Tatlong paraan para makaengganyo pa ng mga bisita
Kapag mas flexible ka, posibleng mas madalas na lumabas sa mga resulta ng paghahanap ang listing mo. Dagdagan ang pinagseserbisyuhang lugar mo at mag‑alok ng iba’t ibang presyo at oras ng negosyo para makaengganyo ng maraming bisita.
Pangangasiwa sa availability mo
Siguraduhing idagdag ang lahat ng pagkakataong makakapag‑host ka. Kapag nag‑edit ka ng availability, ilagay ang mga oras ng negosyo at pumili ng palugit sa availability. Mga serbisyong tinakdaan ng mga ito lang ang mahahanap ng mga bisita.
Sa tab na Mga Listing:
- Itakda ang mga oras ng negosyo. Makikita ng mga bisita na available ka at mabu‑book nila ang serbisyo mo sa loob ng mga oras ng negosyo mo. Puwedeng pare‑pareho o iba‑iba ang mga oras na itakda mo para sa bawat iniaalok. Isaalang‑alang ang mga oras na mataas ang demand. Halimbawa, posibleng pinakapatok ang umaga para sa mga personal trainer at ang gabi naman para sa mga pribadong chef.
- Maglagay ng palugit sa availability. Piliin kung puwedeng mag‑book ang mga bisita 3, 6, 9, 12, o 24 na buwan bago ang takdang petsa. Puwedeng iba‑iba ang itakda mo para sa iba’t ibang iniaalok.
Sa kalendaryo mo:
- Gawing partikular ang availability mo. Puwede kang magdagdag ng mga oras sa labas ng mga regular na oras ng negosyo mo at mag‑block ng mga oras kung kailan hindi ka makakapagtrabaho. Malalapat sa lahat ng iniaalok ang anumang iba‑block na oras.
- I‑sync ang mga kalendaryo. I‑link ang mga kalendaryo mo sa Airbnb at Google. Iba‑block sa kalendaryo mo sa Airbnb ang lahat ng oras na may event sa kalendaryo mo sa Google.
Kapag tapos ka na, i‑preview ang listing mo para maberipika ang availability mo at makita ang makikita ng mga bisita.
Pagtatakda ng sulit na presyo
Mainam kung magtatakda ng kahit tatlong iniaalok man lang na may presyong panimula, karaniwan, at premium para maging nakakaengganyo at makahikayat pa ng mga bisita. Posibleng mas malaki ang kitain at mas maraming matanggap na review kapag nag‑alok ka ng iba’t ibang presyo. Halimbawa, karaniwang handang magbayad ang mga bisita ng USD52 hanggang USD95 para sa three‑course meal, USD54 hanggang USD96 para sa spa treatment, o USD46 hanggang USD75 para sa photo shoot.*
- Magsama ng panimulang alok. Makikita ng mga bisita sa mga resulta ng paghahanap ang pinakamurang iniaalok mo. Sa pamamagitan ng panimulang alok, puwede kang makahikayat ng mga bagong bisita at posibleng mapansin ang iba mo pang iniaalok.
- Magbigay ng mga iniangkop na alok. Sa tab na Mga Mensahe, magpadala ng mga iniangkop na alok na may kahilingan para sa pagbabayad bago mag‑book ang bisita. Halimbawa, kung nag‑aalok ka ng personal training, puwedeng magtanong ang bisita kung mapagbibigyan mo ang maagang workout o kung makakalabas ka sa pinagseserbisyuhang lugar mo.
- Mag‑angkop sa pamamagitan ng pagbabago. Sa tab na Mga Mensahe, puwede ka ring magpadala ng pagbabago ng presyo pagkatapos mag‑book ng bisita. Halimbawa, puwedeng magpaangkop ng alok ang bisita para magpadagdag ng French tips sa manicure o ng partikular na sangkap sa pagkain.
- Magtakda ng minimum na presyo. Kung pinili mong itakdang kada bisita ang singil, puwede kang magtakda ng minimum na presyo kada booking. Makakatulong ito para sa mga serbisyo kung saan karaniwang grupo‑grupo ang nagpapagawa, tulad ng catering o nakahanda nang pagkain. Halimbawa, kung gusto ng bisita na mag‑book ng USD50 na alok para sa dalawang bisita at USD120 ang minimum mo, kailangan niyang magbayad ng USD120 para makapag‑book.
- Mag‑alok ng diskuwento. Puwede kang magdagdag ng mga diskuwento para sa limitadong panahon, maagang pagbu‑book, at malaking grupo para mahikayat na mag‑book ang mga bisita. Kapag nag‑alok ka ng diskuwento, makikita ng mga bisita ang naka‑strikethrough na presyong itinakda mo sa mga resulta ng paghahanap at sa listing mo.
Dagdagan ang pinagseserbisyuhang lugar mo
Pag‑isipan ulit kung ikaw ang pupunta sa mga bisita, kung mga bisita ang pupunta sa iyo, o kung puwede kahit alin doon. Kung mga bisita ang pupunta sa iyo, tandaang mahahanap lang nila ang mga iniaalok mo kung naghahanap sila ng mga serbisyong malapit sa lokasyon mo.
Kung ikaw ang pupunta sa mga bisita:
- Pag‑isipan ang pinagseserbisyuhang lugar mo. Para lumabas nang mas madalas sa mga resulta ng paghahanap, siguraduhing isinaad mo ang lahat ng naaangkop na lungsod, kapitbahayan, o postal code sa pinagseserbisyuhang lugar mo.
- Isaad kung flexible ka. Sa paglalarawan ng listing mo, puwede mong banggitin ang mga lugar kung saan ka puwedeng pumunta paminsan‑minsan o sabihan ang mga bisita na puwede silang makipag‑ugnayan kung nasa labas sila ng pinagseserbisyuhang lugar mo.
Kung mga bisita ang pupunta sa iyo:
- Patunayan ang address mo. Makikita ng mga bisitang titingin sa listing mo ang distansya at tagal ng biyahe papunta sa lokasyon mo.
- Isaad ang pangalan ng negosyo mo. Sa ganitong paraan, mas madali kang mahahanap ng mga bisita pagdating nila.
- Magdagdag ng mga propesyonal na litrato. Nagho‑host ka man sa spa, gym, salon, o iba pang lugar, maipaparating ang ganda ng serbisyo mo at mas madali kang mahahap ng mga bisita sa pamamagitan ng mga litrato ng lokasyon mo.
*Batay sa survey online noong Marso 2025 sa mahigit 700 bisita at potensyal na unang beses magbu‑book sa Airbnb sa US.
Posibleng mag‑iba ang karanasan ng user depende sa lokasyon. Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.


