Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Gawing bentahe ang profile mo bilang host

I‑edit ang iyong profile para magdagdag ng mga detalye at hikayatin ang mga bisita na mag‑book.
Ni Airbnb noong Ago 10, 2023
Na-update noong Hul 14, 2025

Sinabi sa amin ng mga bisita na gusto nilang malaman kung sino ang kasama nila sa tuluyan bago magpareserba ng kuwarto. Sa profile mo bilang host, maipapakilala mo ang sarili at maipapaalam mo sa mga bisita kung ano ang maaasahan.

Ano ang profile ng host?

Ang profile mo bilang host ang profile mo sa Airbnb para sa bisita. Nakasaad sa itaas ang pangalan mo, kung ilang taon ka nang nagho‑host, ang star rating mo, at ang bilang ng mga review ng bisita. Sinusundan iyon ng anumang personal na detalyeng gusto mong idagdag, gaya ng iyong trabaho, mga hobby, wika, trivia tungkol sa iyo, pangalan ng alagang hayop mo, at kung bakit espesyal ang pamamalagi sa tuluyan mo.

Posibleng lumabas sa mga resulta ng paghahanap ng kuwarto ang mga bahagi ng profile mo bilang host. Puwedeng i-tap ang litrato mo para lumabas ang buo mong profile. Maa-access din ng mga bisita ang profile mo mula sa listing.

Subukan ang mga tip na ito sa pagkuha ng litrato para maging maganda ang unang impresyon nila sa iyo.

Paano masusuportahan ng profile ko bilang host ang mga bisita?

Nakakatulong ang profile mo bilang host para makapagsimulang bumuo ng ugnayan sa mga bisita. Kapag nalaman ninyong pareho kayo ng interes, trabaho, o hilig na musika, mararamdaman ninyong parang matagal na kayong magkakilala.

“Hindi ko kailangang maging matalik na kaibigan ang host, pero dapat panatag akong makasama siya sa iisang tuluyan,” sabi ni Stacey, isang bisitang nakabase sa Lungsod ng Oklahoma. “Nakikilala ko sila bilang tao sa profile nila at nalalaman ko roon kung ano ang maaasahan sa pagbisita.”

Nakakatulong din ang pagkuha ng higit pang detalye sa simula pa lang para makapagpasya ang mga bisita kung naaangkop ang tuluyan para sa mga pangangailangan nila sa biyahe. Sa pamamagitan din nito, pareho kayong makakatipid ng oras at pagod. “Binabawasan nito ang paulit-ulit na pagpapadala ng mensahe at ginagawang mas madali ang pagbu‑book, dahil nasagot na ang mga tanong ko,” sabi ni Stacey.

Ginagamit ni Chris na isang Superhost sa Macon, Georgia ang profile niya bilang host para mawala ang pagkailang ng mga bisita. “Tahimik akong tao, at nakatulong ito sa akin na maging mas bukas sa iba,” sabi niya. 

Binanggit ni Chris sa profile niya na retirado siyang atleta na naglaro ng football sa dalawang makasaysayang unibersidad para sa mga Black. Ibinahagi rin niyang:

  • Napakarami niyang oras na maglaro ng golf
  • Ipinanganak siya noong dekada ’80
  • May coffee bar siya para sa mga bisita

Kapag naglaan ka ng oras para bigyan ang mga bisita ng higit pang impormasyon bago nila i‑book ang kuwarto mo, mas maitutugma ka sa mga bisitang may mga katulad na interes at kagawian.

Tulad ng sinabi ng bisitang si Stacey, “Kung ‘maraming oras’ ang host na kumanta sa karaoke, alam kong ibang uri ng bisita ang aasahan niya kumpara sa host na ‘maraming oras’ magbabad sa Netflix sa bahay.”

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ago 10, 2023
Nakatulong ba ito?