Ipinakikilala ang Mga Serbisyo sa Airbnb
Hotel ang kadalasang pinipili ng mga tao dahil sa mga serbisyo roon, gaya ng room service, access sa gym, o appointment sa spa. Simula ngayon, makakatanggap na ng mga serbisyo sa patuluyan mo mismo ang mga bisita.
Ano ang Mga Serbisyo sa Airbnb?
Ang mga Serbisyo sa Airbnb ay mga pambihirang serbisyo na ginagawang mas espesyal ang pamamalagi mo. Maglulunsad kami nang may 10 kategorya sa mga piling lungsod. Regular na magkakaroon ng mga bagong alok at lokasyon sa Airbnb app.
- Chef: Mga pagkain sa tuluyan na ganap na maipapaangkop sa mga propesyonal na chef.
- Photography: Mga iniangkop na photo session hatid ng mga bihasang photographer.
- Masahe: Mga nakakasiglang masahe kasama ang Swedish, deep tissue, at reflexology hatid ng mga bihasang therapist.
- Spa treatment: Mga facial, microdermabrasion, body scrub, at iba pang treatment, hatid ng mga propesyonal na esthetician.
- Training: Yoga, strength training, HIIT, at higit pa na hatid ng mga personal trainer, kasama ang mga kilalang propesyonal sa fitness at atletang kampeon sa buong mundo.
- Pagpapaayos ng buhok: Mga propesyonal na gupit, blowout, at higit pa, hatid ng mga bihasang stylist.
- Makeup: Makeup na pang-araw-araw o para sa mga espesyal na okasyon, hatid ng mga propesyonal na makeup artist.
- Pagpapaayos ng kuko: Mga manicure at pedicure, hatid ng mga bihasang nail specialist.
- Nakahanda nang pagkain: Mga pagkaing handa nang kainin na niluto ng mga propesyonal na chef.
- Catering: Kumpletong catering na may mga custom na menu, dekorasyon, at kagamitan, kasama na ang pag-set up at paglilinis.
Sinusuri ang kalidad ng Mga Serbisyo sa Airbnb sa pamamagitan ng pagsasaalang‑alang sa kaalaman, edukasyon, reputasyon, at higit pa. Maraming taon ang karanasan ng mga host ng serbisyo at beripikado ang pagkakakilanlan nila sa Airbnb. Marami ang kilala sa larangan nila. Kabilang dito ang mga chef ng mga restawran na may Michelin star, premyadong photographer, at elite na trainer.
Madaling makakapag-browse ng mga available na serbisyo ang mga bisita. At madali silang makakapag-book sa Airbnb. Puwedeng sa tuluyan, negosyo ng host ng serbisyo, o pampublikong lugar ihatid ang mga serbisyo.
Pagpapahintulot ng mga serbisyo sa patuluyan mo
Awtomatikong pinapahintulutan sa patuluyan mo ang mga serbisyo. Isa itong paraan para maipakita sa mga bisita na gusto mong gawing mas espesyal pa ang pamamalagi nila.
Puwede mong hindi pahintulutan ang mga serbisyo sa patuluyan mo. Makipag‑ugnayan sa Airbnb Support para tukuyin ang mga serbisyong hindi mo pinapahintulutan at ia‑update nila ang mga alituntunin sa tuluyan mo.
Magkahiwalay ang review na ibibigay ng mga bisita sa mga serbisyo at sa pamamalagi nila sa patuluyan mo. Ipapa‑review kaagad sa kanila ang serbisyo pagkatapos matanggap iyon. Hihingan ang mga bisita ng kabuuang rating, detalyadong rating, pampublikong review, at note para sa host ng serbisyo. Hindi maaapektuhan ng review nila ang rating o ranking ng patuluyan mo.
Pag‑unawa sa insurance para sa mga host ng serbisyo
Kinakailangan ng lahat ng host ng serbisyo na magpanatili ng insurance sa pananagutan na naaangkop sa negosyo nila habang nagbibigay ng serbisyo. Saklaw din ang mga ito ng insurance sa pananagutan para sa mga Experience at Serbisyo ng Airbnb, na bahagi ng AirCover para sa mga host. Katulad ito ng pagkakasaklaw sa iyo ng insurance sa pananagutan para sa host sa pamamagitan ng AirCover para sa mga host.
Kapag may serbisyong ihahatid sa tuluyan mo, malalapat ang insurance sa pananagutan para sa mga Experience at Serbisyo kung mapipinsala ng host ng serbisyo ang tuluyan o mga gamit mo.
Pagrerekomenda ng mga serbisyo
Mas madaling makakahanap ang mga bisita mo ng magagandang serbisyo kapag nagbahagi ka ng mga rekomendasyon. Ganito magrekomenda ng mga serbisyo.
- Alamin kung ano ang iniaalok sa malapit: Mag-browse sa Airbnb ng mga serbisyong available sa lugar. Kumonekta sa mga host ng serbisyo para matuto pa o mag-book ng mga alok na susubukan mo mismo.
- Gumawa ng mabilisang tugon: Awtomatikong magpadala ng nakahanda nang mensahe kapag may mga bisitang nag-book sa tuluyan mo, o bilang tugon kung hihingi sila ng rekomendasyon.
Pagre‑refer ng host ng serbisyo
May kilala ka bang makakapag-host ng magandang serbisyo? Ibahagi ang referral link mo at posible kang kumita ng USD100 (o lokal na katumbas nito) kapag nagsimula siyang mag‑host.*
May 180 araw para makakumpleto ng unang booking ang mga host na ire-refer mo. Puwede mong subaybayan kung nag-publish sila ng listing o kung may nalalapit silang reserbasyon sa page ng mga referral.
Direkta naming ipapadala sa account mo ang reward nang humigit-kumulang 14 araw pagkatapos ng kwalipikadong booking ng kwalipikadong host na ni-refer mo.
Q&A tungkol sa Mga Serbisyo sa Airbnb
*Available lang ang mga reward sa referral sa mga kwalipikadong lokasyon at napapailalim sa Mga Tuntunin ng Alok at Programa para sa Referral ng Host. Magsisimula ang 180 araw pagkagawa ng host ng bagong listing gamit ang referral link mo. Saklaw ng mga tuntunin na ipinapatupad noong ginawa ang mga referral ang mga listing na nagsimulang gumamit ng referral link mo bago ang Marso 17, 2025.
Hindi available sa lahat ng lugar ang mga serbisyo, kasama ang Brazil at Puerto Rico.
Third‑party ang nagbibigay ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga experience at serbisyo.
Kung host ka ng tuluyan, experience, o serbisyo sa UK, sineseguro ng Zurich Insurance Company Ltd. at isinasaayos at pinagpapasyahan ng Airbnb UK Services Limited ang mga polisa ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga experience at serbisyo nang walang karagdagang babayaran ang mga host sa UK. Itinalagang kinatawan ang Airbnb UK Services Limited ng Aon UK Limited, na pinapahintulutan at pinapangasiwaan naman ng Financial Conduct Authority. Ang numero ng pagpaparehistro ng Aon sa FCA ay 310451. Makukumpirma mo ito sa Financial Services Register o kapag tinawagan ang FCA sa 0800 111 6768. Pinapangasiwaan ng Financial Conduct Authority ang polisa ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga experience at serbisyo na bahagi ng AirCover para sa mga Host. Hindi pinapangasiwaang produkto na isinasaayos ng Airbnb UK Services Limited, FPAIR202525SD ang iba pang produkto at serbisyo. Alamin ang mga detalye at pagbubukod.
Kung nagho-host ka ng mga tuluyan, experience, o serbisyo sa European Economic Area (EEA), sineseguro ng sangay sa Spain ng Zurich Insurance Europe AG ang mga polisa ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga experience at serbisyo, at isinasaayos at pinagpapasyahan ito ng Airbnb Spain Insurance Agency S.L.U. (ASIASLU) nang walang karagdagang babayaran para sa kapakanan ng mga host sa EEA. Isang hindi eksklusibong ahensya ng insurance ang ASIASL na pinapangasiwaan ng Directorate General for Insurance Pension and Funds (DGSFP) at nakarehistro sa Spain sa ilalim ng numerong AJ0364 sa Rehistro ng mga Distributor ng Insurance ng DGSFP. Puwede mong beripikahin ang pagpaparehistrong ito sa pamamagitan ng pagbisita sa Rehistro ng mga Distributor ng Insurance ng DGSFP, at puwede mong i-access ang kumpletong detalye ng ASIASL dito.
Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.
