Pakikisalamuha sa mga bisita ng Mga Kuwarto mo
Nagbu‑book ng Mga Kuwarto sa Airbnb ang ilang bisita dahil natutuwa silang magkaroon ng mga bagong kakilala, habang pinipili ng iba na hindi makihalubilo. Gaano kadalas mo gustong makihalubilo? Puwede mo itong ipaalam sa mga bisita sa mga setting ng listing mo.
Pagtatakda ng iyong preperensya
Pumili ng isa sa apat na preperensya sa personal na pakikipag‑ugnayan sa mga setting ng listing mo:
Gusto kong nakikihalubilo at naglalaan ng panahon para makasama ang mga bisita.
Personal akong bumabati pero hindi ako masyadong nakikihalubilo.
Wala ako roon nang personal at mas gusto kong makipag-ugnayan sa pamamagitan ng app.
Walang partikular na gusto. Susundin ko kung ano ang gusto ng mga bisita.
Puwede ka ring magsulat ng mga detalye ng paglilinaw sa paglalarawan ng listing mo, tulad ng mga oras na karaniwang available ka para tumulong sa panahon ng pamamalagi ng bisita.
Nakikisalamuha sa mga bisita
Gustong-gusto ni Richard, na nagho‑host ng Kuwarto sa downtown Toronto, na tumanggap ng mga bisita sa kanyang tuluyan. “Hindi ito isang pisikal na tuluyan lang,” sabi niya. “Ito ay pakikipag‑ugnayan sa mga bisita sa makabuluhang pag‑uusap—pagiging bukas at pakikinig sa mga tao.”
Sinasalubong ni Richard ang kanyang mga bisita sa pinto sa harap kapag nag‑check in sila at binibigyan sila ng tour ng kanyang lugar. “Sa palagay ko, isang bagay na kaakibat ng pagiging tao ang hinahanap nating lahat sa buhay,” sabi niya. “Binibigyan ko sila ng access sa lahat mula sa balkonahe hanggang sa barbeque, para maramdaman nilang tila nasa sarili silang tahanan.”
Nasisiyahan din si Richard na ilibot ang mga bisita sa kanyang bayan. “Gusto kong inaalam ang mga hilig nila,” sabi niya. “Pagkatapos, pagtutuunan ko ito ng pansin at sasabihin ko, ‘Hayaan mong banggitin ko ang ilang interesanteng bagay sa lugar na ito na hindi kasama sa karaniwang paglilibot sa lungsod.’ Para sa akin, tila aklat ng buhay ang pagbiyahe.”
Hindi masyadong nakikihalubilo
Gusto ni Ruth, isang host sa Perth, Australia, na bumabati sa mga bisita. Pagkatapos, nililibot niya sila sa tatlong kuwarto, dalawang pribadong banyo, at isang sala na bahagi ng kanyang Kuwarto.
Pagkatapos ng maikling tour, binibigyan ni Ruth ang mga bisita ng pagkakataong mapag-isa sa kanilang tuluyan. Pumupunta lang siya sa bahaging tinutuluyan nila sa loob ng bahay kapag naglalaba siya.
"Sa palagay ko, mahalaga ang unang pagkikita," sabi ni Ruth. “Ayaw talagang makihalubilo ng ilan, pero gusto ng iba, at talagang nakakatuwa silang makahalubilo. Hindi ko inaasahang ikakasiya ko iyon.”
Sumusunod sa kung ano ang gusto ng mga bisita
Mas pinili ni Dandara, isang miyembro ng Host Advisory Board sa Maceió, Brazil, na hayaan ang mga bisita na magpasya kung gaano kadalas nila gustong makihalubilo. Sabi niya, sinusubukan niyang makiramdam sa mga bisita base sa kung gaano sila kadaldal kapag inililibot niya sila sa kanyang patuluyan.
Palagi niyang tinatapos ang tour sa kanyang balkonahe, kung saan itinuturo niya ang mga lugar na paborito niyang puntahan at sinasagot ang anumang tanong. Napag‑alaman niyang mas nagiging bukas ang mga bisita sa paglipas ng panahon. Nagiging malapit pa nga sa kanya ang ilan na tila “bahagi na sila ng pamilya,” sabi niya.
Napag‑alaman ni Dandara na nagiging mas malapit siya sa kanyang mga bisita habang nag-aalmusal. Nag-aambag ang bawat isa ng maliit na bagay, gaya ng mga prutas at cake. “At ayun na nga—isang pambihirang sandali ang nalikha,” sabi niya.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.