Mga Sanggunian para sa Taga‑book

Mga Sikat na Paksa
Paghahanap at pagbu‑book ng matutuluyan
Kapag naghahanap ng listing, inirerekomenda namin ang mga sumusunod na tip para makahanap ng matutuluyan para sa pamamalagi mo na may mataas na rating at maaasahan:
Maghanap ng mga Matutuluyang may Mataas na Rating Ilagay ang mga detalye ng pamamalagi mo sa itaas ng page:- Lokasyon: Ilagay ang lungsod, address, o landmark
- Piliin ang hanay ng petsa at bilang ng taong kasama sa pamamalagi
Paggamit ng mga filter para sa amenidad
Magsimula sa mga pangunahing bagaymagsimulang maghanap sa pamamagitan ng pagpili sa destinasyon mo, petsa kung kailan ka magche‑check in at magche‑check out, at kabuuang bilang ng bisita. Kapag may mga resulta na ang pangunahing paghahanap mo, puwede mong piliing magdagdag ng mga filter. Mga karagdagang filter Mag‑click o mag‑tap sa mga sikat na filter, gaya ng Uri ng tuluyan o Presyo sa page ng mga resulta ng paghahanap, o piliin ang Higit pang filter para ma‑access ang lahat ng opsyon sa filter sa paghahanap. Lagi naming sinusubukang tiyaking mas madali mong mahahanap ang gusto mo, at patuloy na magbabago ang mga filter sa paglipas ng panahon. Narito ang listahan ng ilan sa mga opsyong puwede mong magamit sa paghahanap mo:
Para makakuha ng mga pinakatumpak na resulta, lagi kang - Uri ng tuluyan: Pumili sa mga opsyon, gaya ng buong property o pribadong kuwarto
- Presyo: Gamitin ang sliding scale para makahanap ng mga listing na nasa gusto mong hanay ng presyo
- Flexibility sa pagkansela: Mag‑browse ng mga tuluyang may flexible na patakaran sa pagkansela
- Mga kuwarto at higaan: Piliin ang bilang ng kuwarto, banyo, o higaan na kailangan mo sa pamamalagi
- Madaliang Pag‑book: Maghanap ng mga matutuluyang puwede mong i‑book nang hindi na naghihintay na maaprubahan ng host
- Mga amenidad: Piliin ang mga amenidad na gusto mo para sa pamamalagi mo, gaya ng kusina o TV
- Mga pasilidad: Pumili sa mga opsyon sa pasilidad, gaya ng gym o pool
- Accessibility: Piliin ang mga feature na kailangan mo para komportable at ligtas na makalibot sa patuluyan
- Mga kapitbahayan: Kapag available, piliin ang mga bahagi ng bayan na pinakainteresante para sa iyo
- Wika ng host: Pumili ng mga host na nagsasalita ng wikang naiintindihan mo
- Mga alituntunin sa tuluyan: Maghanap ng mga matutuluyan kung saan puwede ang mga alagang hayop
Paghahanap ng matutuluyan para sa mga pangangailangan para sa accessibility
Kapag nakapili ka na ng destinasyon, nailagay mo na ang petsa kung kailan ka magche‑check in at magche‑check out, at nailagay mo na ang kabuuang bilang ng bisita, puwede kang magdagdag ng mga filter para matugunan ang mga pangangailangan mo para sa accessibility.
Piliin ang “Higit pang filter” sa page ng paghahanap. Hanapin ang seksyong Accessibility at piliin ang “Piliin ang mga feature ng lugar na matutuluyan mo.” Piliin ang mga filter na nakakatugon sa mga kinakailangan mo. Tip: Para masulit ang mga resulta ng paghahanap, makakatulong na piliin ang mga pinakapriyoridad mong accessibility feature at suriin ang bawat listing para masigurong nakakatugon iyon sa lahat ng pangangailangan mo. Lalabas sa mga resulta ng paghahanap ang mga listing na mayroon ng mga accessibility feature na pinili mo. Pumili ng listing kung saan ka interesado para basahin ang paglalarawan ng listing at mga review ng mga dating bisita, o buksan ang mga litrato. Mag‑scroll pababa para masuri ang mga litrato sa seksyong Accessibility. Kung hindi ka sigurado o may mga inaalala ka, narito ang ilang kapaki‑pakinabang na tip at halimbawa ng mga mainam itanong sa host:- Siguraduhing ibigay sa host ang mga eksaktong sukat na kailangan mo para sa alinman sa mga sumusunod:
- Lapad ng pintuan sa pasukan ng property, kuwarto, at banyo
- Espasyo sa paligid ng higaan
- Espasyo sa paligid ng banyo
- May anumang hahakbangan ba para makapasok sa kuwarto o banyo sa pangunahing palapag ng property?
- Puwede mo bang ilarawan ang daanan mula sa kalye/sidewalk papunta sa pasukan sa harap? Mayroon bang anumang hahakbangan, matarik, mabato, atbp.?
- Posible bang mag‑usod ng muwebles (coffee/side table, ottoman, atbp.) para mapaluwag ang ginagalawan?
- May sapat na ilaw ba papunta sa pasukan ng property para makatulong sa bisitang hirap makakita?
- May digital na bersyon ka ba ng guidebook at mga alituntunin mo?
Pagbu‑book para sa iba
Kapag nakapili ka na ng listing, magpatuloy sa page ng pag‑check out.
Ika‑1 hakbang: Piliin ang business trip sa pag‑check out Para mag‑book ng listing para sa ibang tao, dapat mong isaad na para sa business trip ang booking. Piliin ang button na “Business trip ba ito?” Ika‑2 hakbang: I‑book ang matutuluyan para sa ibang tao Piliin ang “Magdagdag” sa ilalim ng “I‑book ang tuluyan na ito para sa ibang tao” para maghanap ng partikular na biyahero. Ika‑3 hakbang: Hanapin ang pangalan ng biyahero Gamitin ang search bar para maghanap ng biyaherong nasa organisasyon ninyo gamit ang pangalan o email address niya. Kung hindi lalabas ang pangalan o email address ng biyahero o hindi siya bahagi ng organisasyon ninyo, piliin ang “Magdagdag ng bagong biyahero”. Ika‑4 na hakbang: Kumpirmahin ang biyahero Kapag nahanap o naidagdag mo na ang biyahero, i‑click ang “I‑save” para idagdag siya sa booking. Sa ilang sitwasyon, baka kailanganin ng mga biyahero na kumpletuhin ang profile nila sa Airbnb, magbigay ng mga pahintulot na mag‑book sa ngalan niya, o gumawa ng Airbnb account. Huwag kang mag‑alala—puwede mo pa ring tapusin ang pagpapareserba at gagabayan ka namin at ang biyahero kung paano gawin ang iba pang kailangan. Ika‑5 hakbang: Tapusin ang pagpapareserba Kasama na ang biyahero sa booking na ito. Para tapusin ang pagpapareserba, piliin ang “Kumpirmahin at bayaran” Ika‑6 na hakbang: Kumpirmasyon ng booking Kapag nagawa na ang mga nabanggit na hakbang, makakatanggap ka ng mensahe ng kumpirmasyon. Makakatanggap ka rin ng kumpirmasyon sa email. Kung may mga kailangan pang gawing hakbang ang biyahero kung para kanino ka nagbu‑book, aabisuhan ka namin tungkol sa katayuan at papaalalahanan namin ang biyahero na kumpletuhin ang profile niya.Halimbawang mensaheng ipapadala sa mga host
Hi <Host>,
Magandang araw sa iyo. Nagtatrabaho ako bilang Tagaplano ng Biyahe at naniniwala akong naaangkop para sa VIP na bisita namin ang patuluyan mo. Puwede mo bang kumpirmahin ang mga sumusunod na detalye para sa akin? May anumang malapit na konstruksyon bang gagawa ng nakakaistorbong ingay sa panahon ng pamamalagi? Puwede mo bang kumpirmahin ang distansya sa pagitan ng tuluyan at ng ? Ipaalam sa akin kung may tanong ka at ikalulugod kong magbigay ng mga detalye. Salamat, Tagaplano ng Biyahe© 2023 Airbnb
© 2023 Airbnb