Itatag ang partnership ninyo
Kapag nakatanggap ka ng mga kahilingan sa pamamagitan ng Network ng mga Co‑host, pag‑isipan ang gusto mong maiparating sa mga unang pag‑uusap ninyo ng mga host. Nakakatulong ang maagang pagtatakda ng mga dapat asahan para mapagpasyahan ninyo kung mainam na makipagtulungan kayo sa isa't isa at nagtatatag ito ng batayan ng matagumpay na partnership.
Pagtiyak sa mga pangunahing bagay
Magsimula sa pagkilala sa host at pagiging pamilyar sa tuluyan niya. Puwede ninyong talakayin kung:
- Ano ang mga kailangan ng host at paano ka makakatulong
- Magkano ang sinisingil mo at paano mo gustong mabayaran
- Magkano ang inaasahang kitain ng host
- Paano mo gustong makipag‑ugnayan
Siguraduhing magkatugma ang diskarte ninyo ng host. Halimbawa, nagpapadala si John na co‑host sa Scottsdale, Arizona ng kada kuwartong checklist ng muwebles, kobre‑kama, at supply sa mga potensyal na partner.
Pakikipag‑ugnayan sa mga bisita
Mahalagang aspeto ng partnership ninyo ang mabilis at malinaw na pakikipag‑ugnayan sa mga bisita at sa iba. Talakayin kung kaninong responsibilidad ang:
- Pagtugon sa mga kahilingan sa pagpapareserba kung hindi gumagamit ng Madaliang Pag‑book ang listing
- Pagpapadala ng mensahe araw-araw kabilang ang pagsagot sa mga tanong at pagsuporta sa mga bisita
- Pangangasiwa sa mga tagalinis, tagamentena, at iba pang co‑host
- Pagsusumite ng mga kahilingan para sa pagbabalik ng nagastos
- Pakikipag‑ugnayan sa Airbnb Support para magpatulong
Pagpapatuloy
Kapag nagpasya kayong magtulungan, mainam na ilagay sa pormal na kasunduan ang mga detalye ng partnership ninyo.
Magagawa ng host na imbitahan kang maging co‑host sa isang listing at i‑set up ang mga pahintulot mo para makapagtulungan kayo sa Airbnb. Matatanggap mo ang imbitasyon sa email o text message. Mayroon kang 14 na araw para tanggapin o tanggihan ito.
Pagkatapos mong tanggapin ang imbitasyon, mapipili ng host na bigyan ka ng bahagi ng payout sa kanya para sa bawat booking sa pamamagitan ng Airbnb.* Ipinapaliwanag ng mga artikulong ito sa Help Center ang mga tool para sa co‑host at pahintulot ng co‑host:
*May ilang nalalapat na paghihigpit depende sa lokasyon ng host, co‑host, at listing.
Kasalukuyang magagamit ang Network ng mga Co‑host sa Australia, France, Germany, Italy, Japan, Mexico, South Korea, Spain, at United Kingdom (hatid ng Airbnb Global Services); Canada, United States (hatid ng Airbnb Living LLC); at Brazil (hatid ng Airbnb Plataforma Digital Ltda).
Magagawa ng sinumang co‑host na may access sa lahat na magsimula, mangasiwa, o maglutas ng mga kahilingan para sa mga napinsala o nawawalang item sa Resolution Center o kahilingan para sa pagbabalik ng nagastos sa proteksyon sa pinsala para sa host sa ngalan ng mga host.
Hindi polisa ng insurance ang proteksyon sa pinsala para sa host. Wala itong proteksyon para sa mga host na nag‑aalok ng mga matutuluyan sa Japan kung saan nalalapat ang Insurance para sa Host sa Japan. Tandaang nakasaad sa USD ang lahat ng limitasyon sa pagsaklaw.
Para sa mga listing sa estado ng Washington, saklaw ng polisa ng insurance na binili ng Airbnb ang mga obligasyon sa kontrata ng Airbnb ayon sa proteksyon sa pinsala para sa host.
Napapailalim ang proteksyon sa pinsala para sa host sa mga tuntunin, kondisyon, at limitasyon maliban sa mga host na nakatira o nagnenegosyo sa Australia. Para sa mga host na iyon, napapailalim ang proteksyon sa pinsala para sa host sa mga tuntunin, kondisyon at limitasyon na ito.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.