Mga Sanggunian para sa Biyahero

Mga Sikat na Paksa
Paano ba mag‑sign up para sa Airbnb account?
Pag‑sign up para sa Airbnb account bilang bahagi ng partnership sa Olympics at Paralympics
Ika‑1 hakbang: Mag‑sign up Mag‑click sa “Mag‑sign up” sa kanang sulok sa itaas ng page na ito. Ilagay ang email address mo sa trabaho. Kung may Airbnb account ka na, mag‑log in gamit ang numero ng telepono mo o anumang available na paraan ng pag‑log in. Kung wala kang Airbnb account, gumawa nito gamit ang numero ng telepono mo o anupamang available na paraan. Huwag gumawa ng panibagong Airbnb account kung may account ka na. Ika‑2 hakbang: Kumpletuhin ang profile mo Pagkatapos mong mag‑sign up, siguraduhing kumpletuhin ang account mo bago ka magpareserba, kabilang ang sumusunod na impormasyon:- Buong pangalan
- Email address
- Nakumpirmang numero ng telepono
- Pambungad na mensahe
- Pagsang‑ayon sa mga alituntunin sa tuluyan
- Impormasyon sa pagbabayad
Paano ko ili‑link ang email address ko sa trabaho?
Ika‑1 hakbang: Mag‑sign up
Mag‑click sa “Mag‑sign up” sa kanang sulok sa itaas ng page na ito. Ilagay ang email address mo sa trabaho. Kung may Airbnb account ka na, mag‑log in gamit ang numero ng telepono mo o anumang available na paraan ng pag‑log in. Kung wala kang Airbnb account, gumawa nito gamit ang numero ng telepono mo o anupamang available na paraan. Huwag gumawa ng panibagong Airbnb account kung may account ka na. Ika‑2 hakbang: Kumpletuhin ang profile mo Pagkatapos mong mag‑sign up, siguraduhing kumpletuhin ang account mo bago ka magpareserba. Para makapagpareserba, kailangang maglagay ang mga bisita ng:- Buong pangalan
- Email address
- Nakumpirmang numero ng telepono
- Pambungad na mensahe
- Pagsang‑ayon sa mga alituntunin sa tuluyan
- Impormasyon sa pagbabayad
Pagiging mabuting bisita
Sa pagbiyahe sa Airbnb, may pagkakataon kang mamalagi sa mga tuluyan ng ibang tao at makisalamuha sa iba pang bahagi ng komunidad ng Airbnb. Para matulungan kang maghanda, narito ang ilang tip para mapaganda ang karanasan mo sa Airbnb.
Bago ka mag‑book- Gumawa ng maikling bio sa profile mo sa Airbnb, at siguraduhing napapanahon ang impormasyon mo, kabilang ang email address, numero ng telepono, at pampamahalaang ID mo.
- Iba‑iba ang mga listing sa Airbnb, mula sa mga pinaghahatiang kuwarto hanggang sa mga buong property. Siguraduhing naaangkop sa mga pangangailangan mo ang tuluyan, mga alituntunin sa tuluyan, at paraan ng pagho‑host.
- Maglaan ng panahon para suriin ang listing ng host at masigurong naaangkop sa iyo ang tuluyan.
- Huwag mag‑atubiling makipag‑ugnayan sa host kung may anumang tanong ka tungkol sa listing.
- Malinaw na ipaalam sa host mo ang anumang inaasahan o espesyal na pangangailangan mo.
- Inirerekomenda naming ipaalam mo sa host mo ang tinatayang oras ng pagdating mo.
- Sundin ang mga alituntunin sa tuluyan.
- Mamalagi sa tuluyan ng host nang parang nakikituloy ka sa mga kaibigan mo. Igalang ang mga kapitbahay.
- I‑explore ang kapitbahayan at suportahan ang mga lokal na negosyo. Mainam na paraan ito para mas maramdaman mo kung paano maging lokal. Subukang itanong sa host mo ang mga paborito niyang pook sa kapitbahayan!
- Magpaalam muna sa host mo bago tumanggap ng mga bisita.
- Kapag hindi ka sigurado, ipaalam sa host mo ang anumang tanong o problema.
- Laging magbigay ng tapat na review para sa host mo para magsilbing gabay sa mga potensyal na bisita. Komunidad ang pundasyon ng Airbnb, at iimbitahan din ang host mo na magbigay ng review para sa iyo.
Pagpapadala ng mensahe sa host bago magpareserba
Kung gusto mong matuto pa tungkol sa listing o host, puwede kang magpadala ng mensahe sa host sa website ng Airbnb.
Mag‑log in sa account mo at pumunta sa listing ng host kung kanino mo gustong makipag‑ugnayan. I‑click o i‑tap ang Makipag‑ugnayan sa host sa page ng listing. Suriin ang impormasyong nasa Ang Dapat Asahan sa Pamamalagi Mo. Kung gusto mo pa ring makipag‑ugnayan sa host mo, ilagay ang mensahe mo sa text box at i‑click o i‑tap ang button na Ipadala ang mensahe.Paano ako makikipag‑ugnayan sa Airbnb?
Mabilis na nalulutas ng karamihan ng host at bisita ang mga isyu. Narito ang ilang paraan para makahingi ng tulong na kailangan mo bago ang pamamalagi, sa panahon ng pamamalagi, o pagkatapos ng pamamalagi:Help Center, may mga nakahanda nang sagot sa mga tanong tungkol sa mga sikat na paksa, kabilang ang mga refund, review, pagbabayad, at pagkansela. Makipag‑ugnayan sa host o bisita Para lutasin ang isyu sa listing o reserbasyon mo, magandang makipag‑usap nang direkta. Kadalasang ito ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan para makahanap ng solusyon. Magpadala ng mensahe sa bisita o host mo, o subukang tawagan siya. Pumunta sa Resolution Center Kung kailangan mong magpadala o humiling ng pera para sa isang bagay na hindi sagot ng bayad sa reserbasyon, gamitin ang Resolution Center para ligtas na magpadala o humiling ng pera sa pamamagitan ng Airbnb. Mamamagitan kami kung kailangan mo ng tulong para magkasundo kayo ng bisita o host mo sa mga detalye. Makipag‑ugnayan sa Airbnb Kung kailangan mo pa rin ng tulong, pumunta sa aming page para sa pakikipag‑ugnayan para humingi ng tulong sa tawag, email, o chat.
Alamin ang mga sagot sa Help Center Sa © 2023 Airbnb
© 2023 Airbnb