Malugod na tanggapin ang mga una mong bisita sa Airbnb
Maaaring may mga tanong ka tungkol sa paghahanda para sa mga una mong bisita. Narito ang ilang tip sa paghahanda ng maayos na karanasan.
Magbigay ng simpleng proseso ng pag‑check in
Magtakda ng prosesong simple at maaasahan. Maglagay ng mga direksyon papunta sa patuluyan mo, paraan ng pag‑check in, at mga sunod‑sunod na tagubilin sa pag‑check in sa gabay sa pagdating ng listing mo. Mas maginhawa sa maraming bisita ang sariling pag‑check in kung saan makakapasok sila nang wala ka roon.
Mababasa ng mga bisita ang mga tagubilin mo sa pag‑check in sa mga detalye ng biyahe nila 48 oras bago ang takdang pag‑check in o 24 na oras bago iyon kung mayroon kang flexible na patakaran sa pagkansela.
Paghandaan ang mga pangangailangan ng bisita
Iba‑iba ang bawat bisita, pero umaasa ang karamihan na may access sila sa ilang partikular na item at impormasyon. Gawin ang mga hakbang na ito para makapagbigay ng maginhawang pamamalagi.
Mag‑imbak ng mga pangunahing pangangailangan. Kasama rito ang mga tuwalya, linen, unan, sabon, at toilet paper.
Maging available. Planuhin kung paano mo agarang malulutas ang mga isyu at ipaalala sa mga bisita na puwede silang makipag‑ugnayan kung may mangyari.
Maglagay ng manwal ng tuluyan. Magbigay ng mahalagang impormasyon tulad ng kung paano i‑access ang internet at gamitin ang mga kasangkapan. Mag‑iwan ng naka‑print na bersyon sa lugar na madaling matatagpuan ng mga bisita.
- Maglagay ng guidebook. Magbahagi ng mga lokal na tip kabilang ang mga lugar na puwedeng kainan, pamilihan, pasyalan, at puntahan sa labas.
Makipag‑usap nang maaga at madalas
Pagkakataon mo ang bawat pakikipag‑ugnayan mo sa mga bisita para magtakda ng mga inaasahan at maiparamdam na pinapahalagahan mo ang mga pangangailangan nila.
Gumawa ng magiliw na kapaligiran. Unahin ang mga ingklusibong kagawian para matulungan ang bawat bisita na maging komportable sa patuluyan mo. Magsimula sa simpleng pagtatanong sa mga bisita kung ano ang makakatulong sa kanila na maging komportable.
Maging maunawain. Sikaping isaalang‑alang ang bawat sitwasyon sa pananaw ng bisita.
Tumugon agad. Kapag maganda ang rate sa pagtugon mo, lalabas ang listing mo sa mas mataas na puwesto sa mga resulta ng paghahanap ng mga bisita sa Airbnb. Gamitin ang app para mabilis na makipag‑usap at magtakda ng mga nakaiskedyul na mensahe para magbigay ng kapaki‑pakinabang na impormasyon sa mahahalagang sandali gaya ng pag‑check in.
Narito ang ilang halimbawang mensaheng puwede mong pag‑isipang iiskedyul sa mga tiyak na oras. Gumagamit ang mga halimbawang ito ng mga shortcode. Placeholder ito na awtomatikong naglalagay ng mga detalye ng reserbasyon, listing, at bisita. Maglagay nito mula sa drop‑down na menu dahil hindi gagana ang mga ito kung mano‑mano mong ita‑type.
Panatilihing malinis at maayos ang tuluyan mo
Inaasahan ng mga bisita na madadatnan nilang malinis ang tuluyan. Magtakda ng routine na may kasamang paglilinis sa lahat ng surface, sahig, at tela.
Suriin kung may mantsa, dumi, at buhok. Kasama sa mga karaniwang hindi pinapansing lugar ang ilalim ng higaan, loob ng mga drawer, at mga pantakip sa bintana.
Pumili ng mga banayad na amoy. Posibleng hindi magustuhan ng mga bisita ang matatapang na amoy. Buksan ang mga bintana habang naglilinis at gumamit ng mga pandisimpektang banayad at magagamit sa maraming bagay.
- Alisin o itago ang mga personal na gamit. Makakatulong ito para mas maramdaman ng mga bisita na kaaya‑aya at masinop ang patuluyan mo.
Humingi at magbigay ng mga review
May 14 na araw ka at ang mga bisita mo pagkatapos mag‑check out para magbigay ng review sa isa't isa. Nakatago ang mga review hanggang sa magsumite ka at ang bisitang nag‑book ng review o kapag natapos na ang 14 na araw na panahon ng pagbibigay ng review. Puwede ring magbigay ang mga bisita ng mga star rating para sa pangkalahatang karanasan nila at sa anim na mas maliliit na kategorya: kalinisan, katumpakan, pag‑check in, pakikipag‑ugnayan, lokasyon, at pagiging sulit.
Lalong mahalaga ang ilang unang review sa iyo. Lalabas ang kabuuang rating mo sa listing mo pagkatapos mong makatanggap ng tatlong review at maaari itong makaapekto sa rank nito sa mga resulta ng paghahanap. Pag‑isipang mag‑iskedyul ng mensahe sa araw ng pag‑check out para hilingin sa mga bisita na magbigay ng review ng kanilang pamamalagi.
Maging matapat at magalang sa pagbibigay ng mga review at gamitin ang mga parehong pamantayan para suriin ang bawat bisita. Nakakatulong ang proseso ng pagbibigay ng review para magkaroon ng tiwala ang mga bisita at host.
Serye ng Pagtuklas: Pagho‑host sa Unang Pagkakataon
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.