Mahahalagang alituntuning pangkaligtasan para sa mga host
Kapag may kaalaman ka tungkol sa mga isyung pangkaligtasan, makakapagplano ka nang maaga at mapapatuloy mo nang komportable ang mga bisita. Kumalap kami ng ilang tip para matulungan kang sumunod sa mga karaniwang alituntuning pangkaligtasan. Siguraduhing alam at sinusunod mo ang anumang batas, alituntunin, at regulasyon na partikular na nalalapat sa rehiyon mo.
Pag‑iingat kapag lumalangoy
Nakakahikayat ng bisita ang mga pool pero posible ring maging mapanganib ang mga ito. Posibleng mag‑iba ang mga partikular na rekisito sa pagpapatuloy sa property na may pool depende sa lugar, pero hinihikayat ng Safe Kids Worldwide na gawin ang mga sumusunod para mapanatiling ligtas ka at ang mga bisita mo.
Maghanda ng kagamitang pangkaligtasan:
- Lagyan ng bakod ang pool. 4 na talampakan dapat ang taas nito at awtomatikong sumasara at nagla‑lock ang gate. Dapat mapalibutan ng bakod ang buong pool at hindi dapat bahagi ng bakod ang anupamang bagay tulad ng gilid ng bahay.
- Magkabit ng alarm sa lahat ng bintana at pinto na papunta sa pool.
- Gumamit ng mga takip at ng vacuum release system na pumipigil sa pagkahigop ng damit o bahagi ng katawan sa drain. Makakatulong ito para maiwasang may mapahamak dahil sa pagkahigop.
- Maghanda ng kagamitang pansagip. Kabilang dito ang pangkawit o pang‑abot na patpat, salbabida, at first aid kit. Pag‑isipang maglagay ng landline na telepono malapit sa pool.
Magsagawa ng mga routine na inspeksyon:
- Suriin ang linaw at antas ng mga kemikal ng tubig. Dapat itong gawin sa nakatakdang iskedyul at bago may mag‑check in na bisita.
- Tiyaking may nakahandang kagamitang pangkaligtasan. Dapat itong gawin bago ang bawat pag‑check in.
- Isara ang mga daan papunta sa pool. Kabilang dito ang mga doggie door at iba pang daanang malulusutan o maaakyatan ng bata.
Magbahagi ng kaalaman sa mga bisita:
- I‑update ang listing mo. Malinaw na isaad sa paglalarawan ng listing kung aling mga kagamitan at feature na pangkaligtasan para sa pool ang available at wala sa patuluyan mo. Halimbawa, “May mga life vest na pambata at life vest na para sa may sapat na gulang. Walang bakod ang pool kaya kailangang subaybayan ang mga bata.”
- Hilingin sa mga bisita na suriin ang manwal ng tuluyan mo. May impormasyon dapat ito tungkol sa mga feature na pangkaligtasan na available sa patuluyan mo tulad ng takip sa drain, mga alarm, at bakod o gate sa pool. Linawing hindi nakakasagip sa pagkalunod ang mga pantulong sa paglangoy at laruan tulad ng inflatable na armband at pool noodle.
- Magpaskil ng impormasyong pangkaligtasan. Maghanda ng brochure o karatula na may mga rekomendasyong pangkaligtasan, babala, at emergency contact na matatanaw mula sa pool. Ipaalala sa mga bisita na unahing maghanap sa pool sakaling may batang nawawala. Ilagay ang mga tagubilin para sa CPR, ang Checklist ng Kaligtasan sa Pool ng Safe Kids, at ang address ng listing.
- Ipaalala sa mga bisita na sumubaybay mula sa malapit. Ibig sabihin, dapat ay palaging abot‑kamay ng tagasubaybay ang mga hindi magaling o hindi marunong lumangoy. Isama ito sa manwal ng tuluyan mo at ipaskil ito sa lugar na matatanaw mula sa pool.
- Maghanda ng Water Watcher Card na may tagubilin kung paano gamitin. Tumutukoy ang Water Watcher sa responsableng may sapat na gulang na nakatalagang subaybayan ang mga bata sa tubig nang hindi nababaling ang atensyon.
Kaligtasan ng elevator
Nakakadagdag ang mga elevator sa accessibility ng listing mo, pero posible ring maging mapanganib ang mga ito. Humingi ng patnubay sa kaligtasan sa elevator sa mga lokal na awtoridad.
Hinihikayat ng Consumer Product Safety Commission sa US na gawin ito ng mga consumer:
- Tiyaking hindi hihigit sa 4 na pulgada ang lalim ng awang sa pagitan ng mga pinto. Kung hindi ka sigurado o may iba kang inaalala tungkol sa kaligtasan ng elevator, i‑lock ang elevator sa posisyong hindi magagamit o i‑lock ang lahat ng pinto papasok sa elevator. Hindi dapat hayaan ng mga taga‑install ng elevator na magkaroon ng anumang awang na mas malalim sa 4 na pulgada sa pasukan ng elevator.
- Ipasuri sa kwalipikadong tagasiyasat ng elevator ang elevator sa tuluyan. Dapat siyasatin kung may anumang mapanganib na awang at iba pang potensyal na peligro at suriin ang pinakabagong ASME A17.1, Safety Code para sa Mga Elevator at Escalator.
- Maghanda ng mga kagamitang pangkaligtasan. Puwedeng maglagay ng space guard sa likod ng pinto sa likuran o magkabit ng electronic monitoring device na magde‑deactivate sa elevator kapag may batang nalusot sa awang para gawing mas ligtas ang mga awang. Makipag‑ugnayan sa manufacturer ng elevator mo o sa taga‑install ng elevator para makakuha ng mga kagamitang pangkaligtasan na makakatugon sa peligrong ito.
Kapag ini‑list mo sa Airbnb ang patuluyan mo, pinapatunayan mong sumusunod ka sa mga naaangkop na batas at regulasyon.
Mga pangkaligtasang device
Lubos naming hinihikayat ang lahat ng host na magkabit ng mga smoke at carbon monixide alarm, regular na subukin ang mga ito, at siguraduhing napapanahon ang paglalarawan ng listing.
- Suriin ang mga lokal na regulasyon. Posibleng inaatas na hindi lang isang gumaganang smoke at carbon monoxide alarm ang nakakabit sa listing mo. Sa ilang lungsod, kailangang may isa sa bawat kuwarto.
- Humingi ng alarm. Puwedeng makakuha ang mga kwalipikadong host na may aktibong listing ng libreng de‑bateryang device na pinagsama nang smoke at carbon monoxide alarm. May mga nalalapat na tuntunin at kondisyon.
- I‑update ang listing mo. Puwedeng i‑filter ng mga bisita ang paghahanap nila para ang mga tuluyan lang na may mga carbon monoxide alarm ang lumabas. Magdagdag ng mga detalye tungkol sa mga alarm na ikinabit mo sa seksyon ng mga pangseguridad na device sa kaligtasan ng bisita.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.