Mga Sanggunian para sa Admin

Mga Sikat na Paksa
Para maging taga‑book
Kung magbu‑book ka para sa mga empleyadong bahagi ng organisasyon ninyo o para sa mga taong nasa ibang kompanya o organisasyon, kailangan mong mag‑sign up bilang taga‑book. Nakasaad sa ibaba kung paano iyon gawin sa dalawang paraan.
Ika‑1 opsyon: Pag‑set up ng Profile ng User Pumunta sa seksyong Pahintulot sa Pag‑book ng user profile mo. Mag‑scroll papunta sa seksyon ng mga tao kung para kanino ka puwedeng mag‑book at piliing magdagdag ng biyahero. Ilagay ang email address ng isang tao para humingi ng pahintulot na i‑book at pangasiwaan ang mga business trip niya. Makakatanggap siya ng email para tanggapin iyon (kailangang may Airbnb account siya para magawa ito). Pagkatapos, makakatanggap ka ng kumpirmasyong puwede ka nang mag‑book para sa kanya. Ika‑2 opsyon: Mga Pahintulot ng Administrator Hilingin sa (mga) administrator ng dashboard mo na gawing taga‑book ang tungkulin mo sa dashboard. Kapag ginawa mo ito, makakapag‑book ka para sa lahat ng user sa organisasyon na gumagamit sa domain ng organisasyon, at ili‑link sa Airbnb account ng user ang email sa domain sa trabaho.Buod ng dashboard ng Airbnb para sa Trabaho
Ika‑1 hakbang: Pag‑access sa dashboard mo
Para ma‑access ang dashboard mo, mag‑log in sa Airbnb account mo. I‑click ang litrato sa profile mo sa kanang sulok sa itaas at piliin ang Airbnb para sa Trabaho. Piliin ang Pumunta sa dashboard mo. Ika‑2 hakbang: Paggamit sa dashboard mo Nahahati ang dashboard ng Airbnb para sa Trabaho sa anim na tab: ang Mga Biyahe, Pag‑uulat, Mga Invoice, Mga Tao, Mga Setting, at Mga Notipikasyon. Mga Biyahe Sa tab na Mga Biyahe, may buod ng mga aktibo, nakumpirma, at natapos nang biyahe ng mga empleyado na na‑book ng mga empleyado o iba pang awtorisadong biyahero. Sa bawat biyahe, lalabas ang pangalan ng (mga) biyahero, mga detalye ng destinasyon, at mga petsa ng biyahe. Pag‑uulat Sa Pag‑uulat, nakasaad ang bilang ng gabing na‑book ng organisasyon ninyo, kabuuang halagang nagastos, at average na presyo kada araw sa buong kompanya. Puwede ka ring mag‑export ng mga ulat sa CSV sa page na ito. Mga Invoice Suriin ang mga invoice mula sa mga biyaheng na‑book ng mga empleyado o iba pang awtorisadong biyahero. Isasama sa bawat item ang numero ng invoice, petsa, takdang petsa ng pagbabayad, at halagang dapat bayaran. Mga Tao Maghanap, magdagdag, at mag‑alis sa account ng kompanya ninyo ng mga empleyado o iba pang awtorisadong user. Mag‑set up ng mga team sa organisasyon ninyo at magtalaga ng mga paraan ng pagbabayad sa mga naaangkop na team. Mga Setting I‑update ang impormasyon ng account, mga paraan ng pagbabayad, access ng empleyado, at mga setting ng notipikasyon. Ikonekta ang dashboard mo sa mga tagapagbigay ng pangangalaga sa kapakanan ng mga trabahador, at sa mga online na tool at integration para sa pangangasiwa ng booking at biyahe.
Sa tab na Access ng Empleyado, puwede kang magdagdag pa ng mga email domain ng kompanya na ginagamit ng mga empleyado.
Bilang administrator para sa kompanya ninyo, puwede kang magdagdag ng pambuong kompanyang paraan ng pagbabayad at puwedeng ipambayad ng mga empleyado ng kompanya ninyo sa biyahe nila ang nakabahaging credit card ng kompanya. Puwede ka ring magdagdag ng mga paraan ng pagbabayad na partikular sa team at magtalaga ng iba't ibang paraan ng pagbabayad kada team. Mga Notipikasyon Suriin ang katayuan ng account ng empleyado, mga kahilingan sa pagbago ng tungkulin, at mga bagong kahilingan sa team.Pag‑set up ng mga kontrol sa patakaran
Pag‑set up ng mga kontrol sa patakaran
Ika‑1 hakbang: Mag‑log in Mag‑log in sa airbnb.com at piliin ang litrato sa profile mo sa kanang bahagi sa itaas. Pagkatapos, i‑click ang “Dashboard ng kompanya.” Sa dashboard, pumunta sa tab na “Mga panuntunan sa pag‑book.” Ika‑2 hakbang: I‑enable ang mga alerto para sa patakaran sa pagbiyahe Piliin ang uri ng tuluyan kung para saan mo gustong i‑enable ang mga alerto. Kapag nakapili na, makakatanggap ka ng abiso sa email kapag may biyaherong nag‑book ng pamamalagi na hindi naaayon sa mga nakatakda nang setting. Halimbawa, kung pinili mong “buong property” at “kuwarto sa hotel” lang dapat, makakatanggap ka ng alerto tuwing may biyaherong magbu‑book ng pamamalagi sa isang pribado o pinaghahatiang kuwarto. Matatanggap mo ang alertong ito sa oras ng pag‑book. Tandaang makakapag‑book pa rin ang biyahero anuman ang mga setting. Sa notipikasyon sa email, masusuri mo ang itineraryo at puwede mo pang kanselahin ang reserbasyon kung kinakailangan.© 2023 Airbnb
© 2023 Airbnb