Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Pagtatakda ng mga dapat asahan sa pamamagitan ng tumpak na lokasyon

Kailangang madaling mahahanap ng mga bisita ang iyong patuluyan.
Ni Airbnb noong Dis 16, 2025

Puwedeng malaki ang maging epekto ng lokasyon ng patuluyan sa pagpapasya ng mga bisita kung magpapareserba sila. Pagkatapos mag‑book, kailangan nila ang eksaktong address at malilinaw na direksyon para masigurong walang aberya ang pag‑check in.

Paglalagay ng tumpak na lokasyon

Mahalagang tumpak na lokasyon ang ilalagay mo sa listing mo sa Airbnb. Sa ganitong paraan, masasagot ang mga tanong, maitatakda ang mga dapat asahan, at mabibigyan ang mga bisita ng higit na kumpiyansang mag‑book.

Magsimula sa pagsisigurong kumpleto at tama ang address ng kalye. Mae‑edit mo lang ang address mo bago mo tanggapin ang unang booking. Pagkatapos noon, kailangan mo nang makipag‑ugnayan sa Airbnb Support para makagawa ng pagbabago. Hindi malalaman ng mga bisita ang address hangga’t hindi nakukumpirma ang reserbasyon nila.

Mapipili mo kung paano lalabas ang lokasyon mo sa mapa sa mga resulta ng paghahanap sa Airbnb.

  • Tinatayang lokasyon: Magpapakita sa mapa ng listing mo ng radius sa paligid ng patuluyan mo na humigit‑kumulang kalahating milya (wala pang isang kilometro) mula sa address ng kalye. Ito ang default na setting.
  • Eksaktong lokasyon: Magpapakita sa mapa ng pin na nakaturo sa pinakamalapit na panulukan nang hindi minamarkahan ang mismong lokasyon. Puwede mong i‑drag ang mapa hanggang tumapat ang pin sa tamang lokasyon.
Ganito ang tinatayang lokasyon (kaliwa) at eksaktong lokasyon (kanan) sa mga mapa sa Airbnb.

Piliin ang opsyong pinakaangkop sa sitwasyon mo. Sa paglalagay ng eksaktong lokasyon, puwedeng mas magustuhan ang patuluyan mo ng mga bisitang gustong kumpirmahin kung gaano ito kalayo, halimbawa, sa pinakamalapit na sakayan ng bus o sa beach. Makakatulong ang paglalagay ng tinatayang lokasyon kung may mga inaalala ka sa privacy o seguridad.

Pagtulong sa mga bisita na mahanap ang patuluyan mo

Puwede kang maglagay ng mga direksyon at iba pang detalye sa tab na Mga Listing. Sa pamamagitan ng impormasyong ito at ng mapa, magiging maayos ang mga pag‑check in.

  • Gabay sa pagdating: Maglagay ng mga direksyon at tip para sa mga bisitang may dalang kotse o nakapampublikong transportasyon. Isaad din ang mga puwedeng paradahan. Awtomatikong ibabahagi sa mga bisita ang gabay sa pagdating sa sandaling makumpirma ang booking nila.
  • Paglalarawan ng kapitbahayan: Magbahagi ng mga highlight tungkol sa kapitbahayan. Halimbawa, kung matao o tahimik doon, o kung may mga curb ramp o wala ang mga bangketa roon.
  • Paglilibot: Ipaalam sa mga bisitang hindi pa nagbu‑book kung paano makakapaglibot sa lugar at kung paano karaniwang makakapagparada.

Pagdating sa pagbibigay ng mga direksyon, walang detalyeng labis. Ibinabahagi ni Juliette, isang Superhost sa Nairobi, Kenya, sa mga bisita ang GPS coordinates ng patuluyan niya, pati na ang kulay ng gate at ang nakasulat doon.

Kasama sa iba pang paraan para mapadali ang pagtunton sa patuluyan ang paglalagay ng malalaking numero ng bahay sa pinto sa harap at pagkakabit ng mas maliwanag na pailaw sa driveway.

Mas malikhain pa ang paraan ni Keshav, isang miyembro ng Host Advisory Board sa New Delhi, India, para matulungan ang mga bisita na malaman ang daan. “Mahirap matunton ang mga bahay na putik namin,” sabi niya. “Iniisip namin kung paano kami makakapaglagay ng signage sa pangunahing kalsada.”

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Dis 16, 2025
Nakatulong ba ito?