Paraan para ihanda ang iyong tuluyan at ang mga bisita para sa mga wildfire
Sineseryoso namin ang kaligtasan ng mga host at bisita. Nakipagtulungan ang aming Trust and Safety Advisory Coalition sa International Association of Fire Chiefs (IAFC) para ibahagi ang mga sangguniang ito mula sa programang Ready, Set, Go! .
Kahit na nakabase sa US ang programa, makabuluhan ang mga tip nito sa maraming lugar na apektado ng mga wildfire sa buong mundo. Narito ang ilan sa mga suhestyon ng IAFC para mabawasan ang mga panganib at mabigyan ng kaalaman ang mga bisita tungkol sa kaligtasan kaugnay sa wildfire.
Pagbawas sa mga panganib ng wildfire
Mapoprotektahan ka, ang mga bisita mo, at ang property mo kapag nagplano ka nang maaga. Iminumungkahi ng IAFC na gawin ang mga hakbang na ito:
- Alisin ang mga tumutubong halaman sa loob ng 30 talampakan (9 na metro) ng iyong bahay, garahe, at iba pang gusali sa iyong property para makatulong na lumikha ng madedepensahang espasyo.
- Gumamit ng matitigas na materyales tulad ng kongkreto, bato, o batong daanan na 5 talampakan (1.5 metro) sa paligid ng paanan ng iyong tuluyan.
- Gumamit ng mga halamang hindi madaling nasusunog, hindi gaanong lumalaki, at walang kahoy na tangkay kapag nagtatanim sa mga lugar na malapit sa iyong tuluyan.
- Alisin ang mabababang sanga para lumikha ng hindi bababa sa 6 na talampakan (2 metro) na distansya sa pagitan ng mga damo, palumpong, at mas matataas na puno.
Mag-sign up para sa mga alerto sa emergency sa lokasyon ng iyong property para palaging may alam. Maraming lokal, panrehiyon, at pambansang ahensya ng pamahalaan ang nag-aalok ng serbisyong ito. Alamin sa kanilang mga website ang mga detalye.
Pagbibigay ng kaalaman sa mga bisita tungkol sa kaligtasan kaugnay sa wildfire
Maaaring hindi nauunawaan ng mga bisitang bumibiyahe mula sa mga lugar na hindi karaniwang naaapektuhan ng mga wildfire ang mga panganib. Sa pamamagitan ng mga tip mula sa IAFC, matutulungan mo silang maging handa:
- Magdagdag ng pangunahing impormasyon tungkol sa panahon ng wildfire sa lugar at mga paghihigpit sa pagsusunog sa iyong mga alituntunin sa tuluyan.
- Maglagay ng listahan ng mga lokal na makokontak para sa emergency sa lugar na madaling mapansin sa tuluyan mo, tulad ng sa refrigerator o coffee table.
- Bigyan ang mga bisita ng mapa ng lugar na malinaw na nagsasaad ng address ng iyong property, mga kalapit na pangalan ng kalsada, maraming ruta sa paglikas, at mga potensyal na lokasyong ligtas. Isama ang pangalan ng iyong kapitbahayan.
- Kahit na hindi malapit sa iyong property ang wildfire, hikayatin ang mga bisita na mag-sign up para sa mga lokal na alertong pang-emergency at manatiling updated sa pagkakaroon ng sunog sa lugar.
- Ipaalam sa mga bisita na hindi na nila kailangang hintayin ang utos ng paglikas para makaalis. Maaaring kailanganin nila ng dagdag na oras para mag-navigate kung hindi sila pamilyar sa lugar.
Para sa higit pang sanggunian tungkol sa paghahanda para sa mga wildfire, puwede kang makipag-ugnayan sa iyong lokal na departamento ng bombero. Kung nasa US ka, puwede mo ring alamin ang tungkol sa Ready, Set, Go! para maunawaan ang higit pa tungkol sa mga wildfire at makalikha ng plano kung ano ang mga puwedeng gawin.
Pangangasiwa ng mga pagkansela
Karaniwang nakabatay sa pinili mong patakaran sa pagkansela para sa listing mo ang refund na matatanggap ng bisita kapag may nakanselang reserbasyon, maliban na lang kung iba ang mapagkasunduan ninyo ng bisita. Posibleng malapat ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari ng Airbnb kung mauudlot o kailangang ipagbawal ayon sa batas ang pamamalagi dahil sa malawakang isyu sa lokalidad.
Kapag naaangkop ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari, puwede kang magkansela ng reserbasyon nang walang ipapataw na bayarin o parusa at iba‑block ang mga petsang iyon sa kalendaryo. Puwede ring magkansela nang may buong refund ang mga bisitang may naapektuhang reserbasyon. Kung magkakansela ka o ang mga bisita ng reserbasyong saklaw ng patakaran, hindi ka makakatanggap ng payout.