Pagpili sa uri ng tuluyang magagamit ng mga bisita
Kapag pumipili ng matutuluyan, gustong malaman ng mga bisita kung may kahati ba sila sa tuluyan o kung solo ba nila ang buong lugar.
Nagbibigay ang Airbnb ng tatlong opsyon kapag ni‑list mo ang patuluyan mo.
- Buong lugar: Solo ng mga bisita ang tuluyan. Bukod sa tulugan, karaniwang may kasama itong banyo, kusina, at hiwalay na pasukan.
- Pribadong kuwarto: May sariling kuwarto ang mga bisita at may access sa mga pinaghahating lugar. Puwedeng kasama rito ang pasukan, banyo, at kusina.
Pinaghahatiang kuwarto sa isang hostel: Matutulog ang mga bisita sa pinaghahatiang kuwarto sa isang hostel na pinangangasiwaan ng mga propesyonal na may staff sa mismong patuluyan nang 24/7.
Sa susunod na hakbang, ilalarawan mo ang patuluyan mo sa sarili mong mga salita. Puwede mong isama ang mga detalyeng nagpapaliwanag kung aling mga lugar ang pribado at kung aling bahagi ang pinaghahatian. Halimbawa, kung magho‑host ka ng buong lugar at nasa property ka, puwede mong isulat ang: “Nakatira kami sa hiwalay na bahay na may likod‑bahay na kahati ng guesthouse.”
Puwede mong i‑update anumang oras ang listing mo kung magbabago ang sitwasyon mo.
