Pagpapasimple ng mga bayarin sa serbisyo ng Airbnb
Pinapasimple namin ang aming estruktura ng bayarin para gawing mas madali ang pagtatakda ng presyo ng mga host. Alamin kung ano ang magbabago at kung paano panatilihin ang mga payout mo.
Ang proseso ng mga bayarin sa serbisyo
Sa ngayon, karaniwang nagbabayad ang mga host at bisita ng mga bayarin sa serbisyo. Dahil dito, nagtatakda ka ng presyo pero nagbabayad ang mga bisita mo ng mas mataas na presyo na may kasamang bayarin sa serbisyo.
Sa Oktubre 27, lilipat na sa isahang bayarin ang mga host na nangangasiwa ng presyo gamit ang software sa pangangasiwa ng property o pangangasiwa ng channel. Sa isahang bayarin, itatakda ng mga host ang presyong makikita at babayaran ng mga bisita. Mas madaling magtakda ng sulit na presyo kapag alam mo kung magkano ang babayaran ng mga bisita mo.
- Hating bayarin: Ikinakaltas sa ngayon sa itinakda mong presyo ang 3% bayarin sa host para makalkula ang payout mo.* Bukod pa rito, nagbabayad ang mga bisita ng 14.1% hanggang 16.5% bayarin sa serbisyo bukod pa sa itinakda mong presyo. Halimbawa, kung USD100 ang itatakda mong presyo, kikita ka ng USD97 at magbabayad ang mga bisita mo ng humigit‑kumulang USD115.
- Isahang bayarin: Sa Oktubre 27, ikakaltas sa itinakda mong presyo ang 15.5% bayarin sa serbisyo para makalkula ang payout mo. Nakabatay sa mga pandaigdigang average na mga bayarin sa serbisyo ng Airbnb ang isahang bayaring ito. Kasalukuyan itong pinaghahatian ng mga host at bisita. Halimbawa, kung gagawin mong $115 ang itinakda mong presyo para sa isahang bayarin, kikita ka ng $97.18 at magbabayad ang mga bisita ng $115.
Sa parehong halimbawa, pareho ang kikitain mo at ang babayaran ng mga bisita mo.
Pagsusuri ng presyo
Pag‑isipan kung gusto mong gumawa ng anumang pagbabago sa itinakda mong presyo para maisaalang‑alang ang bagong estruktura ng bayarin.
- Isaayos ang presyo: Baka gusto mong baguhin ang presyo para mapanatili ang mga payout mo at ang halagang babayaran ng mga bisita tulad ng dati. Tulad ng nakasaad sa itaas, kung gagawin mong $115 ang presyo mula sa $100, kikita ka ng $97.18 at magbabayad ang mga bisita ng $115.
- Panatilihin ang presyo: Mas maliit ang kikitain mo kada gabi at mas maliit ang babayaran ng mga bisita kung hindi mo isasaayos ang itinakda mong presyo. Halimbawa, kung mananatiling $100 ang itinakda mong presyo, kikita ka ng $84.50 pagkatapos ibawas ang 15.5% bayarin at magbabayad ang mga bisita ng $100.
Kung isasaayos mo ang presyo, gawin mo ang pagbabago sa Oktubre 27 gamit ang software sa pangangasiwa ng property mo. Pagkatapos, tiyaking tama ang itinakda mong presyo, kabilang ang mga diskuwento at promo, sa software at mga platform na ginagamit mo.
Kung magpapasya kang gumawa ng mga pagbabago bago mag-Oktubre 27, kakailanganin mong mano‑manong i‑update ang estruktura ng bayarin mo sa isahang bayarin sa serbisyo sa seksyong Mga pagbabayad ng Airbnb account mo.
Ang saklaw ng mga bayarin sa serbisyo ng Airbnb
Nakakatulong ang mga bayarin sa serbisyo para masagot ang mga gastos sa mga produkto at serbisyo ng Airbnb, kabilang ang pagpoproseso ng bayad, marketing, at customer service. Ang pag‑update ng aming estruktura ng bayarin ay bahagi ng pangako ng Airbnb na pahusayin ang transparency sa pagpepresyo.
Matuto pa tungkol sa mga bayarin sa serbisyo ng Airbnb.
*Mas malaki ang babayaran ng ilan, kabilang ang ilang host na may mga listing sa Italy at Brazil.
Porsyento ng presyo kada gabi ang mga bayarin sa serbisyo at may kasamang anumang bayaring idinagdag mo, tulad ng bayarin sa paglilinis.
Sa ilang bansa at rehiyon, kasama ang mga buwis sa kabuuang presyong ipinapakita. Palaging ipinapakita ang kabuuang presyo kabilang ang mga buwis bago ang pag‑check out.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.