Paghahambing ng average na presyo ng mga katulad na listing

Mabilis na makagamit ng mapang nagsasaad sa mga average na presyo ng mga patuluyan na gaya ng iyo.
Ni Airbnb noong Ago 7, 2024
Na-update noong Nob 11, 2024

Sinabi sa amin ng mga host na mahirap pagpasyahan kung magkano ang sisingilin. Sa pamamagitan ng tool sa paghahambing ng mga katulad na listing, maihahambing mo ang itinakda mong presyo sa average na presyo ng mga katulad na listing sa malapit.

“Palagi kong sinisigurong sulit para sa mga bisita ang itinatakda kong presyo, kaya gusto kong malaman kung magkano ang kinikita ng mga host sa lugar ko kada gabi,” sabi ni Felicity na miyembro ng Host Advisory Board at Superhost sa New South Wales, Australia. “Malaki ang maitutulong ng feature na ito.”

Para maghambing ng magkakatulad na listing:

  1. Pumunta sa tab na Presyo sa kalendaryo ng listing mo.
  2. Pumili ng hanay ng petsa na hanggang 31 araw.
  3. I‑tap ang I‑preview ang mga katulad na listing.

Mape-preview mo sa mapa ng lugar mo ang average na presyo ng mga katulad na listing sa malapit. Sa pamamagitan ng mga button sa mapa, mape-preview mo ang mga na‑book o hindi na‑book na listing.

Ang mga presyong nasa mapa ang average na presyo ng bawat listing sa mga napiling petsa noong na‑book o hindi na‑book ang mga iyon. Kabilang sa mga salik na ginagamit para matukoy kung ano‑anong listing ang katulad ng iyo ang lokasyon, sukat, mga feature, mga amenidad, mga rating, mga review, at iba pang listing na bina‑browse ng mga bisita habang isinasaalang‑alang ang iyo.

Makakatulong ang impormasyong ito para maunawaan mo nang mas mabuti ang lokal na presyo. Magagamit mo iyon sa tuwing magtatakda o mag‑a‑update ka ng presyo.

Puwedeng magkaroon ng malaking epekto sa mga resulta ng paghahanap ang presyo. Kadalasang mas mataas ang ranking ng mga listing na mas mababa ang presyo kaysa sa ibang kalapit na listing na may katulad na mga amenidad at bilang ng bisitang puwedeng mamalagi. Posibleng mapansin ng mas maraming bisita ang listing mo at kumita ka nang mas malaki kapag in‑adjust mo ang presyo.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ago 7, 2024
Nakatulong ba ito?