Dahilan sa posibleng magkakaibang presyo sa mga paghahanap
Mga Katangi-tanging Feature
May mga sinusubukan kaming bagong paraan para magpakita ng mga presyo sa mga resulta ng paghahanap
Sa bagong eksperimento, kabuuang presyo lang ng pamamalagi ang makikita ng ilang bisita kapag naghanap sila
Hindi nakakaapekto ang pagsubok sa halaga ng bayad ng bisita o payout ng host
Mula noong nakaraang taon, may mga sinusubukan kaming iba't ibang paraan para ipakita ang presyo ng mga tuluyan sa mga resulta ng paghahanap ng listing.
Sa kasalukuyan, nakikita ng mga bisita sa ilang lugar ang presyo kada gabi at kabuuang presyo sa mga resulta ng paghahanap. Simula sa buwang ito, maglulunsad kami ng bagong eksperimento sa pagpepresyo para itampok lang ang kabuuang presyo ng listing para sa ilang bisitang naghahanap ng mga tuluyan, kabilang ang presyo kada gabi, bayarin sa serbisyo ng Airbnb, at anumang bayarin para sa paglilinis, mga alagang hayop, o mga dagdag na bisita.
Ang layunin ay makapagbigay ng karanasan sa pagbu-book na mas madali, mas mabilis, at mas malinaw para sa mga bisita. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa eksperimento sa pagpepresyo na ito at kung paano makakapagbigay ng feedback.
Paano ang proseso ng pagsubok sa pagpepresyo na ito?
Makikita lang ng mga bisita sa ilang lugar ang kabuuang presyo ng mga pamamalagi sa tabi ng mga listing sa mga resulta ng paghahanap nila. Hindi kasama sa kabuuang presyo na ito ang mga buwis na nakasaad bilang hiwalay na linya ng item sa page ng pag-check out.
Nalalapat ang pagsubok sa mga bisitang naghahanap ng mga tuluyan sa ilang partikular na lokasyon sa iba't ibang panig ng mundo. Sa panahon ng pagsubok, posibleng may lumabas sa mga listing na mga banner na nag-aabiso sa mga bisita tungkol sa pagbabago.Nakakaapekto ba ang pagsubok sa pagpepresyo na ito sa aking payout?
Hindi. Hindi maaapektuhan sa anumang paraan ang halagang babayaran ng bisita at ang mga payout ng host.
Kontrolado mo palagi ang presyong itatakda mo para sa patuluyan mo. Sa panahon ng pagsubok na ito, puwede mo pa ring isaayos ang presyo kada gabi sa seksyong Presyo at availability ng mga detalye ng listing mo.Bakit ginagawa ng Airbnb ang eksperimentong ito?
Idinisenyo namin ang kasalukuyan naming serbisyo para idetalye ang iba't ibang bayarin at buwis para ganap na maunawaan ng mga bisita ang mga puwedeng singilin bago sila magbayad. Sa nakalipas na taon, napansin naming marami nang gumagamit ulit ng Airbnb sa mga biyahe at, bagama't naniniwala kaming mainam ang kasalukuyang format, palagi kaming nagsisikap na mas pagandahin ang karanasan ng lahat.
Sa pamamagitan ng pagsubok ng iba't ibang paraan para ipakita ang mga presyo sa mga listing, hangad naming matukoy kung puwedeng maparami ng bagong format ang mga booking sa host at makatulong ito para mapaglingkuran namin nang mas mabuti ang komunidad sa iba't ibang panig ng mundo.
Mayroon pa ba akong dapat malaman?
Nasa lokasyon mang kasama sa eksperimento o hindi ang listing mo, puwede mong i-update anumang oras ang paglalarawan ng listing mo para isaad kung ano ang espesyal tungkol sa iyo at sa patuluyan mo.
Puwede mo ring isaayos at pahusayin ang diskarte mo sa pagpepresyo gamit ang bagong tool sa pag-preview ng presyo. Sa tool na ito, makakakuha ka ng detalye ng kabuuang babayaran ng bisita at ng payout mo sa mismong account sa pagho-host mo.
Habang patuloy kaming sumusubok ng mga bagong paraan para ipakita ang pagpepresyo sa mga resulta ng paghahanap ng listing, hinihikayat ka naming magbigay ng feedback. Ibahagi sa amin ang mga saloobin mo tungkol sa eksperimentong ito. Gaya ng dati, salamat sa pagiging bahagi ng pinahahalagahang komunidad ng mga host namin
Mga Katangi-tanging Feature
May mga sinusubukan kaming bagong paraan para magpakita ng mga presyo sa mga resulta ng paghahanap
Sa bagong eksperimento, kabuuang presyo lang ng pamamalagi ang makikita ng ilang bisita kapag naghanap sila
Hindi nakakaapekto ang pagsubok sa halaga ng bayad ng bisita o payout ng host
