Pag‑unawa sa mga Paborito ng Bisita
Sa Airbnb, may mahigit walong milyong tuluyan sa iba’t ibang panig ng mundo. Pambihira ang bawat tuluyan, at espesyal ang Airbnb dahil dito.
Isa sa pinakamagagandang paraan para makahanap ng naaangkop na lugar na matutuluyan ang pagtukoy kung aling mga tuluyan ang pinakagusto ng mga bisita. Kaya namin ginawa ang mga Paborito ng bisita.
Ano ang mga Paborito ng Bisita?
Koleksyon ng mga pinakagustong tuluyan sa Airbnb ayon sa mga bisita ang mga Paborito ng bisita. Batay ang mga ito sa mga rating, review, at datos sa pagkamaaasahan mula sa mahigit kalahating bilyong pamamalagi. Ina‑update araw‑araw ang mga Paborito ng bisita kaya kung hindi man maisama roon ngayon ang listing mo, puwedeng malapit nang maisama iyon.
May iba’t ibang salik na nakakatulong para matukoy ang mga Paborito ng bisita, tulad ng:
- Kahit limang review man lang ng mga bisita sa nakalipas na apat na taon kung saan may kahit isang review man lang sa nakalipas na dalawang taon
- Magagandang review at rating na karaniwang mahigit 4.9 stars
- Matataas na rating para sa pag‑check in, kalinisan, katumpakan, pakikipag‑ugnayan ng host, lokasyon, at pagiging sulit
- Napatunayan nang maaasahan, tulad ng wala pang 1% average na pagkansela ng host at isyu sa customer service na may kaugnayan sa kalidad
Para makahanap ng mga Paborito ng Bisita
May mga Paborito ng bisita sa iba’t ibang panig ng mundo, at madaling mahanap ang mga iyon sa Airbnb.
May badge sa mga resulta ng paghahanap at sa page ng listing ang mga listing na Paborito ng bisita. May filter na magagamit ang mga biyahero para maghanap ng mga Paborito ng bisita.
Mga Paborito ng Bisita at mga Superhost
Kinikilala ang mga Superhost dahil sa bukod‑tanging hospitalidad nila. Walang magbabago sa programang Superhost ng Airbnb. Ganoon pa rin ang mga pamantayan sa pagiging Superhost, at patuloy naming susuriin ang performance ng Superhost kada tatlong buwan.
Kung isa kang Superhost na may listing na kasama sa mga Paborito ng bisita, itatampok sa page ng listing mo ang parehong katayuan at lalabas sa mga resulta ng paghahanap ang listing mo nang may badge na Paborito ng bisita. Kung isa kang Superhost na may listing na hindi pa maituturing na Paborito ng bisita, lalabas pa rin ang badge mo bilang Superhost sa page ng listing mo at sa mga resulta ng paghahanap.
Hiwa‑hiwalay na isasaalang‑alang ang bawat listing mo kapag inaalam kung dapat iyong bigyan ng badge na Paborito ng bisita.
Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.