Paggawa ng magandang paglalarawan
Subukan ang mga tip na ito para sa pagbabahagi ng kung ano ang espesyal sa patuluyan mo.
Ni Airbnb noong Okt 13, 2025
Isa sa pinakamaiinam na paraan para makahikayat ng mga bisita at magtakda ng malilinaw na dapat asahan sa patuluyan mo ang pagbibigay ng nakakaengganyong paglalarawan.
Para magsimula, pumili ng hanggang 2 sa mga inilaang highlight. Gagamitin namin ang mga ito para magmungkahi ng pambungad na linya para mabigyan ka ng ideya. Inirerekomenda naming palitan mo ang halimbawa namin ng sarili mong paglalarawan at iba pang mahalagang detalye tungkol sa patuluyan mo.
Subukan ang mga tip na ito sa paggawa ng paglalarawan mo:
- Itampok ang mga espesyal na feature. Ibahagi kung ano ang kaibahan ng patuluyan mo sa iba. Halimbawa, kumpleto ba ang kagamitan sa kusina? “Magluto ng masarap na pagkain sa kusinang may kumpletong kagamitan.”
 - Maging partikular. Maglagay ng mga praktikal na impormasyon na makakatulong sa mga bisita na magplano nang maaga. Halimbawa, mahina ba ang signal sa lugar? “Walang mga pampublikong serbisyo papunta sa tuluyan, kaya mainam na i-print ang mga direksyon papunta rito bago bumiyahe.”
 - Ibahagi ang kuwento ng patuluyan mo. Tulungan ang mga bisita na magkaroon ng ideya sa magiging pamamalagi nila roon. Halimbawa, mayroon bang antigong paliguan na naibalik mo sa dating anyo? “Magbabad sa clawfoot tub para makapagrelaks.”
 
Puwede mong i‑update ang paglalarawan mo gaano mo man kadalas gusto. Mas pinapaganda ng maraming host ang paglalarawan ng patuluyan nila habang tumatagal.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.
Airbnb
Okt 13, 2025
Nakatulong ba ito?
