Pag‑unawa sa proteksyon sa pamamalagi para sa mga bisita ng Airbnb

Makakabili ng plano ang mga bisitang nasa Australia kapag nagbu‑book sila ng listing sa Airbnb.
Ni Airbnb noong Nob 20, 2024
Na-update noong Nob 20, 2024

Nagkakaroon talaga minsan ng mga emergency at hindi inaasahang pagkaudlot ng biyahe. Kaya naman nag‑aalok ng proteksyon sa pamamalagi ang Airbnb.

Mapoprotektahan ng mga bisitang nakatira sa Australia ang reserbasyon nila sa mga partikular na panganib kapag nagbu‑book sila ng tuluyan. Kung nagkansela sila nang may saklaw na dahilan, puwede silang magsumite ng paghahabol sa insurance para magpabalik ng ginastos nila sa hindi na‑refund na halaga ng booking sa Airbnb.

Puwedeng mapaliit ng proteksyon sa pamamalagi ang posibilidad ng paghiling ng mga bisita sa mga host ng refund na hindi saklaw ng mga tuntunin ng mga patakaran sa pagkansela ng mga host.

Ang saklaw ng proteksyon sa pamamalagi

Makakatulong ang proteksyon sa pamamalagi para hindi malugi ang mga bisita kapag bumibiyahe sila. Kasama sa saklaw ang bayad sa hanggang 100% ng hindi nare‑refund na gastos nila sa booking kung maapektuhan ng mga partikular na saklaw na pangyayari ang biyahe nila. Maaaring kabilang dito ang masamang lagay ng panahon o malubhang sakit.

Halimbawa, kung ire‑refund ng host ang 50% ng halaga ng booking ng bisita ayon sa patakaran sa pagkansela niya, puwedeng i‑refund ng proteksyon sa pamamalagi ang bahagi o kabuuan ng natitirang 50% kapag nagkansela ang bisita nang may saklaw na dahilan. Hindi kukuha ng pera sa host ang insurance provider para mabayaran ang paghahabol ng bisita.

Saklaw rin ng proteksyon sa pamamalagi ang pagkakansela ng flight, pagkaantala ng bagahe, at pagkawala o pagkanakaw ng dokumento sa pagbiyahe. Alamin ang higit pang detalye

Magkaiba ang proteksyon sa pamamalagi at ang AirCover para sa mga bisita na kasama sa lahat ng booking. Nag‑aalok ang AirCover ng proteksyon sa mga bisita para sa mga hindi inaasahang isyu tulad ng hindi tumpak na listing o hindi makapag‑check in.

Pagbili ng mga bisita ng proteksyon sa pamamalagi

May opsyon ang mga bisitang nakatira sa Australia na bumili ng proteksyon sa pamamalagi kasabay ng pagkumpirma at pagbabayad ng reserbasyon. Magbabayad ang mga bisita ng porsyento ng gastusin nila sa booking sa Airbnb para sa proteksyon sa pamamalagi. Bago bumili, puwede nilang suriin ang mga detalye tungkol sa karaniwang sinasaklaw at hindi sinasaklaw ng kanilang plano.

Makakatanggap ang mga bisitang bumili ng proteksyon sa pamamalagi ng email ng kumpirmasyon na may mga detalye ng plano nila at impormasyon kung paano maghain ng paghahabol. Ibinibigay ng Chubb Insurance Australia ang lahat ng plano sa proteksyon sa pamamalagi.

Makakakuha ng insurance sa biyahe ang mga bisita mula sa iba pang kwalipikadong bansa mula sa ibang insurance provider.

Ang Chubb Insurance Australia Limited ABN 23 001 642 020 AFSL No. 239687 (Chubb) ang nagbibigay ng produktong ito, at ang Airbnb Australia Insurance Services Pty Ltd. ABN 66 681 023 389 (Airbnb) ang nagpapamahagi ng produktong ito. Awtorisadong kinatawan ng Chubb (AR number: 001311886) ang Airbnb. Hindi isinasaalang‑alang ng Chubb at Airbnb ang mga layunin, pinansyal na kalagayan, o mga pangangailangan mo. Hindi iniangkop ang anumang ibibigay na payo. Para mapagpasyahan kung angkop para sa iyo ang produkto o alamin kung paano makipag‑ugnayan sa Chubb at ang proseso ng Chubb sa paglutas ng di‑pagkakasundo, basahin ang Pinagsamang Pahayag ng Pagpapabatid tungkol sa Produkto at Gabay sa Mga Pinansyal na Serbisyo at ang Pagtukoy sa Target na Market. Basahin din ang Patakaran sa Privacy ng Chubb. May mga nalalapat na tuntunin sa saklaw. May mga nalalapat na kondisyon, pagbubukod, at limitasyon.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Nob 20, 2024
Nakatulong ba ito?