Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Binibigyang‑kakayahan ng Airbnb at mga host ang kababaihan at kabataan sa Colombia

Paano sinusuportahan ng Bogota Host Club ang mga pamilya sa pamamagitan ng manikang gawa sa kamay.
Ni Airbnb noong Nob 8, 2024

“Ito ang Super Empanada, na nakikipaglaban sa gutom at kahirapan,” sabi ni Yuli, isang host at tagapagtatag ng True Heroes Foundation sa Bogota, Colombia, habang hawak niya ang isa sa mga manikang gawang-kamay na sumisimbolo sa kanyang organisasyon. 

Nakasuot ang manika ng dilaw na superhero suit, pulang kapa, at asul na maskara. Pero si Yuli ang tunay na superhero. Sa pamamagitan ng kanyang foundation, nagbibigay siya ng mga trabaho sa pananahi upang matulungan ang kababaihang magkaroon ng karagdagang kita at masuportahan ang kanilang mga pamilya.

Nagsasagawa ang True Heroes Foundation ng mga workshop kung saan natututo ang kababaihang lumikha ng mga manika para ibenta sa pamamagitan ng kanyang nonprofit. Mula 2012, dose‑dosenang ina ang nakinabang na sa mga workshop. Nagbibigay din ang foundation ng ligtas na espasyo para sa mga ina at kanilang mga anak na makakuha ng suporta sa kalusugan ng isip, makahanap ng komunidad, at maipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng sining at pagkamalikhain.

Hinihikayat ng True Heroes Foundation ang mga bata na bumuo ng mga ideya para sa mga karakter na superhero, tulad ni Super Empanada.

Ang tulong na naihahatid ng mga Host Club

Bilang miyembro ng Bogota Host Club, iminungkahi ni Yuli na makatanggap ang foundation ng donasyon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad. May oportunidad kada taon ang mga Host Club na suportahan ang kanilang lokal na komunidad sa pamamagitan ng Pondo para sa Komunidad. Dahil sa nominasyon, nakatanggap ang True Heroes Foundation ng donasyong USD10,000.

Makakatulong ang donasyon sa nonprofit na makabili ng mga karagdagang makinang panahi, makakuha ng part‑time na psychologist, at mapalawak ang espasyo nito. Magbibigay din ito ng karagdagang kita sa hindi bababa sa apat na pamilya sa loob ng anim na buwan.

“Salamat sa kaloob ng Airbnb, sisimulan namin ang 2024 nang may mahuhusay na proyekto at mas magandang oportunidad para sa aming organisasyon,” sabi ni Yuli. “Mahalaga na sinusuportahan kami ng malaking kompanyang tulad ng Airbnb.”

Nagbigay ng nominasyon ang mahigit 50 Host Club para sa mga nonprofit sa iba't ibang panig ng mundo para makatanggap ang mga ito ng mga donasyon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad sa taong 2023. Magpapamahagi ang Airbnb ng USD100 milyon sa mga organisasyon sa iba't ibang panig ng mundo hanggang 2030.

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Nob 8, 2024
Nakatulong ba ito?