Magtakda ng diskarte mo sa presyo

Isaayos ang availability mo at mag-alok ng mga diskuwento para matugunan ang demand ng bisita.
Ni Airbnb noong Dis 1, 2020
Na-update noong Ene 9, 2025
Magtakda ng diskarte mo sa presyo
Pagtatakda ng presyong nakakasabay sa kompetisyon
Magtakda ng diskarte mo sa presyo

Matutulungan ka ng regular na pag‑adjust ng presyo na makasabay sa kompetisyon. Isaalang-alang ang mga sumusunod na tip habang binubuo mo ang iyong diskarte sa pagtatakda ng presyo.

Ang dapat gawin nang regular

Magpasya kung gaano kadalas mo gustong suriin at i-adjust ang itinakda mong presyo. Narito ang ilang puwedeng gawin sa iskedyul na mainam para sa iyo.

  • Dagdagan ang mga available na gabi: I-unblock ang anumang gabi sa kalendaryo mo na alam mong makakapag-host ka. Kapag ginawa mo ito, lalabas nang mas madalas ang listing mo sa mga resulta ng paghahanap at puwede pang lumaki ang kita mo.
  • Iangkop ang mga tagal ng pamamalagi: Maghanap ng mga agwat sa pagitan ng mga booking. Kung mas maikli ang mga agwat sa itinakda mong minimum na tagal ng pamamalagi, walang makakapag-book sa mga gabing iyon. Puwedeng mapuno ang kalendaryo mo kapag nagtakda ka ng mas maikling minimum na tagal ng pamamalagi para sa mga partikular na petsa.
  • Maghambing ng mga katulad na listing: Makakapagtakda ka ng presyong nakakasabay sa kompetisyon kapag inalam mo ang mga presyo ng mga na‑book at hindi na‑book na tuluyan sa lugar mo.

“Pinagtutuunan ko ng pansin ang mga katulad na listing para maihambing ko ang mga itinakda kong presyo, matiyak kong hindi masyadong mataas o masyadong mababa ang mga presyong iyon, at mahanap ko ang pinakamainam para sa akin,” sabi ni Karen na Superhost sa Nelson, Canada.

Puwede mo ring i‑on ang Smart Pricing anumang oras para awtomatikong i-adjust ang presyo batay sa lokal na demand. Talagang mainam na tool ito kung gusto mong tiyaking sulit ang itinakda mong presyo nang hindi iyon palaging binabantayan.

Papalapit na ang panahong mababa ang demand

May mga panahon ding wala masyadong booking kahit sa mga pinakapatok na listing. Narito ang ilang paraan na makakatulong para mamukod-tangi ang listing mo habang naghahanda ka para sa panahong mababa ang demand.

  • Mag-alok ng mga diskuwento: Kapag nagtakda ng mga diskuwento para sa mga lingguhan at buwanang pamamalagi, posibleng mapuno ang kalendaryo mo at mabawasan ang pagpapalit ng bisita. Kapag nagdagdag ka ng diskuwento para sa pahabol na pagbu-book, maaaring makahikayat ito ng mga bisitang nagbu-book nang isa hanggang 28 araw bago ang takdang pagdating.
  • Paikliin ang paunang abiso: Puwede kang makakuha ng mas maraming booking kapag pinahintulutan mong mag-book nang pahabol ang mga bisita. Pumili ng lead time na hanggang sa mismong araw ng pag‑book, depende kung gaano katagal ang kailangan mo sa pagitan ng pagbu‑book ng bisita at pagdating niya.
  • Pahintulutan ang mas maiikling pamamalagi: Nakakahikayat ka ng mga bisitang nagbu-book ng mas maiikling pamamalagi kapag iniklian mo ang itinakda mong minimum na tagal ng pamamalagi. Puwede mong iangkop ang minimum na tagal ng pamamalagi batay sa araw.

“Napansin kong mas marami ang mas maiikling pamamalagi,” sabi ni Jimmy na Superhost sa Palm Springs, California. “Mga pahabol na pamamalagi na hindi kailangang pinlano ng mga tao ang mga ito, kaya parang magandang bakasyon ang dalawang araw. Nakakahikayat ang flexibility.”

Papalapit na ang panahong mataas ang demand

Makakatulong ang ilang tool ng Airbnb para masulit ang mga panahong may mataas na demand ng bisita. Narito ang ilang diskarteng dapat isaalang-alang.

  • Magdagdag ng diskuwento para sa maagang pagbu‑book: Baka mapansin ka ng mga bisitang maagang magplano kapag nagdagdag ka ng diskuwento para sa mga booking na gagawin isa hanggang 24 na buwan bago ang takdang pag‑check in. Para sa mga diskuwentong 3% pataas, may lalabas na espesyal na palatandaan para sa mga bisita sa mga resulta ng paghahanap at sa page ng listing mo. Isasaad ang presyong may diskuwento sa tabi ng orihinal na itinakda mong presyo na naka‑strikethrough.
  • Magtakda ng iniangkop na promo: Magandang paraan ang pag-aalok ng mga promo para magkaroon ng mas maraming booking para sa mga partikular na panahon. May lalabas na espesyal na palatandaan sa page ng listing mo at sa mga resulta ng paghahanap kapag nagtakda ka ng diskuwentong 15% o higit pa. May ilang partikular na rekisito para sa pag-aalok ng promo, tulad ng pagkakaroon ng kahit man lang isang booking sa nakalipas na taon.
  • Palawigin ang palugit ng availability mo: Puwede mong gawing available ang mga petsa sa kalendaryo mo hanggang dalawang taon sa hinaharap. Lalabas nang mas madalas ang listing mo sa mga resulta ng paghahanap, at mas maikli pa ang listahan ng mga resulta kung kaunting tuluyan lang ang available sa panahong iyon.

“Minsan, may mga taong nagbu-book nang maaga isang taon bago ang kanilang mga bakasyon sa tag-init, o anim na buwan bago mag-Pasko,” sabi ni Anne na Superhost sa Tarragona, Spain. “Karaniwang hindi nagkakansela ang mga taong kadalasang nagbu-book nang mas maaga. Mahalaga rin ito dahil malalaman mo kung ano ang aasahan mo sa hinaharap.”

Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.

Binayaran ang mga host para sa pakikilahok nila sa mga panayam.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Magtakda ng diskarte mo sa presyo
Pagtatakda ng presyong nakakasabay sa kompetisyon
Magtakda ng diskarte mo sa presyo
Airbnb
Dis 1, 2020
Nakatulong ba ito?