Pagbabahagi ng ilang pangunahing bagay tungkol sa patuluyan mo
Ipaalam sa mga bisita kung ilang tao ang komportableng makakapamalagi sa tuluyan mo.
Ni Airbnb noong Okt 13, 2025
Gustong malaman ng mga bisita kung gaano kalaki ang patuluyan mo. Matutulungan mo silang malaman kung natutugunan nito ang mga pangangailangan nila kung ibabahagi mo ang maximum na bilang ng bisita at kabuuang bilang ng mga higaan, kuwarto, at banyong magagamit.
Kung hindi ka sigurado, subukan ang mga tip na ito:
- Magtakda ng maximum na bilang ng bisita na komportable kang patuluyin. Hindi mo kailangang magpatuloy ng singdaming bilang ng bisita na kasyang matulog sa patuluyan mo.
- Bilangin ang mga higaang mayroon ka. Isaalang‑alang kung ilang tao ang komportableng makakatulog sa bawat isa.
- Bilangin ang mga banyong mayroon ka. Kalahati ang bilang sa banyo kapag may inodoro at lababo ito pero walang shower o tub.
- Huwag gumawa ng mga palagay. Halimbawa, posibleng walang planong magtabi sa higaan ang dalawang taong magkasamang bumibiyahe.
- Iwasang sorpresahin ang mga bisita. Kung kasama sa bilang ng higaan ang anumang kaswal na tulugan, tulad ng mga couch, futon, o air mattress, siguruhing banggitin iyon kapag naglagay ka ng paglalarawan ng listing at mga caption ng litrato.
Gamitin ang mga button na plus at minus para itakda ang maximum na bilang ng bisita at para ipaalam kung ilang kuwarto, higaan, at banyo ang magagamit.
Makakapagdagdag ka ng higit pang detalye tungkol sa bawat kuwarto pagkatapos mong i‑publish ang listing mo.
Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.
Airbnb
Okt 13, 2025
Nakatulong ba ito?
