Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Pagtatakda ng paunang presyo mo

Pumili ng presyo para sa mga weekday at weekend, at magdagdag ng mga diskuwento para makahikayat ng mga bisita.
Ni Airbnb noong Hun 17, 2025
Na-update noong Hun 17, 2025

Makakatulong ang pagtatakda ng sulit na presyo para maging kapansin‑pansin ang listing mo at mahikayat ang mga bisita na mag‑book. Ikaw lagi ang bahala sa pagtakda ng presyo mo at puwede mong baguhin iyon anumang oras.

Pagpepresyo para sa mga weekday at weekend

Pumili ka muna ng batayang presyo para sa mga weekday. Ito ang default na presyo para sa lahat ng gabi sa kalendaryo mo. Puwede kang magdagdag ng premium sa mga weekend, iyon ay sa mga Biyernes at Sabado.

Gumagamit ang mga nakasaad na tip sa presyo ng mga salik, gaya ng lokasyon, mga amenidad, mga nakaraang booking, at mga pinakahuling presyo sa lugar mo. Kung gusto mong magtakda ng ibang presyo kaysa sa iminumungkahing presyo, subukang balansehin ang mga gastos mo at kung ano ang katanggap‑tanggap na presyo sa mga bisita. Narito ang ilang bagay na dapat isaalang‑alang.

  • Mga gastos mo sa pagho‑host: Puwedeng kabilang dito ang mortgage, mga utility, pagmementena, at mga buwis.
  • Ang pagiging sulit na ibinibigay mo: Isaalang‑alang kung ano ang itinatampok mo sa listing mo, gaya ng mga patok na amenidad, mga accessibility feature, at lapit sa mga lokal na pasyalan.
  • Kabuuang presyong babayaran ng mga bisita: Tandaang makakaapekto sa kabuuang presyo ang anumang bayaring pinaplano mong idagdag, gaya ng bayarin para sa alagang hayop.

Makakatulong sa iyong makahikayat ng mga una mong bisita at review ang pagsisimula sa mas mababang presyo.

Paglalagay ng mga diskuwento

Makakatulong ang mga promo at diskuwento na mapahusay ang ranking sa paghahanap ng listing mo at makahikayat ng mga bisita.

  • Promo para sa bagong listing: Mag‑alok ng 20% diskuwento sa susunod na 3 booking para matulungan kang magkaroon na ng mga unang bisita at review.
  • Diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book: Bawasan ang presyo para sa mga booking na gagawin 1 hanggang 28 araw bago ang pag‑check in para mapuno ang mga pamamalagi sa kalendaryo mo.
  • Mga lingguhan at buwanang diskuwento: Kapag nagtakda ng mga diskuwento para sa mas matatagal na pamamalagi, posibleng mas mabilis na mapuno ang kalendaryo mo at mabawasan ang pagpapalit ng bisita.

Isasaad ang presyong may diskuwento sa tabi ng orihinal na itinakda mong presyo na naka‑strikethrough.

Magkakaroon ka ng access sa higit pang mga tool sa pagtatakda ng presyo pagkatapos mong i‑publish ang listing mo. Kapag ginamit mo ang mga tool ng Airbnb para regular na isaayos ang presyo, puwede mong maabot ang gusto mong kitain.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Hun 17, 2025
Nakatulong ba ito?