Mag‑Airbnb na ng hindi lang Airbnb
Noong 2007, nagkaroon kami ng ideya: Paano kung magdisenyo kami ng paraan para makapag-book ng tuluyan ang mga tao na parang nagbu-book lang sila ng hotel? Mula noon, lampas na sa 2 bilyon ang dumarating na bisita sa Airbnb at nabago nito kung paano bumibiyahe ang mga tao. Pero hindi lang ang tuluyan ang nagpapaganda sa biyahe. Kaya naman ipinakikilala namin ang:
- Mga Serbisyo sa Airbnb – Mga pambihirang serbisyo na ginagawang mas espesyal ang pamamalagi ng bisita.
- Mga Experience sa Airbnb – Mag-explore ng lungsod kasama ang mga lokal na nakakaalam dito.
- Bagong Airbnb app – Pinagandang app na pinapadali para sa mga host na pangasiwaan ang tuluyan, serbisyo, o experience. Pinapadali rin nito para sa mga bisita na mag-book. Nasa iisang lugar lang ang lahat.
“Labimpitong taon na ang nakalipas, binago namin kung paano bumibiyahe ang mga tao. Pagkatapos magpatuloy ng mahigit 2 bilyong bisita, Airbnb na ang bukambibig ng mga naghahanap ng matutuluyan,” sabi ni Brian Chesky, co-founder at CEO ng Airbnb. “Sa paglulunsad ng mga serbisyo at experience, babaguhin ulit natin ang pagbiyahe. Mag‑Airbnb na ng hindi lang Airbnb.”
Mga Serbisyo sa Airbnb
Kadalasang pinipili ng mga tao ang mga hotel dahil sa mga serbisyong iniaalok ng mga iyon, gaya ng room service, gym, o appointment sa spa. Simula ngayon, makakatanggap na ng mga serbisyo sa Airbnb nila mismo ang mga bisita.
Ipinakikilala namin ang mga Serbisyo sa Airbnb. Mga pambihirang serbisyo ito na ginagawang mas espesyal ang pamamalagi. Maglulunsad kami nang may 10 kategorya sa mga piling lungsod. Regular na magkakaroon ng mga bagong alok at lokasyon sa Airbnb app. Narito ang unang 10 kategorya:
- Chef – Mga pagkain sa tuluyan na ganap na maipapaangkop sa mga propesyonal na chef.
- Photography – Mga iniangkop na photo session hatid ng mga bihasang photographer.
- Masahe – Mga nakakasiglang masahe kasama ang Swedish, deep tissue, at reflexology hatid ng mga bihasang therapist.
- Spa treatment – Mga facial, microdermabrasion, body scrub, at iba pang treatment, hatid ng mga propesyonal na esthetician.
- Personal training – Yoga, strength training, HIIT, at higit pa, hatid ng mga personal trainer, kasama ang mga kilalang propesyonal sa fitness at kampeong atleta sa buong mundo.
- Pagpapaayos ng buhok – Mga propesyonal na gupit, blowout, at higit pa, hatid ng mga bihasang stylist.
- Makeup – Makeup na pang-araw-araw o para sa mga espesyal na okasyon, hatid ng mga propesyonal na makeup artist.
- Pagpapaayos ng kuko – Mga manicure at pedicure, hatid ng mga bihasang nail specialist.
- Nakahanda nang pagkain – Mga pagkaing handa nang kainin na niluto ng mga propesyonal na chef.
- Catering – Kumpletong catering na may mga iniangkop na menu, dekorasyon, at kagamitan, kasama na ang pag‑set up at paglilinis.
Sinusuri ang kalidad ng mga Serbisyo sa Airbnb. Isinasaalang‑alang dito ang kaalaman, edukasyon, reputasyon, at higit pa. Maraming taon ang karanasan ng mga host ng serbisyo at beripikado ang pagkakakilanlan nila sa Airbnb. Marami ang kilala sa mga larangan nila. Kabilang dito ang mga chef ng mga restawran na may Michelin star, premyadong photographer, at elite na trainer.
Available sa halos lahat ng presyo ang mga Serbisyo sa Airbnb at maraming serbisyo ang may panimulang alok na wala pang USD50. May mahahanap kang serbisyo para sa kahit anong biyahe mula sa abot‑kayang nakahanda nang pagkain hanggang sa araw‑araw na workout kasama ang sikat na trainer.
Puwedeng sa tuluyan, negosyo ng host ng serbisyo, o pampublikong lugar ihatid ang mga serbisyo. Kung nagho‑host ka ng tuluyan, awtomatikong pinapayagan ang mga serbisyo. Isa itong paraan para maipakita sa mga bisita na gusto mong gawing mas espesyal pa ang pamamalagi nila.
Puwede mong hindi payagan ang mga serbisyo sa tuluyan mo. Makipag‑ugnayan sa Airbnb Support para tukuyin ang mga serbisyong hindi mo pinapayagan at ia‑update nila ang mga alituntunin sa tuluyan mo.
Simula ngayon, puwede nang maging host ng serbisyo ang mga bihasang propesyonal. Bago itong paraan para ibahagi ang kadalubhasaan at palaguin ang negosyo mo.
Mga Experience sa Airbnb
Isa sa mga nangungunang dahilan ng mga tao para mag‑book ng Airbnb ang pamumuhay na parang lokal. Pero mahirap mahanap ang mga pinakamagandang gawin kapag bago ka sa lugar. Kadalasang napapasama ka sa malaking grupo na sumusunod lang sa tour guide na may megaphone at gumagawa kayo ng mga aktibidad na parang may sinusunod lang kayong listahan. Paano kung may paraan para mas makilala nang tunay ang lungsod?
Ipinakikilala namin ngayon ang mga sobrang malikhaing Experience sa Airbnb na hino‑host ng mga lokal na nakakaalam sa lungsod nila. Maglulunsad kami ng mga experience sa mga lungsod sa buong mundo at marami pa kaming idaragdag araw‑araw. Matutuklasan ng mga bisita ang pinakamagagandang lugar sa lungsod sa mga experience gaya ng:
- Tanyag na pook, museo, at kultural na experience – Malaman mula sa arkitekto ng restoration team ng Notre‑Dame kung paano nila ito nire‑restore.
- Mga food trip, klase sa pagluluto, at kainan – Pag‑aralang gumawa ng ramen kasama ang chef mula sa restawran na may Michelin Bib Gourmand Award.
- Outdoors, pantubig na sports, at buhay‑ilang – Mangabayo sa mga sagradong lugar ng Inca at nakakamanghang tanawin sa Andes kasama ang lokal na eksperto sa kultura at antropolohiyang Andean.
- Mga paglilibot sa gallery, art workshop, at shopping – Baguhin kung paano magbihis sa isang personal na styling session hatid ng fashion consultant sa Hollywood.
- Workout, wellness, at pagpapaganda – Pumasok sa ring para sa tunay na lucha libre training experience kasama ang propesyonal na Mexican wrestler.
Sinusuri ang kalidad ng mga Experience sa Airbnb. Pinagtutuunan dito ang kaalaman, reputasyon, at pagiging awtentiko at tuloy‑tuloy ang prosesong ito. Regular naming sinusuri ang mga experience para matiyak na natutugunan ng mga ito ang mga pamantayan namin.
Puwede nang magsumite ng Experience sa Airbnb. Kung alam na alam mo ang lungsod mo at may natatangi kang aktibidad na hindi iniaalok sa ibang lugar, isumite ang ideya mo para sa pagho‑host ng experience.
Pinaganda pang app
Inayos namin ang app para sa mga host para maisama ang lahat ng kailangan para mapangasiwaan ang tuluyan, serbisyo, o experience mo:
- Airbnb Setup – Pinapadali ng pinasimpleng tool sa paggawa ng listing na magsumite ng serbisyo o experience sa Airbnb.
- Tab na Ngayong Araw – Nakakatulong ang bagong tab para sa mahusay na pangangasiwa ng mga reserbasyon ng tuluyan, serbisyo, at experience ng mga bisita mo.
- Kalendaryo – Kasama sa pinagandang kalendaryo para sa mga tuluyan, serbisyo, at experience ang bagong view na arawan na may iskedyul na kada oras at real‑time na integration sa Google Calendar.
- Tab na Mga Listing – Pinapadali ng mga bagong tool sa pangangasiwa ng listing para sa mga serbisyo at experience na i‑adjust ang bawat aspekto ng listing mula lokasyon hanggang presyo.
Kung nagho‑host ka ng tuluyan, sumali na sa Maagang Access para magamit mo na ang mga bagong tool sa pagho‑host.
Hindi available sa lahat ng lugar ang mga serbisyo, kasama ang Brazil at Puerto Rico.