Suriin ang nakatakdang presyo
Itatakda mo ang paunang batayang presyo sa Airbnb Setup. Makakatulong sa iyong makahikayat ng mga una mong bisita at review ang pagsisimula sa mas mababang presyo. Puwede mo itong gawin hanggang sa makamit ang inaasahan mong kita. Regular na suriin ang itinakda mong presyo para makasabay ka sa kompetisyon.
Pag-unawa sa lokal na demand
Baka hindi ka ma‑book kung magtatakda ka ng presyong mas mahal sa mga malapit na patuluyang katulad ng iyo. Makakatulong ang mga tool para sa pagtatakda ng presyo ng Airbnb para makasabay ka sa mga pagbabago sa demand. Kabilang sa mga ito ang:
- Mga tip sa presyo kada gabi. Nakakatulong ang mga iniangkop na rekomendasyon sa pagtatakda ng presyo para sa iba't ibang araw, season, at espesyal na event. Gumagamit ang mga tip na ito ng mga salik gaya ng lokasyon, mga amenidad, mga nakaraang booking, at mga pinakahuling presyo sa lugar mo. I-tap ang wand sa itaas ng kalendaryo para ipakita o itago ang mga ito.
- Mga katulad na listing. Mapaghahambing mo ang average na presyo ng mga na‑book at hindi na‑book na tuluyan sa mapa ng lugar mo gamit ang tool na ito. Mag-tap ng kahit anong petsa sa kalendaryo o buksan ang batayang presyo sa mga setting ng presyo para masuri ang mga katulad na listing.
- Smart Pricing. Pareho ang mga salik na ginagamit ng tool na ito at ng mga tip sa presyo para awtomatikong i-update ang presyo batay sa demand. Ikaw ang magtatakda ng hanay ng presyo. Puwede mong buksan ang mga setting ng presyo para i‑on at i‑off iyon para sa anumang petsa. Walang lalabas na tip sa presyo kung gagamitin mo ang Smart Pricing.
“Mas panatag ako sa presyong itinatakda ko kapag alam ko ang nangyayari sa lugar ko,” sabi ni Felicity, isang Superhost sa New South Wales, Australia. “Malalaman ko kung naitakda ko ang pinakasulit na presyo kaya dapat kong panindigan iyon, o kung dapat kong babaan iyon.”
Pagpapahalaga sa pagiging sulit
Naghahanap ang mga bisita ng mga matutuluyan na natatangi ang kalidad at sulit ang presyo. Sa pagsusuri ng presyo, tandaan ang sumusunod:
- Kabuuang presyong babayaran ng mga bisita. Unawain kung magkano ang ibinabayad ng mga bisita para makapagtakda ng sulit na presyo. Pumili ng anumang petsa sa kalendaryo para makuha ang mga detalye ng presyo, kasama ang mga bayarin sa serbisyo sa Airbnb. Tandaang makakaapekto sa kabuuang presyo ang anumang idaragdag na bayarin gaya ng bayarin sa paglilinis.
- Mga review ng bisita. Alamin sa feedback ng bisita kung ano ang maayos at ano ang mapapaganda pa. Pagkatapos makatanggap ng magagandang review, suriin ulit ang itinakdang presyo.
- Ang iniaalok ng lugar mo. Makakahikayat ng higit pang bisita ang pag-update, gaya ng pagdaragdag ng mga sikat na amenidad at accessibility feature.
“Makakapagtakda ka ng mas mataas na presyo at puwedeng dumami ang mga booking depende sa disenyo at mga amenidad,” sabi ni Katie Kay, isang miyembro ng Host Advisory Board at Superhost sa Lake Arrowhead, California.
Paglalagay ng mga diskuwento
Makakatulong ang mga promo at diskuwento na tumaas ang ranking ng listing mo kapag hinanap ito ng mga bisita. Kabilang sa mga opsyon ang:
- Promo para sa bagong listing: Mag‑alok ng 20% diskuwento sa unang tatlong booking para makatulong na makuha ang mga unang bisita at review.
- Diskuwento para sa maagang pagbu‑book: Bawasan ang presyo para sa mga booking na maaga nang isa hanggang 24 na buwan para mahikayat ang mga bisitang maagang magplano.
- Diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book: Bawasan ang presyo para sa mga booking na gagawin nang isa hanggang 28 araw bago ang pag‑check in para mapuno ang kalendaryo mo.
- Mga lingguhan at buwanang diskuwento. Mag-alok ng mga diskuwento para sa mas matatagal na pamamalagi para mas mabilis na mapuno ang kalendaryo mo at mabawasan ang pagpapalit ng bisita.
“Mas matagal ang mga pamamalagi sa patuluyan ko dahil sa pag‑aalok ko ng mga lingguhan at buwanang diskuwento,” sabi ni Daniel, isang Superhost sa Canary Islands, Spain. “Karaniwang nahihikayat na mag‑book ng isang linggo ang mga bisita, at munting tagumpay iyon.”
Para sa mga bisita, may lalabas na espesyal na callout sa mga resulta ng paghahanap at sa page ng listing mo para sa promo sa bagong listing at para sa lingguhan at buwanang diskuwento na 10% pataas.
Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.
Binayaran ang mga host para sa pakikilahok nila sa mga panayam.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.