Padaliin ang pag‑check in at pag‑check out
Mahahalagang sandali ang pag‑check in at pag‑check out na puwedeng magtakda kung karapat‑dapat bigyan ng limang star ang pamamalagi. Inaasahan ng mga bisita na madali silang makakapasok, mararamdaman nilang malugod silang tinatanggap, at makakaalis sila nang hindi nahihirapan.
Pasimplehin ang pag‑check in
Gustong malaman ng mga bisita kung paano nila matutunton ang patuluyan mo at mabubuksan ang pasukan pagdating nila. Umisip ng mga paraan para pasimplehin ang pag‑check in:
Pagandahin pa ang patuluyan mo. Pag-isipan ang pagpapaganda ng tuluyan tulad ng pagkakabit ng smart lock, ilaw sa labas o mga karatula para mas mapadali ang pag‑check in para sa iyo at sa mga bisita mo.
- Magbahagi ng kumpletong detalye. Pumunta sa Gabay sa Pagdating ng listing para itakda o isaayos ang paraan at oras ng pag‑check in, mga direksyon, manwal ng tuluyan, password ng wifi, at marami pang iba. Matatanggap ng mga bisita ang impormasyong ito pagkatapos nilang mag‑book.
- Linawin ang mga dapat gawin para makapasok. Maglagay ng mga litrato o video para matulungan ang mga bisita na mag‑check in. Halimbawa, puwede mong kunan ng litrato ang aldaba na magbubukas sa gate sa harapan.
- I‑preview ang gabay. I‑tap ang button na I‑preview para malaman kung paano mismo lalabas para sa mga bisita ang impormasyon sa pagdating. Ipasubok sa isang kaibigan mo ang mga tagubilin mo at ayusin ang anumang kailangan para masigurong simple ang pag‑check in.
Maaaring magpadala sa iyo ng mensahe ang mga bisita kapag may mga tanong sila tungkol sa pag‑check in. Tumugon kaagad hangga't maaari, lalo na kapag 24 na oras na lang bago ang takdang pagdating nila.
Iparamdam sa mga bisita na malugod silang tinatanggap
Tanda ng mahusay na hospitalidad kung paano mo binabati ang mga bisita at pinaghahandaan ang mga pangangailangan nila. Puwedeng tumatak sa mga bisita kapag tinutukan mo maging ang pinakamaliliit na detalye.
Mag‑iskedyul ng pambungad na mensahe. Sa araw ng pag‑check in, ipaalam sa mga bisita na malalapitan ka nila kung may kailangan sila.
Sanayin ang ingklusibong pakikitungo. Tandaang posibleng hindi pareho ng iyo ang mga paniniwala at kaugalian ng mga bisita.
Maging matulungin. Iparamdam na gusto mong makilala ang mga bisita at unahin mo ang mga pangangailangan nila habang nirerespeto rin ang privacy nila.
Nag‑iiwan ng pambungad na mensaheng may kapaki‑pakinabang na impormasyon sa lokalidad si Rie, isang miyembro ng Host Advisory Board at Superhost sa Yomitan, Japan. “Kung magulang sila na nagsabi sa akin na kasama nila ang mga batang anak nila, magrerekomenda ako ng tindahang magandang bilhan ng diaper,” sabi niya. “Kung may aso sila, nagmumungkahi ako ng mainam bilhan ng magandang pagkain ng hayop.”
Talagang magpabilib
Isiping pag‑check out ang huling mararanasan ng mga bisita sa patuluyan. Gusto mong maalala nila ang magandang karanasan nila sa pamamalagi.
Gamitin ang Gabay sa Pagdating para magbigay ng mga malinaw at simpleng tagubilin sa pag‑check out. Pag‑isipan kung bibigyan ng mga bisita ng limang star ang mga gawain sa pag‑check out na gaya ng paglalabas ng basura o pagtitipon ng mga ginamit na tuwalya. Posibleng mas maganda ang maging mga review kapag isinama mo ang mga gawaing ito sa routine sa paglilinis mo.
Pagkatapos ng bawat pamamalagi, padalhan ang mga bisita ng mensahe ng pasasalamat. Imbitahan silang bumalik, at ipaalam sa kanilang pinapahalagahan mo ang feedback nila. Itanong kung ano ang ikakatuwa nila sa susunod na bumisita sila.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.