Higit pang kontrol sa tab na Mga Listing

Puwede mong baguhin ang pagkakasunod‑sunod ng mga litrato sa loob ng mga kuwarto at i‑update ang photo tour sa tulong ng AI.
Ni Airbnb noong May 1, 2024
Na-update noong Okt 21, 2024

Note ng editor: Na‑publish ang artikulong ito bilang bahagi ng 2024 Release sa Mayo. Maaaring nagbago ang impormasyon mula noong na‑publish ito. Basahin ang tungkol sa aming pinakabagong release ng produkto

Napansin naming posibleng makatanggap ang mga mas detalyadong listing ng hanggang 20% mas maraming booking. Mula noong inilunsad ang tab na Mga Listing noong 2023, patuloy namin itong pinapahusay batay sa feedback ng host. 

Kasama sa 2024 Release sa Mayo ang nangunguna mong kahilingan para sa photo tour: ang kakayahang ayusin ang pagkakasunod‑sunod ng mga litrato ng listing sa loob ng mga kuwarto. Malapit ka na ring makapag‑update ng nabuo nang photo tour sa tulong ng AI.

Narito ang limang paraan para mas madaling mapangasiwaan ang listing mo sa tab na Mga Listing, simula sa na‑upgrade na photo tour.

1. Gumawa ng photo tour

Tulungan ang mga bisita na maunawaan ang layout ng patuluyan mo sa pamamagitan ng paggawa ng photo tour. Puwede mong gamitin ang AI para awtomatikong isaayos ang mga litrato ng listing mo ayon sa mga kuwarto at bahagi ng tuluyan, saka mano‑manong i‑edit ang tour.

Puwede mo nang i‑drag at i‑drop ang mga litrato para baguhin ang pagkakasunod‑sunod ng mga ito sa anumang kuwarto. Malapit mo nang magawang i‑update nang agaran ang tour kapag nagdagdag ka ng tatlo o higit pang litrato. Aayusin ng AI ang mga bagong larawan nang hindi binabago ang alinman sa mga pag‑edit na ginawa mo.

2. I-update ang mga amenidad

Karaniwang fini‑filter ng mga bisita ang mga resulta ng paghahanap sa Airbnb para makahanap ng mga tuluyan na may mga partikular na feature o amenidad. Puwedeng mamukod‑tangi ang listing mo kapag inilagay mo ang lahat ng iniaalok sa patuluyan mo. Pinapadali ng tab na Mga Listing ang pagdaragdag ng mga amenidad at pagpapanatiling updated ng mga ito.

Makakapili ka sa halos 150 amenidad ayon sa alpabeto o kategorya. Puwede ka ring maghanap ng amenidad ayon sa pangalan para hindi ka na mag‑scroll. Isama ang mga detalye kung hihingin, tulad ng paghahayag na may printer at ergonomic na upuan sa nakatalaga mong workspace.

3. Pagandahin ang paglalarawan ng listing

Inaasahan ng mga bisita na tutugma ang mga tuluyan na na-book nila sa paglalarawan ng listing. Maitatakda ang mga dapat asahan kapag nagbigay ka ng malinaw at tumpak na impormasyon tungkol sa patuluyan mo at sa paligid nito.

Ilarawan ang lokasyon, dekorasyon, at hospitalidad mo. Sikaping ipaalam sa mga bisita kung ano mismo ang maaasahan nila sa pamamalagi sa patuluyan mo. Kasama rito ang mga maaari nilang makita, marinig, at maranasan

4. Kumpletuhin ang gabay sa pagdating

Kailangang madaling mahanap ng mga bisita ang patuluyan mo at madali silang makapasok dito. Sa tab na Mga Listing, puwede kang magdagdag o mag‑update ng impormasyon sa pagdating sa iisang lugar.

Mapapangasiwaan mo ang paraan at oras ng pag‑check in, mga tip sa direksyon at paradahan, password ng wifi, manwal ng tuluyan, mga tagubilin sa pag‑check out, at marami pang iba. Pagkatapos, maaari mong i‑preview ang magiging hitsura nito sa mga bisita. Matatanggap ng mga bisita ang impormasyong ito pagkatapos mag‑book, bago ang pag‑check in, at bago ang pag‑check out.

5. Maglagay ng smart lock

Tumutukoy ang smart lock sa elektronikong lock na gumagamit ng wifi at mabubuksan ng mga bisita ang pinto gamit ang code sa halip na susi. Puwedeng simple at mainam na paraan ito ng sariling pag‑check in.

Puwedeng gawing mas madali ang mga sariling pag-check in kapag ikokonekta ang compatible na smart lock sa listing mo. Awtomatikong makakatanggap ang mga bisita ng natatanging door code para sa mga bagong booking, at mapapangasiwaan mo ang lock mo sa Airbnb app.

Available ang tool para sa mga host na may mga listing sa US at Canada na gumagamit ng mga compatible na lock mula sa August, Schlage, at Yale.

Airbnb
May 1, 2024
Nakatulong ba ito?