Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Makatanggap ng una mong 5‑star na review

Alamin ang proseso ng mga rating at review sa Airbnb.
Ni Airbnb noong Set 17, 2025

Nakalagay sa listing mo ang mga rating at review at makakatulong ang mga iyon sa mga bisita na magdesisyon kung angkop ba sa kanila ang serbisyo mo. Makakatulong sa iyo ang positibong feedback ng mga bisita na buuin ang brand mo sa Airbnb at puwedeng dumami ang mga booking at lumaki ang kita mo.

Pag‑unawa sa proseso ng mga review

Hinihikayat ang mga bisita na sumulat ng review sa sandaling matapos ang serbisyo. Matutulungan ka ng feedback nila na maghatid ng pinakamataas na kalidad ng serbisyo. Hinihiling sa kanila na magbigay ng:

  • Kabuuang rating. Bibigyan ng rating na 1 hanggang 5 star ng mga bisita ang serbisyo mo. Lalabas ang average na kabuuang rating mo sa listing mo, sa mga resulta ng paghahanap, at sa profile mo.
  • Mga detalyadong rating. Magbibigay ang mga bisita ng mas partikular na feedback sa pamamagitan ng pagbibigay ng rating sa hospitalidad, pagkamaaasahan, at pagiging sulit. Kung nagbibigay ka ng serbisyo sa lugar ng negosyo mo o pampublikong lugar, tulad ng hair styling sa salon mo o sesyon ng yoga sa beach, hihilingin din sa kanila na i‑rate ang lokasyon.
  • Pampublikong review. Lalabas ito sa profile mo at sa seksyon ng mga review ng listing mo. Kung tutugon ka sa isang pampublikong review, lalabas ang tugon mo sa ibaba niyon.
  • Note para sa host. Kayo lang ng Airbnb ang makakakita sa note. Katulad ng mga review, makakatulong sa Airbnb ang mga note na mapahusay ang mga resulta ng paghahanap at matukoy ang mga patuluyang gusto ng mga bisita.

Kapag may 10 review na sa iyo, makakakuha ka na ng mga insight sa feedback ng mga bisita. Gamitin ang menu para ma‑access ang seksyong mga insight ng Airbnb app.

Pagtuon sa kalidad

Matutulungan ka ng mga tool sa pagho‑host ng Airbnb na mahigitan ang mga inaasahan ng mga bisita.

Magbigay ng mahusay na serbisyo. Pag‑isipan kung paano iaangkop ang mga iniaalok mo para maiparamdam sa mga bisita na inaasikaso at malugod silang tinatanggap.

  • Makipag‑ugnayan sa mga bisita sa tab na Mga Mensahe para itanong ang mga gusto nila, tumugon sa mga tanong, at gumawa ng mga iniangkop na alok.
  • Gamitin ang mga mabilisang tugon para madaling mag‑angkop at magpadala ng pambungad na mensahe pagkatapos mag‑book at ng follow‑up na note pagkatapos ng serbisyo.
  • Maglagay ng mga dagdag na detalye para gawing mas espesyal pa ang iniaalok mo.

Siguraduhing maayos ang lahat. Ipakitang maaasahan ka sa pamamagitan ng paghahanda, pagtatakda ng malinaw na inaasahan, at agarang pagtugon sa mga mensahe ng mga bisita bago at pagkatapos ng bawat serbisyo.

  • Maagang ihanda ang anumang kagamitan at, kung ikaw ang pupunta sa bisita, planuhin ang ruta mo para makarating ka sa tamang oras. Gamitin ang kalendaryo mo sa Airbnb para makapaglaan ng oras para sa biyahe at paghahanda sa pagitan ng mga booking.
  • Mag‑iskedyul ng mga mensaheng ipapadala sa mga partikular na oras, tulad ng isang araw bago ang serbisyo, para malaman ng bisita kung ano ang dapat asahan.
  • I‑on ang mga notipikasyon sa Airbnb app at sa mga setting ng device mo para maabisuhan ka kapag may mga mensahe.
  • Kung magbibigay ka ng serbisyo sa tuluyan ng ibang tao, siguraduhing pag‑alis mo, pareho pa rin dapat iyon sa dinatnan mo.

Siguraduhing sulit ang ibinayad. Mahalagang salik sa pagiging sulit ang nakakaakit na presyo. Puwede kang magtakda ng mga presyo o magdagdag ng mga diskuwento sa tab na Mga Listing.

  • Maglagay ng kahit tatlong alok man lang na may magkakaibang presyo para mas maraming mapagpilian ang mga bisita at maabot mo ang gusto mong kitain. Pinakamagandang kasanayan ang pagtatakda ng mga presyo bilang panimula, karaniwan, at premium.
  • Pag‑isipang magsimula sa presyong bahagyang mas mababa at suriin ulit iyon kapag may reputasyon ka nang may matataas na rating at mga positibong review sa Airbnb.
  • Magdagdag ng mga diskuwento para sa limitadong panahon, maagang pagbu‑book, at malaking grupo para makahikayat ng mga bisita.
  • Mag‑browse sa Airbnb at iba pang platform para sa mga serbisyong tulad ng iniaalok mo para paghambingin ang mga lokal na presyo at maging patok.

Bukod pa sa mga tip na ito sa hospitalidad, tandaan ang Mga Pangunahing Alituntunin para sa mga Host at Mga Patakaran sa Kaligtasan sa Pagho‑host ng Airbnb. Nakasaad sa mga ito ang mga pangunahing inaasahan para sa pagbibigay ng mga ligtas at magandang serbisyo.

Kailangang matugunan ng lahat ng host, litrato, at detalye ng listing ang mga pamantayan at rekisito para sa Mga Serbisyo sa Airbnb.

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Set 17, 2025
Nakatulong ba ito?