Pagkontrol sa nakatakdang presyo
Ayon sa datos namin, mas marami nang mahigit 30% ang mga gabing na‑book sa mga listing na may mga presyong na‑update nang apat na beses o mas madalas pa sa isang taon kumpara sa mga hindi.* Posible ring makabuti sa ranking ng listing mo sa mga resulta ng paghahanap sa Airbnb kung magdaragdag ng diskuwento.
Ayon sa ilang host na may maraming listing, hindi sila madalas mag‑update ng presyo dahil matagal gawin iyon. Simpleng paraan ang pagtatakda ng mga diskuwento para maiba ang presyo kada gabi sa mga partikular na sitwasyon. Puwede ring gumamit ng pangkat ng mga tuntunin para maiangkop nang maayos ang diskarte mo sa pagtatakda ng presyo.
Pagpili ng mga diskuwento
Puwede kang magtakda ng mga diskuwento sa listing mo sa mismong kalendaryo o sa tab na Mga Oportunidad. Isaalang‑alang ang kagandahan ng bawat diskuwento para matukoy kung alin ang naaangkop sa mga listing mo.
- Diskuwento ayon sa tagal ng pamamalagi: Mag‑alok ng diskuwento para sa lahat ng pamamalaging dalawa hanggang 12 linggo, kabilang ang mga lingguhan at buwanang diskuwento. Posibleng madagdagan nito ang average na tagal ng pamamalagi sa mga listing mo at maging mas madalang ang pagpapalit ng bisita.
- Diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book: Gawing mas mababa ang presyo kada gabi kapag mas malapit na ang petsa ng pag‑check in. Mapupunan nito ang mga gabing hindi naka‑book at makakadagdag ito sa kita. May lalabas na espesyal na palatandaan sa listing mo kapag naglagay ka ng diskuwentong 10%
o higit pa. - Diskuwento para sa maagang pagbu‑book: Magdagdag ng diskuwento sa pagbu‑book na gagawin nang isa hanggang 24 na buwan bago ang pag‑check in para maagang mapuno ang kalendaryo mo sa paparating pang panahon. May lalabas na espesyal na palatandaan sa listing mo kapag naglagay ka ng diskuwentong 3%
o higit pa. - Promo para sa bagong listing: Mag‑alok ng 20% diskuwento sa unang tatlong booking sa mga bagong listing. Tiyaking mabilis na mabu‑book at mabibigyan ng review ang mga listing mo.
- Iniangkop na promo: Ikaw ang pipili ng petsa at porsyento ng diskuwento. May lalabas na espesyal na palatandaan sa listing mo kapag naglagay ka ng diskuwentong 15% o higit pa.
- Hindi nare‑refund na diskuwento: Iayon ito sa patakaran sa pagkansela mo para makatanggap ng payout kailan man magkansela ang mga bisita kapag nag‑alok ka ng 10% diskuwento.
Nakadepende sa porsyento ng diskuwento kung saan isasaad para sa mga bisita ang diskuwento.
- 1% o higit pa: Isasaad ang detalye ng diskuwento bilang line item sa mga listing mo (kung hindi pa nakasaad ang kabuuang presyo) at sa pag‑check out habang nagbu‑book. Hindi ito nalalapat sa diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book.
10% o higit pa: Isa‑strikethrough ang nakatakdang presyo kada gabi sa mga resulta ng paghahanap at sa listing mo, maliban pa sa lahat ng nakasaad sa itaas.
- 20% o higit pa: Maaaring itampok ang mga listing mo sa mga email ng Airbnb sa mga bisitang kamakailang naghanap ng listing sa lugar ninyo bukod pa sa mga detalyeng nakasaad sa itaas.
Pagsapit ng Nobyembre 2023, binubuo ng mga pamamalaging tatlong buwan o mas matagal pa ang humigit‑kumulang sangkapat ng mga gabing na‑book para sa mas matatagal na pamamalagi. Karaniwang naghahanap ng mga listing na may diskuwento ang mga bisitang interesado sa mas matatagal na pamamalagi.
Paggamit ng pangkat ng mga tuntunin sa presyo at availability
Kung ayaw mong maglagay ng diskuwento sa lahat ng available na petsa, puwede kang gumamit ng pangkat ng mga tuntunin para isaayos ang presyo kada gabi at mga setting ng kalendaryo depende sa mga partikular na salik. Puwede kang maglapat ng pangkat ng mga tuntunin sa isa o maraming listing.
Isaalang‑alang ang bahagi ng taon sa paggamit ng pangkat ng mga tuntunin. Halimbawa, nagbabago ang demand sa lugar ninyo depende sa panahon. Puwede kang gumawa ng pangkat ng mga tuntunin na nagsasaayos sa mga setting mo kapag karaniwang mababa ang demand sa lugar ninyo. Magagawa mong maglagay ng diskuwento para sa maagang pagbu‑book o ayon sa tagal ng pamamalagi, habaan ang maximum na tagal ng pamamalagi, at payagan ang pagbu‑book sa mismong araw ng pamamalagi para mahikayat ang mga bisita na i‑book ang mga available na petsa.
Bukod pa sa mga diskuwento, puwede mong baguhin ang mga setting ng availability gamit ang pangkat ng mga tuntunin.
- Mga rekisito sa tagal ng pamamalagi: Itakda ang minimum at maximum na tagal ng pamamalagi na puwede mong iangkop ayon sa araw.
- Mga rekisito sa pag‑check in at pag‑check out: Piliin ang mga araw kung kailan puwedeng mag‑check in at mag‑check out ang mga bisita.
Pag‑set up ng pangkat ng mga tuntunin
Para makagamit ng mga pangkat ng mga tuntunin, tiyaking naka‑opt in ka sa mga tool para sa propesyonal na pagho‑host. (Awtomatiko kang naka‑opt in kung mayroon kang anim o higit pang listing.) Available lang ang mga tool na ito sa desktop.
Kapag may na‑apply na pangkat ng mga tuntunin, ipapawalang‑bisa nito ang kasalukuyang presyo kada gabi at anumang setting ng availability kabilang ang Smart Pricing.
Para gumawa ng bagong pangkat ng mga tuntunin:
- Pumunta sa Multi‑calendar mo.
- Piliin ang mga petsa kung saan mo gustong maglapat ng pangkat ng mga tuntunin.
- Sa panel, pumili ng mga alituntunin.
- I‑click ang Gumawa ng bagong pangkat ng mga tuntunin.
- Pangalanan ang pangkat ng mga tuntunin mo (halimbawa, “Peak season”).
- Sa tabi ng alituntuning gusto mong idagdag, i‑click ang Iangkop.
- Ilagay ang mga alituntunin mo sa presyo at availability.
- I‑click ang I‑save.
- Para mag‑alis ng alituntunin, i‑click ang Kanselahin.
Para mag‑edit ng nagawa nang pangkat ng mga tuntunin:
- Pumunta sa Multi‑calendar mo.
- I‑click ang mga pangkat ng mga tuntunin.
- Mag‑scroll papunta sa pangkat ng mga tuntunin na gusto mong pangasiwaan, saka i‑click ang I‑edit.
*Batay sa datos ng Airbnb para sa mga aktibong listing pagsapit ng Hulyo 2022
Kung gumagamit ka ng software na konektado sa API, maa‑access mo ang mga feature na ito sa software mo kung naidagdag na ng provider ang mga ito. Kung hindi, makipag‑ugnayan sa provider mo at alamin kung kailan makakagamit niyon. Sa platform ng Airbnb lang makakapag‑apply ng mga iniangkop na promo. Sa mga promo sa ilang lugar, posibleng hindi magamit ang ilang feature sa pag‑merchandise tulad ng istilong strikethrough.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.