lock.* Available ang feature sa lahat ng host na may mga listing sa US o Canada na gumagamit ng mga compatible na lock mula sa Schlage, Yale, at August.
Bakit dapat magkonekta ng smart lock
Kapag nagkonekta ka ng smart lock, awtomatikong makakatanggap ang mga bisita ng natatanging code na aktibo lang sa panahon ng kanilang pamamalagi. Hindi mo na kailangang baguhin ang code sa pagitan ng mga booking.
Kapag nagkonekta ka ng lock sa listing mo, magagawa mo ring:
- Makatanggap ng notipikasyon sa app kapag dumating ang mga bisita.
- I-preview ang mga door code ng mga bisita.
- Baguhin kung gaano katagal aktibo ang code sa pamamagitan ng pagsasaayos ng oras ng pag-check in o pag-check out ng bisita.
- Makakabuo ka ng magkakaibang code para sa iyo, mga co-host, at mga tagalinis.
- Makatanggap ng abiso tungkol sa anumang isyu na maaaring makaapekto sa mga bisita tulad ng mga pagkaantala sa koneksyon sa wifi ng lock.
Para makapagsimula
Pumili ng compatible na lock mula sa Schlage, Yale, o August na kumokonekta sa wifi at may keypad o touchscreen. Hindi ka puwedeng kumonekta sa isang lock na may Bluetooth lang.
Karaniwang nagsisimula sa humigit-kumulang USD250 ang mga lock kit at gumagamit ng mga bateryang AA o AAA na kailangan mong palitan paminsan-minsan. Karamihan sa mga lock ay gumagana sa mga single-cylinder deadlock sa mga pintong 1⅜ hanggang 1¾ pulgada ang kapal. Angkop sa mas makakapal na pinto ang ilang lock. Tiyaking suriin ang mga detalye ng produkto.
Karaniwang umaabot nang wala pang isang oras ang pag-install, at available ang mga tagubiling may sunod-sunod na hakbang online mula sa Schlage, Yale, at August.
Para ikonekta ang smart lock
Dapat itong i-set up ng pangunahing host o co-host na may access sa lahat dahil kinakailangan nitong pahintulutan ang Airbnb na ma-access at magbahagi ng impormasyong nasa account ng lock app mo. Para ikonekta ang compatible na smart lock:
- Pumunta sa seksyon ng Gabay sa Pagdating ng listing mo.
- I-update ang paraan ng pag-check in mo at gawing Smart lock.
- Piliin ang Kumonekta at pumili ng lock mo.
- I-tap ang Magpatuloy at mag-log in sa account ng lock app mo.
- Suriin ang impormasyon at kumpletuhin ang pagkonekta.
Kapag nakatanggap ng mga code ang mga bisita
Matatanggap ng mga bisita ang door code nila sa email pagkatapos nilang mag‑book, at makakatanggap sila ng paalala kapag oras nang mag‑check in. Mahahanap din nila ang code at mga tagubilin para sa lock sa mga detalye ng reserbasyon nila na kung saan namin isasaad kung paano ito gamitin.
Maa-activate ang mga door code sa oras ng pag‑check in at mag‑e‑expire ang mga iyon 30 minuto pagkalipas ng takdang pag‑check out. Awtomatikong nagbabago ang pagsasaayos ng reserbasyon ng bisita para sa maagang pagdating o nahuli nang pag-alis kapag aktibo ang isang code.
Tiyaking magdagdag ng backup na paraan ng pagpasok sa iyong gabay sa pagdating.
*Batay sa mga listing na may smart lock na nakakonekta sa Airbnb mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2024.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.