Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Pagtulong sa mga bisita na bumiyahe tulad ng mga lokal

Magbahagi ng mga paborito mong lugar at pagtuunan ang pagiging komportable ng mga bisita.
Ni Airbnb noong Ago 10, 2023
Na-update noong Hul 14, 2025

Nagsimula ang Airbnb bilang abot‑kayang paraan para makapamalagi ang mga biyahero sa tuluyan ng ibang tao. Nagtagumpay ang ideya dahil sa pagdami ng mga host na nag-aalok ng patuluyan sa buong mundo at nakikisalamuha sa mga bisita.

Kinikilala ang tradisyong ito sa pamamagitan ng mga kuwarto: Maganda ito para sa mga bisitang gusto ng kaunting privacy, pero gusto pa ring makakilala ng mga tao at maranasan ang lugar na parang lokal. Magkakaroon ng sariling kuwarto sa patuluyan ang mga bisita. May mga lugar din na paghahatian nila ng iba pang kasama. 

Narito ang ilang tip para mapanatag ang mga bisita na i-book ang patuluyan mo.

Pagbabahagi ng mga paboritong lokal na lugar

Matutulungan mo ang mga bisita na makilala ang lugar sa pamamagitan ng paggawa ng guidebook para sa listing. Madaling paraan ito para magbahagi ng mga rekomendasyon sa mga bisita.

Marami ring host ang nag‑aalok ng mga rekomendasyon nang personal. Madalas imbitahan ni Reed, na nagho-host ng kuwarto sa Philadelphia kasama ang asawa niya, ang mga bisita na samahan silang kumain kapag Linggo. May mga sinasabi siyang “nakakamanghang lugar na hindi tradisyonal,” gaya ng cafe sa malapit na puno ng libro ang mga pader.

Minsan, iniimbitahan ni Reed ang mga bisita na sumayaw ng salsa. Isa ito sa mga paborito niyang libangan. “Pumunta kami sa isang Latin na lugar kasama ng ilang bisita para maiba naman,” sabi niya. Dagdag pa niya, “parang mga anak na namin” ang ilang bisita.

Pagsisikap na maging komportable ang mga bisita

Posibleng i-book ng mga bisita ang kuwarto mo dahil pakiramdam nilang nakilala ka nila sa profile mo bilang host. Magiging komportable silang mamalagi sa patuluyan mo dahil dito.

Ibinahagi ni Nicola, na nagho‑host ng kuwarto sa Fitzroy, Australia, na natutuwa siya sa mga bagong kultura at lutuin. Nalaman niyang may mga bisitang gustong “makihalubilo na parang nasa bahay lang.”

Kung minsan, inaalok niya ang mga bisita na magluto kasama niya at ng kapatid niyang kilalang chef sa Melbourne. “May pangkomersyal na kusina kami, kaya puwede silang gumawa ng pasta o panini bread,” sabi niya.

May grupo ng mga bisita noon na nag-yoga sa sala ni Nicola dahil sa sobrang komportable nila. “Nakakatuwa na talagang nasiyahan sila sa lugar,” sabi niya. Dahil napansin niyang interesado sila sa pag‑eehersisyo, dinala sila ni Nicola sa isang parke sa malapit. Habang nasa parke, umakyat sila sa mga puno at nagkuwentuhan buong maghapon tungkol sa iba pang lugar na gusto nilang pasyalan.

Pagtanggap sa hindi inaasahan

Pag-isipan kung paano mo gustong makihalubilo sa mga bisita at ipaalam ito sa kanila. Kung bukas kang makihalubilo, posibleng maging makabuluhan ang koneksyon ninyo.

Ayon kay Garth, isang host sa Auckland, New Zealand, marami siyang natututunang kultura dahil sa pagiging bukas sa mga bisita kahit hindi siya mismo bumiyahe. Naisip niya, “Ang mga tao ang papapuntahin ko sa akin.”

Hindi malilimutan ni Garth ang isang sandali kasama ang mga bisita mula sa France. Tinanong siya ng ina kung puwede siyang panoorin ng anak niya na magtrabaho sa workshop sa garahe. “Manghang-mangha siya sa lahat ng ginawa ko,” sabi ni Garth.

Kaya nag-isip si Garth ng proyektong puwede nilang gawin nang magkasama. “Gumawa kami ng maliit na bangka at pinintahan namin ito,” sabi niya. “Talagang nakakatuwa. Hindi siya nagsasalita ng English, pero nagkaintindihan kami.”

Mas marami pang kuwento at tip sa pagho-host ang malalaman mo kapag sumali ka sa lokal na Host Club. Pinapangasiwaan ang mga club na ito ng mga host para sa mga host. Nag‑aalok sila ng mga personal at virtual na pagtitipon, tuloy-tuloy na suporta, at mga update sa balita at produkto ng Airbnb.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ago 10, 2023
Nakatulong ba ito?