Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Higitan ang mga inaasahan ng bisita

Mamumukod-tangi sa Airbnb ang serbisyo mo sa tulong ng mga review ng bisita.
Ni Airbnb noong May 13, 2025
Na-update noong Ago 25, 2025

Puwedeng dumami ang mga booking at lumaki ang kita dahil sa matataas na rating at mga positibong review. Gamitin ang feedback ng bisita para patuloy na mapahusay ang serbisyo mo.

Nasa seksyon ng mga insight ang kabuuang rating, mga pampublikong review, mga note mula sa mga bisita, at mga detalyadong rating sa hospitalidad, lokasyon (kung naaangkop), pagkamaaasahan, at pagiging sulit.

Hospitalidad

Natutuwa ang mga bisita kapag ramdam nilang inaalagaan at tanggap sila. Gawin ang lahat ng makakaya mo para maghatid ng de‑kalidad na alok at paghandaan ang mga pangangailangan nila.

  • Makipag-ugnayan pagkakumpirma ng booking. Magpadala ng mensahe sa mga bisita para malaman ang mga preperensiya nila sa serbisyo. Puwedeng magtanong ang caterer tungkol sa uri ng event at anumang allergy sa pagkain o mga bawal kainin.
  • Ibahagi ang mahahalagang detalye. Siguraduhing alam ng mga bisita ang mahahalagang impormasyon bago ang serbisyo. Kasama rito ang kung sino ang magbibigay nito, kung ikaw ba o isang co-host. Puwedeng magbahagi rin ang photographer ng detalyadong forecast at mga pagsasaalang-alang sa kasuotan.
  • Isaalang-alang ang pananaw ng bisita. Puwedeng bago sa lungsod o bansa mo ang ilang bisita. Baka mangailangan sila ng karagdagang tulong sa pag-navigate sa lugar o pag-unawa sa mga lokal na kaugalian. Maging mabuti, matulungin, at magalang makipag-usap.
  • Magdala ng mga karagdagang supply. Siguraduhing handa ka para sa mga potensyal na isyu, gaya kung may masirang tool o kagamitan o kung may nakalimutang mahalaga ang isang bisita. Puwedeng magdala ng mga ekstrang yoga mat ang personal trainer.
  • Mag-follow up pagkatapos. Magpadala ng mensahe para pasalamatan ang mga bisita at tugunan ang mga susunod na hakbang. Puwedeng kasama rito ang petsa kung kailan magiging available ang mga litrato o ang recipe na partikular na nagustuhan ng mga bisita.

Lokasyon

Kung nagho‑host ka ng serbisyo sa lugar ng negosyo mo o pampublikong lugar, hilingin sa mga bisita na i‑rate ang lokasyon. Puwedeng sa sariling spa magbigay ng facial treatment ang aesthetician o puwedeng sa parke kumuha ng mga litrato ang photographer. Natutuwa ang mga bisita sa mga nakakaengganyong lugar na malinis at kumpleto sa gamit.

  • Pagtuunan ng pansin ang kaginhawahan ng bisita. Masisiyahan sa serbisyo ang mga bisita kapag ligtas at malinis ang tuluyan. Gusto ng massage therapist na magbigay ng malinis na spa para makapagpahinga ang kanilang mga bisita habang nagpapa-deep tissue treatment.
  • Magpadala ng mga direksyon. Maging malinaw tungkol sa maaasahan ng mga bisita sa lokasyon mo at kung saan kayo magkikita. Isaalang-alang ang mga posibleng isyu sa paradahan at pampublikong transportasyon. Magsama ng mga tagubilin sa pag‑check in kung nasa pinaghahatiang lugar ka. Isaalang-alang din ang accessibility. Halimbawa, naa-access ba ng wheelchair ang lokasyon ng sesyon mo para sa pagkuha ng litrato? 

Hindi hihilingin sa mga bisita na magbigay ng feedback tungkol sa tuluyan kung bibiyahe ka papunta sa lokasyon nila.

Pagkamaaasahan

Inaasahan ng mga bisita na maayos ang serbisyong ibibigay ng host nila. Ibig sabihin nito, dapat linawin sa mga bisita ang mga dapat asahan, makipag-ugnayan sa kanila nang mabilis at malinaw, at maging organisado.

  • Unahin ang katumpakan. Siguraduhing laman ng mga paglalarawan at litrato ang eksaktong makukuha ng mga bisita. Puwedeng ilarawan ng hair stylist ang mga produkto at technique nila. Puwede rin silang magsama mga litrato ng mga uri ng updo at braid na ginagawa nila.
  • Tumugon. Itakda ang mga regular na oras mo sa tab na Mga Listing para linawin kung kailan ka available. I‑on ang mga notipikasyon sa Airbnb app at sa mga setting ng device mo para makita kaagad ang mga mensahe ng bisita at mabilis na makatugon.
  • Magplano nang maaga. Ihanda nang maaga ang lahat ng supply para masiguradong masusunod ang iskedyul ng serbisyo. Puwedeng maagang maghiwa ng mga gulay ang chef para sa sopas na lulutuin niya sa tuluyan ng bisita.
  • Dalhin ang lahat ng suportang kailangan mo. Puwede kang magpatulong sa co-host o assistant kung magho-host ka ng malaking grupo o kung mag-aalok ka ng mas kumplikadong serbisyo. Kailangan mong ipaalam sa mga bisita kung sino ang makakasama mo sa serbisyo nang may sapat na panahon para magkansela nang walang bayarin.
  • Dumating sa oras. Kung bibiyahe ka papunta sa lokasyon ng bisita, isaalang-alang ang ruta mo at ang trapiko.
  • Igalang ang property. Kung magbibigay ka ng serbisyo sa tuluyan ng ibang tao, pareho pa rin dapat iyon sa kalagayang dinatnan mo pag-alis mo.

Pagiging sulit

Naghahanap ang mga bisita ng mga serbisyong may natatanging kalidad na sulit sa presyo. Pag-isipan kung paano gawing mas espesyal at sulit ang mga presyong babayaran ng mga bisita para sa mga alok.

  • Magsama ng iba't ibang opsyon. Maglagay ng kahit 3 alok na may magkakaibang presyo para mabigyan ang mga bisita ng higit pang opsyon at makatulong na makamit mo ang gusto mong kita. Pinakamahusay na kasanayan ang pagtatakda ng mga presyo bilang panimula, karaniwan, at pinakamataas. Halimbawa, puwedeng mag‑alok ang photographer sa US ng kalahating oras na session na wala pang 50 USD, iniangkop na session sa pagkuha ng portrait na mula 50 USD hanggang 150 USD, at pampamilyang session na lampas 150 USD.
  • Iangkop ang mga iniaalok mo. Matutulungan ka ng mga tool sa pagpapadala ng mensahe ng Airbnb na makipag-ugnayan sa mga bisita para iangkop ang mga iniaalok mo at ang mga presyo nito.
  • Magbigay ng mahusay na serbisyo. Malaki ang maitutulong ng mga de-kalidad na materyal at maliliit na detalye para maging mas espesyal pa ang alok mo. Puwedeng magsama ng libreng essential oil ang esthetician.

Kailangang matugunan ng lahat ng host, litrato, at detalye ng listing ang mga pamantayan at rekisito para sa mga serbisyo sa Airbnb.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
May 13, 2025
Nakatulong ba ito?