Sumali sa Network ng mga Co‑host
Puwede ka nang mag‑alok ng iniangkop na suporta sa mga host na may mga listing sa lugar ninyo gamit ang Network ng mga Co‑host. Magandang paraan ang pagsali sa network para:
- Ipakilala ang sarili at mga serbisyo mo.
- Ipaalam kung magkano ang sinisingil mo.
- Makipag‑ugnayan sa mga potensyal na partner.
- Makapagtrabaho kung kailan at paano mo gusto.
Puwedeng maghanap sa network ang sinumang gustong magpatulong sa co‑host para makipagtulungan sa bihasang lokal na partner.
Magagamit ang Network ng mga Co‑host sa Australia, Brazil, Canada, France, Germany, Italy, Mexico, Spain, UK, at US. Magagamit ang network sa mas marami pang bansa sa 2025.
Mga serbisyong maiaalok mo
Mailalagay mo sa profile ng co‑host ang mga kasanayan mo at ang mga detalye ng mga serbisyong iniaalok mo. Pumili sa listahan ng mga serbisyo ng co‑host:
- Pag‑set up ng listing
- Pagtatakda ng presyo at availability
- Pangangasiwa sa mga kahilingan sa pagpapareserba
- Pagpapadala ng mensahe sa bisita
- Suporta para sa bisita sa mismong patuluyan
- Paglilinis at pagmementena
- Pagkuha ng litrato ng listing
- Interior design at pag‑iistilo
- Pag‑aasikaso ng mga lisensya at permit sa pagho‑host
Puwede mo ring ilarawan ang anumang karagdagang serbisyong iniaalok mo, tulad ng landscaping, pagsusuri sa negosyo, at pagpapayo tungkol sa hospitalidad.
Magagawa ng mga host na nangangailangan ng tulong sa lugar ninyo na magtanong at humiling ng serbisyo mo. Maraming salik na isinasaalang‑alang sa algorithm ng paghahanap ng network para mahanap ng mga host ang naaangkop na co‑host para sa mga listing nila. Kabilang dito ang husay, pakikipag‑ugnayan, at lokasyon.
Mga rekisito para makasali
Narito ang mga rekisito para makasali sa Network ng mga Co‑host:
- May aktibong listing ka bilang host o bilang co‑host na may access sa lahat o may access sa kalendaryo at pagpapadala ng mensahe.
- Nakapag‑host o nakapag‑cohost ka na ng 10 o higit pang pamamalagi—o tatlo o higit pang pamamalagi na makakabuo ng kahit 100 gabi man lang kung pagsasama‑samahin—sa Airbnb sa nakalipas na 12 buwan.
- Nakapagpanatili ka ng average na rating na 4.8 stars o mas mataas pa mula sa mga bisita sa nakalipas na 12 buwan sa lahat ng listing na hino‑host o kino‑cohost mo nang may access sa lahat o may access sa kalendaryo at pagpapadala ng mensahe.
- Wala pang 3% ang rate sa pagkansela mo kasama na ang mga pagbubukod para sa mga makatwirang dahilan na hindi mo kontrolado.
- Maganda ang katayuan ng Airbnb account mo. Beripikado dapat ang pagkakakilanlan mo at matugunan mo dapat ang mga rekisito sa pangalan at litrato para maitampok ka sa network.
Responsibilidad mong alamin ang mga lokal na regulasyong naaangkop sa iyo at asikasuhin ang lahat ng kinakailangang lisensya, permit, at pagpaparehistro. Halimbawa, kailangan ng lisensya ng real estate broker sa ilang lugar depende sa mga iniaalok mong serbisyo.
Basahin ang mga tuntunin ng serbisyo ng Network ng mga Co‑host at matuto tungkol sa algorithm ng paghahanap, pagberipika sa pagkakakilanlan, at mga makatwirang dahilan para magkansela sa Help Center.
Available ang Network ng mga Co‑host sa France, Spain, Italy, Germany, United Kingdom, Australia, Mexico (hatid ng Airbnb Global Services Limited), Canada, United States (hatid ng Airbnb Living LLC), at Brazil (hatid ng Airbnb Plataforma Digital Ltda).
Karaniwang may matataas na rating, may mababang rate sa pagkansela, at matagal nang nagho‑host sa Airbnb ang mga host na nasa Network ng mga Co‑host. Batay ang mga rating sa mga review ng mga bisita para sa mga listing na hino‑host o kino‑cohost nila, at posibleng hindi narerepresenta ng mga rating ang mga natatanging serbisyong ibinibigay ng mga co‑host.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.