Gumamit ang mga tagapangasiwa ng property na ito ng mga tool ng Airbnb para maparami ang panunuluyan
Nahirapang makahikayat ng mga bisita ang mag-asawang sina Angie at Chris noong una silang nag-ayos at nagpagamit ng mga artist loft sa Paris bilang matutuluyan ng mga biyahero isang dekada na ang nakalipas. Sa kabila ng pagli-list sa tatlong online na platform sa pagbibiyahe at sa sarili nilang website, bihirang lumampas sa 50 porsiyento ang panunuluyan.
Gayunpaman, nagbago ang takbo ng negosyo nila limang taon na ang nakakaraan noong sinimulan nilang i-list sa Airbnb ang pito nilang Artisan Loft sa Paris. Dahil maraming naaabot ang platform sa iba't ibang panig ng mundo, napansin sila ng mga tech-savvy na kabataang bisita at mabilis na tumaas ang panunuluyan sa tinatantiya ng mag-asawa na humigit-kumulang 85 porsiyento kapag peak season at tinatayang 75 porsiyento naman kapag taglamig at mababa ang demand.
“Binuksan ng Airbnb ang market ng hospitalidad sa mga bagong kliyente at bagong biyahero,” sabi ni Chris. “Binuo nito ang pamantayan ng industriya pagdating sa pagiging makabago, teknolohiya, at mga karanasan ng kliyente.”
Para sa mga host tulad nina Angie at Chris, nagsilbing paraan ang platform ng Airbnb para makapagtampok ng magagandang larawan ng mga mini loft nila na binuo mula sa mga lumang panaderya at fashion at artist studio.
Di-mapagkakaila ang estilo nila sa kapansin-pansing gallery na nagtatampok ng mga art deco graphic poster, mid-century modern na upuan, at pulang checkerboard na kobre-kama. Binibigyan din sila ng Airbnb ng paraan para makapagbahagi ng mga lokal na tip sa mga bisita sa pamamagitan ng mga iniangkop na guidebook na nagsasaad kung saan namimili, kumakain, at nag-iinom ang mga taga-Paris.
“We host because we love traveling,” Chris says. “We love traveling as locals, not as tourists. So we decided to host and help our guests live like locals when traveling.”
“Nagho-host kami dahil mahilig kaming bumiyahe,” sabi ni Chris. “Mahilig kaming bumiyahe bilang mga lokal at hindi bilang mga turista. Kaya naman nagpasya kaming mag-host at tulungan ang mga bisita namin na mamuhay na parang lokal kapag bumibiyahe sila.”
The couple has also benefited from the platform’s automated pricing tools, which indicate optimized rates a full year in advance based on factors like seasonality, days of the week, and special events. “Airbnb has given anyone who is running a smaller business the tools of a hotelier,” Chris says.
Thanks to their success in Paris, Angie and Chris are now expanding to Portugal. Airbnb’s co-hosting tools enable them to hire someone who will help manage their property from afar. “I think the Co-Host has changed the way that people are running their businesses,” Chris says. “Airbnb is always into innovation and anticipation.”
Information contained in this article may have changed since publication.