Mga tip para maiwasan ang hindi kinakailangang mga pagkansela
Kapag nakumpirma ang isang booking, inaasahan ng mga bisita na hindi na ito magbabago. Kapag nagkansela ang host, posibleng maabala ang plano nila sa biyahe, mabawasan ang kumpiyansa sa komunidad natin, at magpataw ng mga bayarin o iba pang parusa.
Narito ang ilang tip para maiwasan mong magkansela ng reserbasyon sa dahilang puwedeng solusyonan.
Panatilihing up to date ang kalendaryo mo
Ipaalam sa mga bisita kung kailan sila puwedeng mamalagi sa patuluyan mo.
- Gawing available ang mga petsa mula tatlong buwan hanggang dalawang taon mula sa kasalukuyan.
- I‑block ang mga petsa kung kailan hindi ka makakapag‑host.
- Regular na suriin ang kalendaryo mo para siguraduhing tumpak ang availability mo.
Higit pang mahalagang i‑update ang availability mo sa kalendaryo kung gumagamit ka ng Madaliang Pag‑book. Gamit ang Madaliang Pag‑book, makakapag‑book ang mga bisita ng anumang petsang available sa kalendaryo mo nang hindi kailangang maghintay na masuri mo ang kahilingan nila.
Kapag nakumpirma ang booking ng bisita, awtomatikong iba‑block ang mga petsang iyon sa kalendaryo mo. Kailangan mong mano‑manong i‑block ang anumang petsa kung kailan may ibang dahilan ka para hindi tumanggap ng reserbasyon.
Posibleng magpataw ng bayarin sa pagkansela o iba pang parusa kung makakuha ka ng booking sa mga petsang hindi mo maho‑host.
Isaayos ang mga setting ng kalendaryo mo
Nakahati sa dalawang tab ang mga setting mo: Presyo at Availability. Makakatulong ang mga tool na ito para makuha mo ang mga booking na gusto mo kung kailan mo gusto. Halimbawa, magagawa mong:
- Ipatupad ang diskarte mo sa pagtatakda ng presyo. Palagi kang may kontrol sa presyo at puwede mo itong baguhin kahit kailan. Magagamit mo ang mga tool para sa pagtatakda ng presyo para paghambingin ang mga presyo ng magkakatulad na listing sa malapit, mag‑alok ng diskuwento para sa mas matatagal na pamamalagi, at magtakda ng mga custom na presyo sa mga partikular na petsa tulad ng mga holiday at weekend. Puwede mo ring i‑on ang Smart Pricing para awtomatikong isaayos ang presyo batay sa lokal na demand.
- Itakda ang mga kagustuhan mo sa pag‑book. Gamitin ang palugit ng availability para tukuyin kung gaano kaaga puwedeng mag‑book ang mga bisita mula tatlo hanggang 24 na buwan. May iba pang opsyon: puwedeng tukuyin ang minimum at maximum na bilang ng gabi kada pamamalagi, mangailangan ng hanggang pitong araw na paunang abiso para sa mga reserbasyon, at mag‑block ng isa o dalawang gabi sa pagitan ng mga booking para may panahong maghanda.
- Ikonekta ang mga kalendaryo mo. I‑sync sa kalendaryo mo sa Airbnb ang iyong personal na kalendaryo at iba pang kalendaryo sa pagho‑host (kung naka‑list sa iba pang website ang patuluyan mo). Makakatulong ito para mapamahalaan mo ang mga gawain sa pagho‑host at maiwasang magkaroon ng dobleng booking.
Alamin ang mga responsibilidad mo bilang host
Nauunawaan naming posibleng kailanganin mong magkansela ng reserbasyon para sa mga dahilang hindi mo kontrolado tulad ng pagsasagawa ng pang‑emergency na pagkukumpuni. Kung kailangan mong magkansela, siguraduhing:
- Suriin ang aming mga patakaran. Ipinapaliwanag ng aming Patakaran sa Pagkansela ng Host ang mga bayarin at iba pang parusa sa pagkansela at kung kailan puwedeng ipawalang‑bisa ang mga iyon. Kung hindi ka sigurado kung kwalipikado ang sitwasyon mo, makipag‑ugnayan sa Airbnb Support bago ka magkansela. Hindi ka puwedeng magkansela para sa dahilang labag sa Patakaran Laban sa Diskriminasyon o Patakaran sa Accessibility ng Airbnb.
- Bigyan ng sapat na abiso ang mga bisita. Kung hindi mo maho‑host ang isang reserbasyon, inaasahang magkansela ka sa makatuwirang panahon anuman ang dahilan mo. Hindi mo puwedeng hilingin sa mga bisita na sila ang magkansela ng reserbasyon.
- Sundin ang mga lokal na alituntunin at regulasyon. Basahin ang aming mga artikulo tungkol sa responsableng pagho‑host para mas maunawaan ang mga batas, buwis, pinakamahusay na kasanayan, at iba pang kailangang isaalang‑alang sa pagpapatuloy ng mga bisita sa rehiyon mo.
Kapag nagkansela ng reserbasyon ang mga host, nakikipagtulungan kami sa mga bisita para mahanapan sila ng ibang lugar na matutuluyan.