Paano magpasya kung pribado o pinaghahatian ang iyong patuluyan

Ipaalam sa mga bisita ang maaasahan nilang antas ng privacy.
Ni Airbnb noong Hul 14, 2022
Na-update noong Hun 28, 2024

Kapag pumipili ng matutuluyan, gustong malaman ng mga bisita kung may kahati ba sila sa tuluyan o kung solo ba nila ang buong lugar.

Nagbibigay ang Airbnb ng tatlong opsyon kapag ini-list mo ang iyong tuluyan.

  • Buong lugar: Solo ng mga bisita ang tuluyan. Bukod sa tulugan, karaniwang may kasama itong banyo, kusina, at hiwalay na pasukan.
  • Pribadong kuwarto: May sariling kuwarto ang mga bisita at may access sa mga pinaghahating lugar. Puwedeng kasama rito ang pasukan, banyo, at kusina.
  • Pinaghahatiang kuwarto: Natutulog ang mga bisita sa lugar kung saan maaaring kahati ka o ang iba, gaya ng kuwartong hinati sa pamamagitan ng partition at ginagamit ng mga bisitang nag-book nang hiwalay.

Sa susunod na hakbang, hihilingin namin sa iyo na ilarawan mo ang iyong tuluyan gamit ang sarili mong mga salita. Puwede mong isama ang mga detalyeng nagpapaliwanag kung aling mga lugar ang pribado at kung aling bahagi ang pinaghahatian. Halimbawa, kung magho-host ka ng buong lugar at nasa property ka, puwede kang magsulat ng ganito: “Nakatira kami sa hiwalay na bahay na may likod-bahay na kahati ng mga bisita sa cottage.”

Puwede mong i-update anumang oras ang paglalarawan ng iyong listing kung magbago ang iyong sitwasyon.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.
Airbnb
Hul 14, 2022
Nakatulong ba ito?