Pag‑unawa sa insurance sa biyahe at mga serbisyong pantulong
Nagkakaroon talaga minsan ng mga emergency at hindi inaasahang pagkaudlot ng biyahe. Kaya naman nag‑aalok ang Airbnb ng insurance sa biyahe at mga serbisyong pantulong.
Puwedeng kumuha ng insurance sa reserbasyon ang mga bisitang nakatira sa US at sa ilang lalawigan at teritoryo sa Canada para sa mga partikular na peligro kapag nag‑book sila ng biyahe. Kung nagkansela sila nang may saklaw na dahilan, puwede silang magsumite ng paghahabol sa insurance para magpabalik ng ginastos nila sa hindi na‑refund na halaga ng booking sa Airbnb.
Maaari nitong mapaliit ang posibilidad ng paghiling ng mga bisita sa mga host ng refund na hindi saklaw ng mga tuntunin ng mga patakaran sa pagkansela ng mga host.
Pagbili ng mga bisita ng proteksyon sa biyahe
Makakakuha ng insurance sa biyahe at mga serbisyong pantulong ang mga bisitang nakatira sa US o Canada, maliban sa Quebec at Nunavut.
May opsyon ang mga bisitang nasa mga bansang ito at iba pang kwalipikadong bansa na bumili ng proteksyon sa biyahe sa Airbnb bago kumpirmahin at bayaran ang reserbasyon nila. Sa US, puwede ring magdagdag ang mga bisita ng proteksyon sa biyahe pagkatapos mag‑book. Bago bumili, puwedeng suriin ng mga bisita ang mga detalye tungkol sa karaniwang sinasaklaw at hindi sinasaklaw ng kanilang plano.
May binabayaran ang bisita na porsyento ng kabuuang halaga ng kanyang booking para sa proteksyon sa biyahe. Kasama sa gastusin ng kanilang plano ang bayarin para sa mga serbisyong pantulong tulad ng mga medikal na referral, suporta sa biyahe, at paglutas sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
Makakatanggap ang mga bisitang bumili ng proteksyon sa biyahe ng kumpirmasyon sa email na may mga detalye ng plano at impormasyon tungkol sa paghahain ng paghahabol.
Depende sa lokasyon ng bisita, ang Generali US Branch o Europ Assistance S.A. Canada Branch ang mag‑iisyu ng mga plano. Parehong bahagi ang dalawa ng Assicurazioni Generali S.p.A., ang nangungunang tagapagbigay ng insurance sa maraming bansa.
Ang saklaw ng insurance sa biyahe
Sa pamamagitan ng insurance sa biyahe, mabibigyan ang mga bisita ng proteksyon kabilang ang pagbabayad ng hanggang 100% ng hindi nare‑refund na halaga ng booking kung maapektuhan ang biyahe nila ng mga partikular na saklaw na pangyayari. Maaaring kasama sa mga saklaw na pangyayari ang masamang lagay ng panahon o malubhang sakit.
Halimbawa, kung ire‑refund ng host ang 50% ng halaga ng booking ng bisita ayon sa patakaran sa pagkansela ng host, puwedeng i‑refund ng insurance sa biyahe ang ilan o lahat ng natitirang 50% kapag nagkansela ang bisita nang may saklaw na dahilan. Hindi hihingi ng pera sa host ang tagapagbigay ng insurance para mabayaran ang paghahabol ng bisita.
Nakadepende sa lokasyon ang pagsaklaw at mga tuntunin. May higit pang detalye sa Help Center:
Iba ang insurance sa biyahe at mga serbisyong pantulong sa AirCover para sa mga bisita na kasama sa bawat booking. Nag‑aalok ang AirCover ng proteksyon sa mga bisita para sa mga hindi inaasahang isyu tulad ng hindi tumpak na listing o hindi makapag‑check in.
Para sa mga residente ng US: Iniaalok ang plano ng proteksyon sa biyahe ng Airbnb Insurance Agency LLC, 222 Broadway, Floor 26, New York, NY 10038 (6001912 ang numero ng lisensya sa California), na lisensyado bilang ahensya ng insurance sa lahat ng estado ng US at sa Distrito ng Columbia, at ginagarantiyahan ng Generali US Branch (NAIC #11231) sa New York, NY ang mga pagsaklaw ng insurance sa biyahe. Pangkalahatan ang paglalarawan sa mga pagsaklaw ng insurance at serbisyong pantulong at napapailalim ang mga ito sa mga partikular na kondisyon at pagbubukod.
Para sa mga residente ng Canada (maliban sa Quebec at Nunavut): Iniaalok ng Airbnb Canada Insurance Services Inc. ang insurance sa biyahe at ginagarantiyahan ito ng Europ Assistance S.A. Canada Branch. Lisensyado bilang ahensya ng insurance ang Airbnb Canada Insurance Services Inc. at nasa 1600-925 West Georgia Street, Vancouver, BC V6C 3L2, Canada ang nakarehistrong tanggapan nito. Napapailalim sa mga tuntunin at kondisyon ang mga benepisyo at serbisyo ng insurance sa biyahe at may nalalapat na ilang partikular na pagbubukod sa mga ito.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.