Pagtugon sa negatibong review
Nakakasama ng loob ang hindi magandang review, pero nakakatanggap ng mga ganitong review paminsan-minsan kahit ang mga host na may matataas na rating. Narito ang ilang tip sa pagtugon sa negatibong feedback ng bisita.
Pagtugon sa mga negatibong review
Kapag nagbigay ka ng pampublikong tugon, malalaman ng mga bisita na handa kang tumanggap ng suhestyon. Mararamdaman ng mga bisita na may pakialam ka sa karanasan nila kapag nagbigay ka ng maikling magiliw na tugon.
“Hindi ko inaasahang makakuha ang sinumang host ng 100% walang bahid na mga review,” sabi ni Andrew na bisita at Superhost din sa Berlin. “Mas napapahanga ako ng mga taong nagseseryoso ng feedback.”
Isaalang‑alang ang mga tip na ito sa pagtugon sa mga negatibong review:
- Pasalamatan ang mga bisita para sa feedback nila. Puwedeng simple lang ito tulad ng: “Salamat sa pagbibigay ng review. Talagang pinapahalagahan namin ang paglalaan mo ng oras para pag‑isipan ang naging pamamalagi mo.”
- Ibahagi kung paano mo pinapaganda ang tuluyan mo. Puwede kang magsulat ng: “Ikinalulungkot naming hindi komportable ang mga higaan. Mahalaga ang mahimbing na tulog kaya naglagay na kami ng mga mattress topper.”
Puwede mong hilinging alisin ang anumang review na matatanggap mo na sa tingin mo ay hindi sumusunod sa aming Patakaran sa Pagbibigay ng Review tulad ng review na paghihiganti.
Pagpapahusay sa paglipas ng panahon
Isyu sa katumpakan at kalinisan ang dalawa sa mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit hindi mabigyan ng mga bisita ang mga host ng rating na five stars. Ituring ang feedback ng bisita bilang pagkakataong mapahusay ang pagho‑host mo.
Narito ang ilang paraan para maipaalam sa mga bisita na handa ka laging pagbutihin pa ang hospitalidad mo:
- Ituring ang feedback bilang isang pagkakataon. Nakakapagbigay ang mga bisita ng mga pananaw na hindi mo pa naiisip, tulad ng pagpapasimple sa pag-check in o pagdaragdag ng mga tuwalya.
Maging matapat. Panatilihing napapanahon ang mga litrato at paglalarawan ng listing para maipaalam kung ano ang kasalukuyan mong iniaalok. Ipaliwanag kung paano mo tinutugunan ang mga potensyal na hindi kanais‑nais na katangian, tulad ng pagbibigay ng mga ear plug kung maingay sa kalye mo.
- Maging ingklusibo sa pagho‑host. Pagtuunan ng pansin ang pagpaparamdam sa bawat bisita na malugod silang tinatanggap sa pamamagitan ng paggamit ng wikang hindi ayon sa kasarian at pagtatampok ng mga accessiblility feature.
- Makipag-ugnayan sa mga bisita sa kabuuan ng pamamalagi nila. Gumamit ng mga nakaiskedyul na mensahe para mangumusta at agad na matugunan ang anumang alalahanin.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.