Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Pagtatakda ng diskarte mo sa presyo

Regular na isaayos ang mga presyo. Isaalang-alang ang demand ng bisita at panahon kung kailan malakas o matumal ang biyahe.
Ni Airbnb noong Dis 4, 2025

Pinapadali ng Airbnb app na mapangasiwaan mo ang presyo at availability. Narito kung paano gamitin ang mga tool sa pagho‑host para makakuha ng mas maraming booking at maabot ang gusto mong kitain.

Regular na suriin ang kalendaryo mo

Naghahanap ang mga bisita ng mga experience sa Airbnb na sulit sa presyo. Ugaliing suriin ulit ang itinakda mong presyo at kung gaano ka kadalas nagho-host para makasabay ka sa kompetisyon. 

Puwede mong i‑adjust ang mga setting ng presyo at availability sa mismong kalendaryo mo. Tandaan ang mga salik na ito.

  • Araw ng linggo: Pag-isipang magtakda ng magkakaibang presyo sa iba't ibang araw. Halimbawa, mainam na maningil ng mas mababang presyo sa mga araw na mas mababa ang demand para mahikayat ang mga tao na mag‑book.
  • Oras sa maghapon: Pag‑isipan kung anong oras ang pinakamainam para makahikayat ng iba't ibang bisita at magdagdag ng availability. Halimbawa, posibleng sa weekday ng gabi mas gusto ng mga lokal na nagtatrabaho sa araw at gustong umiwas sa mas mataong weekend.
  • Mga diskuwento para sa grupo: Puwede kang magtakda ng mga presyong may diskuwento kada tao para makahikayat ng malalaking grupo. Halimbawa, puwede kang mag‑alok ng 10% diskuwento para sa dalawa hanggang tatlong tao, 20% diskuwento para sa apat hanggang limang tao, o 30% para sa mahigit anim na tao. 
  • Mga pamilya: Pag‑isipang pahintulutan ang mga batang wala pang 12 taong gulang na makibahagi nang libre o sa mas mababang presyo.
  • Mga pahabol na pagbu-book: Kung hindi pa nabu‑book ang lahat ng slot ng experience, subukang baguhin ang presyo para mapuno ang mga natitirang slot. 
  • Laki ng grupo: Puwede mong i‑adjust ang mga bakanteng slot para maiwasang mag‑oversell kung iniaalok mo rin sa ibang platform ang experience.

Maghanda para sa mga panahong mataas ang demand

Makakatulong ang mga panahong mataas ang demand para lumago ang negosyo mo. Magplano para sa mas mataas na demand ng bisita gamit itong mga tip sa presyo.

  • Magdagdag ng mga time slot: Ialok ang experience mo nang mas madalas kapag mas maraming bisita ang dumarating sa lugar mo dahil sa lagay ng panahon, mga holiday, at malalaking event tulad ng mga concert, festival, at sports tournament. 
  • I‑update ang bilang ng bisita: Pag‑isipang dagdagan ang bilang ng slot at ayusin ang presyo para makahikayat ng mga pahabol na bisita. Puwede mong gawin ang mga pagbabagong ito sa tab na Ngayong Araw.

Magandang pagkakataon din ang mga panahong mataas ang demand para i‑update ang listing mo para mamukod‑tangi sa mga resulta ng paghahanap. Pag‑isipang baguhin ang pamagat at paglalarawan para itampok ang bahagi ng taon o magdagdag ng mga bagong larawan. 

Magplano para sa mga panahong mababa ang demand

Narito ang mga paraan para mamukod‑tangi ang listing mo sa mga panahong mababa ang demand.

  • Magdagdag ng mga diskuwento: Kahit maliliit lang ang diskuwento, puwede nang mapataas ang puwesto ng listing mo sa mga resulta ng paghahanap. Pag‑isipang mag‑alok ng mas mababang presyo sa pamamagitan ng diskuwento para sa maagang pagbu‑book at malaking grupo. Kung mahigit 10% ng kabuuang presyo ang diskuwento, isasaad ang presyong may diskuwento sa tabi ng orihinal na presyo na naka‑strikethrough sa mga resulta ng paghahanap at sa page ng listing mo.*
  • Maglaan ng slot para sa mga pahabol na pagbu‑book: Iklian ang oras ng cutoff sa pagbu‑book para makapag‑book ang mga bisita sa mismong araw o sa araw bago ang takdang petsa. Nagbu‑book ang kalahati ng lahat ng bisita nang wala pang isang linggo bago magsimula ang experience.** Karaniwang nagbu‑book nang mas huli kaysa sa karaniwan ang mga bisitang lokal at mga bisitang may mga planong puwedeng mabago kapag mababa ang demand.

*Hindi dapat bababa sa 3 USD na diskuwento sa kabuuang presyo o sa lokal na katumbas nito

**Batay sa mga reserbasyon ng experience mula Mayo 13, 2025 hanggang Hulyo 20, 2025, sa 30 lungsod sa iba't ibang panig ng mundo

Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Dis 4, 2025
Nakatulong ba ito?