Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Gabay ng baguhan sa sustainable na pagho-host

Matutulungan ka ng mga tip na ito na mabawasan ang iniiwang bakas sa kapaligiran ng iyong listing.
Ni Airbnb noong Abr 21, 2021

Mga Katangi-tanging Feature

  • Makakatipid ka ng pera sa katagalan kapag namuhunan ka sa mga kagamitang matipid sa kuryente

  • Puwedeng mabawasan ang environmental footprint mo kapag gumamit ka ng mga sustainable na pangunahing kailangan sa bahay tulad ng mga malalabhang pamunas

  • Makakatulong ang pag‑install ng mga kasangkapang may kaunting daloy ng tubig para makatipid ng tubig

Hindi lang mabuti para sa planeta ang pagiging host na responsable sa kapaligiran, mabuti rin ito sa negosyo mo ng pagho‑host. Noong 2019, dumami nang 141 porsyento* ang bilang ng mga pamamalagi sa mga tuluyang makakalikasan kumpara sa naunang taon.

Para matulungan kang maging mas sustainable na host, nakipagtulungan kami sa United Nations Environment Programme, ang nangungunang pandaigdigang awtoridad sa kapaligiran sa United Nations, at sa World Wildlife Fund, ang nangungunang organisasyon sa mundo pagdating sa pangangalaga ng kapaligiran, para sa mga ekspertong pananaw. Nangalap din kami ng payo mula sa mga host sa iba’t ibang panig ng mundo na gumawa ng mga simple pero makabuluhang hakbang para makagawa ng pagbabago.

Magbasa pa para malaman kung paano ka makakagawa ng mas sustainable na pamamalagi para sa mga bisita.

Magpatupad ng mga upgrade na matipid sa kuryente

Kapag mas matipid sa kuryente ang tuluyan mo, mababawasan ang dami ng ginagamit na mapagkukunan, mga gastos, at carbon footprint mo. Narito ang ilang ideya para makatipid ng kuryente:

  • Paalalahanan ang mga bisita na tanggalin sa saksakan ang mga device kapag hindi ginagamit ang mga ito: Hanggang 50%** ng kuryenteng ginagamit ng mga mobile phone ay mula sa mga charger na nakasaksak kahit hindi ginagamit.
  • I‑adjust ang pampainit mo ng tubig: Kahit 140 degrees Fahrenheit (60 degrees Celsius) ang karaniwang temperatura para sa pampainit ng tubig, makakatulong na makatipid ng kuryente kapag ibinaba iyon sa 120–130 degrees Fahrenheit (48–54 degrees Celsius).
  • Suriin ang mga bombilya: Puwedeng makabawas sa init at konsumo ng kuryente sa katagalan ang paggamit ng pinakamababang posibleng wattage. Gumagamit din ng mas kaunting kuryente at mas nagtatagal** ang mga bumbilyang matipid sa kuryente, tulad ng CFL at LED, kumpara sa mga incandescent na bumbilya.
  • Gawing matatag laban sa panahon ang tuluyan mo: Mag‑install ng weather stripping sa mga pinto at i‑insulate ang mga bintana para makatulong na makatipid sa mga gastos sa pagpapainit at pagpapalamig.
  • Bumili ng mga smart thermostat na may mga automated controller: Sa pamamagitan ng mga thermostat na gumagamit ng wifi, makokontrol mo ang temperatura batay sa pagdating at pag‑alis ng mga bisita. 
  • Suriin ang mga kasangkapan: Kapag oras nang bumili ng mga bagong kasangkapan, pumili ng mga may mataas na rating sa pagtitipid ng kuryente.

Pumili ng mga pangunahing kailangan sa bahay na sustainable

Magandang pagkakataon para sa karamihan ng mga tao na gumamit ng mga kagamitang panlinis na magagamit ulit at mga produktong puwedeng i‑refill para mabawasan ang epekto nila sa kapaligiran. Isaalang‑alang ang mga tip na ito para sa pagiging mas makakalikasan:

  • Palitan ang mga kagamitang panlinis na isang beses lang magagamit: Naglalagay ang Superhost na si Anna ng Pembrokeshire, Wales ng mga puwedeng hugasan at magagamit ulit na sponge at mga pamunas na microfiber sa kusina sa halip na mga maitatapong paper towel.
  • Gumamit ng mga produktong gawa sa niresiklong papel: Para sa anumang produktong papel na ipapagamit mo, tulad ng facial tissue o toilet paper, piliin ang 100% niresiklong papel para maging mas makakalikasan.
  • Bawasan ang paggamit ng mga nakakapinsalang kemikal: Bumili ng sabong panghugas ng pinggan, sabong panlaba, at mga gamit sa banyo na hindi nakakalason o may mababang toxicity, natural, o nabubulok. Sa Bordeaux, France, bumibili ang Superhost na si Pascale ng mga organic na produkto para sa paliligo at pangangalaga sa katawan mula sa mga lokal na tindahan.
  • Gumamit ng mga organic na tela: Kapag oras nang palitan ang mga sapin at tuwalya, makakatulong ang pagpili ng mga organic na tela para maiwasan ang mga pesticide, insecticide, at iba pang lason na nakakapinsala sa mga tao at ecosystem. 

Magtipid ng tubig

Dahil limitadong mapagkukunan ang sariwa at malinis na tubig, mahalagang maging maingat sa dami ng tubig na ginagamit mo at ng mga bisita, lalo na’t nagdudulot ng mas maraming tagtuyot ang krisis sa klima. Narito ang ilang kapaki‑pakinabang na paraan para makatipid ng tubig:

  • Mag‑iwan ng mga paalala para sa mga bisita: Puwedeng makatipid nang mahigit isang galon** ng tubig kada minuto kapag nag‑shower nang isang minutong mas maikli. Naglalagay ng mga paalala ang Superhost na si Antonella sa Milan, Italy malapit sa mga gripo para hikayatin ang mga bisita na patayin ang tubig kapag nagsisipilyo sila. Puwede mo ring hikayatin ang mga bisita na paikliin ang pag‑shower.
  • Tingnan kung may mga tumatagas: Makakatulong sa iyo na makita ang mga tumatagas kapag regular mong sinusuri ang mga paligid ng mga inodoro, lababo, tub, at kasangkapang gumagamit ng tubig. Masusubaybayan ng smart water meter kung gaano karaming tubig ang ginagamit mo at aabisuhan ka nito kung may hindi pangkaraniwang aktibidad. Halimbawa, kung nakalimutan mong patayin ang gripo sa kusina o may tumatagas sa dishwasher.
  • Gumamit ng mga setting at kasangkapang matipid sa tubig: Gumagamit ng maraming tubig ang mga washing machine at dishwasher. Kung may mga ganito sa patuluyan mo, hikayatin ang mga bisita na gamitin ang mga setting ng mabilisang paghuhugas o eco. At kapag oras nang palitan ang makina, pumili ng makinang matipid sa kuryente at gumagamit ng mas kaunting tubig.
  • Mag‑install ng mga kasangkapang may kaunting daloy ng tubig: Puwede ka ring makagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng pag‑install ng mga gripong may kaunting daloy ng tubig, at mga inodorong may kaunting daloy ng tubig o may dalawang flush. Sa Tasmania, Australia, may espesyal na shower head ang Superhost na si Merrydith. Binabawasan noon ang daloy ng tubig habang nararamdaman pa rin ang mataas na presyon.

*Batay sa internal na datos ng Airbnb tungkol sa pagdami kada taon ng mga pagdating ng bisita sa mga listing na may mga partikular na keyword (makakalikasan, mabuti sa kapaligiran, atbp.) sa mga pamagat at paglalarawan ng listing mula Agosto 2018 hanggang Agosto 2019

**Mula sa 60 Actions for the Planet ng World Wildlife Fund na na‑publish noong Marso 5, 2021

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito. 

Mga Katangi-tanging Feature

  • Makakatipid ka ng pera sa katagalan kapag namuhunan ka sa mga kagamitang matipid sa kuryente

  • Puwedeng mabawasan ang environmental footprint mo kapag gumamit ka ng mga sustainable na pangunahing kailangan sa bahay tulad ng mga malalabhang pamunas

  • Makakatulong ang pag‑install ng mga kasangkapang may kaunting daloy ng tubig para makatipid ng tubig

Airbnb
Abr 21, 2021
Nakatulong ba ito?