Ang mga kagandahan para sa mga host ng mga upgrade para sa mga buwanang bisita
Ginagamit ng mga biyahero sa iba't ibang panig ng mundo ang Airbnb para sa mas matatagal na biyahe. Halos isa sa bawat limang gabing na-book ay bahagi ng pamamalaging 28 gabi o mas matagal pa.* Mas madali nang mahanap at ma-book ng mga bisita ang mga buwanang matutuluyan dahil sa mga pinakabagong feature.
Mga feature para sa paghahanap at pagbu-book
Kasama sa mga upgrade na inanunsyo bilang bahagi ng Airbnb 2023 Release sa Mayo ang:
- Mas madaling paghahanap ng buwanang matutuluyan. Pinapadali ng tab na Buwanang matutuluyan ang paghahanap sa mga listing na available para sa mas matatagal na pamamalagi. Puwedeng i-edit ng mga bisita ang kanilang petsa ng pagsisimula saka pumili ng tagal ng kanilang biyahe sa dial, mula isa hanggang 12 buwan.
- Mga highlight ng listing sa paghahanap. Lalabas ang mga pangunahing amenidad tulad ng mabilis na wifi, nakatalagang workspace, EV charger, at mga gamit na mainam para sa mga bata (mga kuna, high chair, laruan, atbp.) sa ibaba ng pamagat ng listing mo sa mga resulta ng paghahanap.
- Mas mabababang bayarin sa serbisyo. Babawasan namin ang bayarin sa serbisyo ng bisita para sa mga nagbu‑book ng mas matatagal na biyahe, simula sa ikaapat na buwan ng kanilang pamamalagi.
- Iskedyul na buwanang pagbabayad. Kapag nag‑book ang bisita, babayaran niya ang unang 30 gabi ng mas matagal na pamamalagi at babayaran naman nang hulugan buwan-buwan ang natitirang balanse. Sa pag‑check out, makakatanggap siya ng iskedyul na nagsasaad ng mga petsa para sa pagbabayad nang hulugan at halagang dapat bayaran, para makapagplano siya sa kanyang mga gastos sa biyahe.
- Mga diskuwento kapag nagbabayad sa pamamagitan ng bangko. Puwedeng magkaroon ang mga residente ng US ng diskuwento sa mga pamamalaging 28 gabi o higit pa sa iba't ibang panig ng mundo kapag nagbayad sila sa pamamagitan ng naka‑link na bank account sa US. Dapat tapusin ang pagbu‑book kahit man lang pitong araw bago ang pag-check in.
Hindi makakaapekto sa kita ng host ang mga bagong feature o hindi nito mababago ang iskedyul ng payout para sa mas matatagal na pamamalagi.
Mga highlight sa mga page ng listing
Makakahikayat ka ng mga bisita na mag‑book kapag nagtakda ka ng buwanang diskuwento at nag‑update ka ng listing mo para maisama ang lahat ng kasalukuyan mong amenidad. Awtomatikong itatampok sa itaas ng mga page ng listing ang mga amenidad na patok para sa mas matatagal na pamamalagi.
Halimbawa, maaaring makahanap ang bisitang naghahanap ng tatlong buwang pamamalagi sa San Francisco Bay Area ng listing na may impormasyong kapansin-pansing nagsasaad na:
- Magbayad nang buwanan. Magbabayad ka nang hulugan buwan-buwan.
- Mainam para sa pagtatrabaho nang malayuan. May wifi na 350 mbps ang bilis, at may nakatalagang workspace.
- Mga amenidad para sa araw-araw. Inihanda ng host ang patuluyang ito para sa mas matatagal na pamamalagi. May kusina, washer, dryer, at libreng paradahan.
Kung bagong host ka na gustong magkaroon ng iniangkop na suporta para sa mas matatagal na pamamalagi, i-click dito at ikokonekta ka namin sa Superhost Ambassador para makatulong sa iyo.
*Batay sa internal na pandaigdigang datos ng Airbnb, ang mga pamamalaging 28 gabi o mas matagal pa ang bumubuo sa 21% ng mga gabing na‑book noong 2022 at 18% ng mga gabing na‑book sa unang tatlong buwan ng 2023.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.