Hindi available sa pinili mong wika ang nilalamang ito, kaya inihanda namin ito sa pinakamalapit na available na wika sa ngayon.

Pangasiwaan ang kalendaryo mo

I‑update ang mga setting sa pag‑book mo para maiwasang magkansela ng mga reserbasyon.
Ni Airbnb noong Ene 10, 2024
Na-update noong Mar 3, 2025

Mahahanap na ng mga bisita ang listing mo sa mga resulta ng paghahanap sa loob ng 24 na oras pagkatapos mong i‑publish iyon. Available ang buong kalendaryo mo bilang default. Mahalagang i‑update mo kaagad ang availability mo. Pagkatapos, pumili ka ng patakaran sa pagkansela mo at kung paano mabu‑book ng mga bisita ang patuluyan mo.

Pag‑update sa availability mo

I‑block sa kalendaryo mo ang mga petsa kung kailan hindi ka makakapag‑host. Sa pamamagitan nito, hindi lalabas ang listing mo sa mga resulta ng paghahanap at maiiwasan mong magkansela ng mga reserbasyon.

“Nagbibigay ka ng serbisyo sa bisita mo, at kailangan mong gawin ang lahat ng makakaya mo para tuparin iyon,” sabi ni Felicity, isang miyembro ng Host Advisory Board at Superhost sa New South Wales, Australia.

Gawin ang mga hakbang na ito para pangasiwaan ang availability mo.

  • Itakda kung gaano kaaga puwedeng mag‑book ang mga bisita bago ang takdang petsa. Puwede kang tumanggap ng pagpapareserba sa araw mismo ng pamamalagi hanggang sa partikular na oras, o puwede mong iatas na mag‑book ang mga bisita kahit pitong araw man lang bago ang petsa ng pag‑check in.

  • I‑sync ang mga kalendaryo mo. Sa pamamagitan ng pag‑sync ng iyong kalendaryo sa Airbnb sa iba pang kalendaryo, mapapangasiwaan mo ang iskedyul mo sa pagho‑host at maiiwasan mong magkaroon ng mga dobleng booking.

  • Pumili ng patakaran sa pagkansela. Ikaw ang magpapasya kung gaano ka‑flexible o kahigpit ang gusto mong patakaran kung may bisitang magkansela. Piliin ang mainam para sa iyo.

  • Panatilihing updated ang kalendaryo mo. Makakatulong ito para maiwasan ang pagkakansela ng reserbasyon at pagpapataw ng bayarin at iba pang parusa.

Pagtukoy kung kailan puwedeng mamalagi ang mga bisita

Magpasya kung kailan mo gustong mag‑check in at mag‑check out ang mga bisita at kung gaano katagal ang gusto mong palugit sa pagitan ng mga booking.

  • Magtakda ng minimum at maximum na tagal ng pamamalagi. Puwede kang gumawa ng mga iniangkop na tagal ng pamamalagi para sa mga partikular na petsa. Sumunod lagi sa mga alituntunin at regulasyon sa lugar.

  • Tukuyin ang tagal ng paghahanda mo. Gaano katagal ang kailangan mo o ng mga tagalinis mo sa pagitan ng mga booking? Maraming host ang pumapayag na mag‑check in ang mga bisita sa araw mismo ng pag‑check out ng iba pang bisita. May ibang host naman na nagba‑block ng isa o dalawang gabi bago at pagkatapos ng bawat booking.

  • Magtakda ng oras ng pag‑check in at pag‑check out. Piliin kung mula anong oras puwedeng mag‑check in ang mga bisita at kung hanggang anong oras sila puwedeng mag‑check out. Puwede ka ring magtakda ng oras ng cutoff para sa pag‑check in kung ayaw mong masyado nang huli dumating ang mga bisita.

Pagpili kung paano makakapag‑book ang mga bisita

Puwede mong awtomatiko o mano‑manong tanggapin ang mga reserbasyon. Madaling i‑update ang setting na ito anumang oras.

  • Sa pamamagitan ng Madaliang Pag‑book, awtomatikong makakapag‑book ng mga available na petsa sa kalendaryo mo ang sinumang makakatugon sa itinakda mong mga kinakailangan para sa bisita at tatanggap sa mga alituntunin sa tuluyan mo. Puwede pa ring makipag‑ugnayan sa iyo ang mga bisita kung may mga tanong sila.

  • Sa pamamagitan ng mga kahilingan sa pagpapareserba, may 24 na oras ka para tanggapin o tanggihan ang kahilingan ng bisita bago iyon mag‑expire. Sa ganitong paraan, may oras kang kumpirmahing alam ng mga bisita ang anumang espesyal na alituntunin o feature, gaya ng matarik na hagdanan papunta sa nag‑iisang pasukan. Kung hahayaan mong mag‑expire ang mga kahilingan sa pagpapareserba, maba‑block sa kalendaryo mo ang mga hiniling na petsa hanggang sa gawin mong available ulit ang mga iyon.

Anuman ang piliin mong paraan ng pag‑book, siguraduhing updated lagi ang kalendaryo mo para maiwasan ang mga problema sa iskedyul at pagkansela.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ene 10, 2024
Nakatulong ba ito?