Pagpili ng pinakamagagandang litrato ng iyong patuluyan

Imbitahan ang mga bisita na i-explore ang listing mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga de-kalidad na larawan.
Ni Airbnb noong May 5, 2021
Na-update noong Hun 28, 2024

Nakakatulong ang mga litrato na maisip ng mga bisita ang kanilang mga sarili na namamalagi sa iyong tuluyan at magdesisyon kung matutugunan ba nito ang mga pangangailangan nila. Kailangan mo ng kahit man lang limang litrato para makapagsimula, at puwede kang magdagdag ng higit pa sa ibang pagkakataon.

Kayang kumuha ng karamihan sa mga camera ng mga de-kalidad na litrato ng listing, pati na ng camera sa smartphone mo. Sundin ang mga tip na ito para malinaw na itampok ang tuluyan mo:

  • Kunan ng pinakamagandang litrato ang tuluyan mo. Gumamit ng malamlam at natural na ilaw at itampok ang mahahalagang detalye, kabilang ang mga patok na amenidad at natatanging feature.

  • Igitna sa frame ang kinukunan. Kumuha ng mga pahalang na litrato at i‑on ang mga grid para mabalanse mo ang mga litrato. Awtomatiko naming iko-crop sa mga parisukat ang mga litrato para magkasya sa mga resulta ng paghahanap sa Airbnb at sa listing mo.
  • Sumulat ng mga caption. Magdagdag ng mga detalyeng hindi isinasaad sa mga litrato. Halimbawa, “Puwede pang umabot hanggang 10 tao ang kasya sa hapag-kainan.”

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.

Airbnb
May 5, 2021
Nakatulong ba ito?