Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Hindi available sa pinili mong wika ang nilalamang ito, kaya inihanda namin ito sa pinakamalapit na available na wika sa ngayon.

Isinusulong ng Airbnb at mga host ang pangangalagang pangkalusugan at edukasyon

Ang suporta ng Host Club sa Seoul sa lokal at pandaigdigang pag‑unlad.
Ni Airbnb noong Mar 20, 2024

Noong 2014, gumawa ng malaking desisyon si Hojin at ang asawa niya: Umalis sila sa trabaho nila sa pagmamanupaktura ng electronics sa Seoul para libutin ang mundo. Sa loob ng sumunod na taon, nag‑explore sila sa 30 bansa sa limang kontinente sa pamamagitan ng pamamalagi sa mga tuluyan na naka‑list sa Airbnb sa bawat binisita nilang lugar.

Dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga host, nagkaroon ng inspirasyon si Hojin na bigyan ng mga katulad na karanasan ang iba pang biyahero. Naging Airbnb host siya. Ngayon, may tatlong listing na sa Seoul ang mag‑asawa kung saan mahigit pitong taon na silang nagpapatuloy ng mga bisita.

“Naniniwala kaming nakakatulong ang paglalakbay sa paglago ng mga tao at may positibong epekto ito sa mga komunidad na tinitirhan nila,” sabi ni Hojin.

Higit pa sa pagho‑host ang pagtuon ni Hojin sa komunidad. Bilang Lider ng Komunidad ng Host Club sa Seoul, ninomina ni Hojin ang Good Neighbors International na makatanggap ng donasyon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad. Bawat taon, may pagkakataon ang mga miyembro ng club na suportahan ang mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng Pondo para sa Komunidad.

Nakakaabot ang pandaigdigang nonprofit para sa pagtulong at pagpapaunlad na nakabase sa Seoul sa 42 bansa, kabilang ang pagpapatakbo sa 52 sangay ng mga serbisyo para sa kapakanan ng mga bata sa South Korea. Layunin nilang wakasan ang kahirapan, protektahan ang mga karapatan ng mga bata, at bigyan ng suporta ang mga nakakapagsarili at ingklusibong komunidad.

Nahikayat si Hojin na Lider ng Komunidad ng Host Club sa Seoul na maging Airbnb host pagkatapos niyang lakbayin ang mundo.

Ang tulong na naihahatid ng mga Host Club

Dahil sa nominasyon ng Host Club sa Seoul, nakatanggap ang Good Neighbors International ng USD75,000 na donasyon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad. Makakasuporta ang donasyon sa mga pagsisikap ng organisasyon para mapabuti ang edukasyon sa buong mundo at access sa pangangalagang pangkalusugan at maiinom na tubig.

Nahikayat din ang mga miyembro ng Club sa pagsisikap ng organisasyon sa komunidad sa South Korea tulad ng pagbibigay ng mga produkto para sa regla sa kabataan, at pinaplano nilang magboluntaryo.

Nagbigay ng nominasyon ang mahigit 50 Host Club para sa mga nonprofit sa iba't ibang panig ng mundo upang makatanggap ang mga ito ng mga donasyon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad sa taong 2023. Bukas na ang nominasyon para sa mga donasyon mula sa Pondo para sa Komunidad sa taong 2024. Makipag‑ugnayan sa lokal na Host Club para matuto pa tungkol dito.

Information contained in this article may have changed since publication.

Airbnb
Mar 20, 2024
Nakatulong ba ito?