Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa bayarin sa paglilinis
Mahalagang bahagi ng diskarte mo sa presyo ang pagpapasya kung magdaragdag ka ng bayarin sa paglilinis. Para sa ilang host, malaking tulong ito para maibalik ang nagastos nila sa paglilinis. Pero kung masyadong malaki ang bayarin, posibleng magdalawang‑isip ang mga bisita na i‑book ang tuluyan mo at mas maliit ang kitain mo.
Tandaan ang mga ito kapag pinagdidiskartehan ang gastusin sa paglilinis at paghikayat sa pag‑book.
Tumutok sa paghikayat ng mga bisita
Ayon sa mga bisita, pinakamahalaga sa kanila ang malinis na tuluyan at sulit na presyo. Kakulangan sa kalinisan ang isa sa mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit hindi mabigyan ng mga bisita ang mga host ng five star. Ayon sa pananaliksik namin, kung may bayarin sa paglilinis ang listing mo, mas mataas ang pamantayan ng mga bisita sa kalinisan nito at posibleng maging mas mahigpit sila rito kapag binibigyan ng review ang tuluyan mo.
Kung pipiliin mong magdagdag ng bayarin sa paglilinis, tataas ang kabuuang presyo ng booking at isasaad ito bilang hiwalay na singil sa mga bisita kapag nag‑check out sila. Posibleng magdalawang‑isip silang i‑book ang tuluyan mo kung malaki ang bayarin sa paglilinis. May opsyon din ang mga bisita na i‑on ang feature na nagsasaad ng kabuuang presyo para malaman nila ang kabuuang presyo ng listing, kasama ang lahat ng bayarin, sa mga resulta ng paghahanap.
Makakatulong ang sulit na presyo para mapansin ang listing mo at maging mas mataas ang ranking nito sa mga resulta ng paghahanap. Isinasapriyoridad ng algorithm ng Airbnb ang kabuuang presyo at kalidad ng listing kumpara sa mga katulad na listing sa malapit.
Puwede mong gamitin ang mga tool para sa pagtatakda ng presyo sa kalendaryo mo para alamin ang kabuuang presyo para sa iba't ibang petsa at uri ng pamamalagi, at ihambing ito sa mga katulad na listing sa malapit.
Tiyaking sulit ang presyo
Kapag alam mo na ang sistema sa paglilinis na mainam para sa iyo, kalkulahin ang kabuuang gastusin mo at magtakda ng angkop na badyet sa paglilinis. Isaalang‑alang ang mga tip na ito kapag kinakalkula ang mga gastusin:
- Maghambing ng presyo. Kung kukuha ka ng propesyonal na tagalinis, suriin ang presyo ng serbisyo nila kumpara sa ibang kompanya para alamin ang pinakasulit na presyo habang isinasaalang‑alang pa rin ang patas na sahod.
- Makipagkasundo sa mga tagalinis. Subukang itanong sa tagalinis kung tatanggap siya ng mas maliit na halaga kung tiyak ang halaga at iskedyul ng pagbabayad. “Nag‑alok kami ng tiyak na buwanang pagbabayad kapag mababa ang demand kahit na isa o dalawang booking lang ang makuha namin,” sabi ng host na si Lorna. “Para mabawi ito, medyo mas mababa ang ibinabayad namin kapag mataas na ang demand.”
- Mag‑stock ng mga kailangan. Alamin ang mga supply sa paglilinis na pinakamadalas magamit sa tuluyan mo. Mas maliit ang magagastos sa katagalan kapag in‑order nang maramihan ang mga ganitong supply.
Alamin kung paano mo mababawi ang mga gastusin mo sa paglilinis habang pinapanatiling sulit ang presyo ng pamamalagi sa tuluyan mo. Pag-isipang:
- Maghanap ng potensyal na maikakaltas sa buwis. Baka maipakaltas mo ang ilang gastos sa pagho‑host tulad ng gastusin sa paglilinis kapag nag‑file ka ng buwis sa kita. Makakakuha ng higit pang impormasyon o tulong mula sa propesyonal sa pagbubuwis.
- Isama sa presyo kada gabi ang mga gastusin. Kalkulahin kung magkano ang ginagastos mo sa supply sa paglilinis, pagpapalaba, at pagpapalinis kasama ng iba pang gastos sa pagpapatakbo. Mabibigyan ka nito ng impormasyon para makapagtakda ng angkop na presyo kada gabi.
- Magdagdag ng bayarin sa paglilinis. Gamitin ito para mabawi ang ginagastos sa supply sa paglilinis o propesyonal na tagalinis, hindi bilang paraan para kumita nang mas malaki.
Magtakda ng makatuwirang bayarin sa paglilinis
Kung pipiliin mong magdagdag ng bayarin sa paglilinis, may ilang opsyon ka:
- Magtakda ng karaniwang bayarin. Magtakda ng parehong bayarin sa paglilinis para sa lahat ng bisita, gaano katagal man silang mamamalagi. Maaaring magandang diskarte ito para sa mga host na nagpapatuloy nang mas matagal.
- Magtakda ng magkakaibang bayarin sa paglilinis. Magtakda ng mas maliit na bayarin sa paglilinis para sa maiikling pamamalagi para makahikayat ng mga bisitang isa o dalawang gabi lang mamamalagi. Puwede mong panatilihin ang karaniwang bayarin sa paglilinis para sa iba pang pamamalagi.
Kung bagong host ka, subukang hindi muna magdagdag ng bayarin sa paglilinis hanggang sa makatanggap ka ng ilang magandang review para makahikayat ng mga nagbu‑book.
Makakapaglagay o makakapag‑edit ka ng bayarin sa paglilinis sa tab na Presyo ng kalendaryo ng listing mo.
Sa bihirang sitwasyong kailangan ng mas masusing paglilinis ng tuluyan mo pagkatapos ng isang pamamalagi tulad ng pag‑aalis ng mantsa at bahid ng usok, puwedeng ipabalik ang nagastos mo mula sa AirCover para sa mga Host. Sumasaklaw ng hangang USD3 milyon ang proteksyon sa pinsala para sa host. Hiwalay ito sa itinakda mong bayarin sa paglilinis at hindi ito kailangang paunang i‑set up.
Hindi saklaw ngproteksyon sa pinsala para sa host ng AirCover para sa mga Host, Insurance sa pananagutan para sa host, at Insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan ang mga host na nag‑aalok ng mga tuluyan o Karanasan sa Japan, kung saan nalalapat ang Insurance para sa Host sa Japan at Insurance sa Karanasan sa Japan, o ang mga host na nag‑aalok ng mga matutuluyan sa pamamagitan ng Airbnb Travel LLC. Tandaang nakasaad sa USD ang lahat ng limitasyon sa pagsaklaw.
Sineseguro ng mga third‑party na tagapagbigay ng insurance ang insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan. Kung nagho‑host ka sa UK, sineseguro ng Zurich Insurance Company Ltd. at isinasaayos at pinagpapasyahan ng Airbnb UK Services Limited ang polisa ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan nang walang karagdagang babayaran ang mga host sa UK. Itinalagang kinatawan ang Airbnb UK Services Limited ng Aon UK Limited na pinapahintulutan at pinapangasiwaan naman ng Financial Conduct Authority. Ang numero ng pagpaparehistro ng Aon sa FCA ay 310451. Makukumpirma mo ito kapag pumunta ka sa Financial Services Register o tumawag ka sa FCA sa 0800 111 6768. Pinapangasiwaan ng Financial Conduct Authority ang polisa ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan na bahagi ng AirCover para sa mga Host. Hindi pinapangasiwaang produkto na isinasaayos ng Airbnb UK Services Limited ang iba pang produkto at serbisyo. FPAFF405LC
Hindi insurance at hindi nauugnay sa insurance sa pananagutan para sa host ang proteksyon sa pinsala para sa host. Sa pamamagitan ng proteksyon sa pinsala para sa host, maibabalik ang nagastos mo sa mga partikular na pinsalang dulot ng mga bisita sa patuluyan at mga pag‑aari mo kung hindi nila babayaran ang mga pinsalang iyon. Para sa mga listing sa Estado ng Washington, saklaw ng polisa ng insurance na binili ng Airbnb ang mga obligasyon ng Airbnb ayon sa proteksyon sa pinsala para sa host. Nalalapat ang Mga Tuntunin ng Proteksyon sa Pinsala para sa Host na ito sa mga host na hindi sa Australia nakatira o nakarehistro. Para sa mga host na sa Australia nakatira o nakarehistro, nakadepende ang proteksyon sa pinsala para sa host sa Mga Tuntunin ng Proteksyon sa Pinsala para sa Host para sa mga User sa Australia.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.