Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Paano pumili ng unang papatuluyin

Magsimulang mag-host kasama ng bihasang bisita o sinuman sa Airbnb.
Ni Airbnb noong Okt 13, 2025

Bilang bagong host, mapipili mo rin ang uri ng bisita na unang mamamalagi sa patuluyan mo. Piliin kung gusto mong patuluyin ang:

  • Sinumang bisita ng Airbnb. Puwede itong sinumang miyembro ng komunidad natin, kabilang ang mga bagong dating.
  • Bihasang bisita. Tumutukoy ito sa taong may magandang track record ng kahit man lang 3 pamamalagi sa Airbnb at walang negatibong review.

Kapag pinili mo ang sinumang bisita ng Airbnb, mas mabilis kang makakakuha ng unang reserbasyon dahil maaabot mo ang mas maraming potensyal na bisita na naghahanap ng mga matutuluyan.

Dahil sa track record ng bihasang bisita, puwede siyang makapagbigay ng kapaki‑pakinabang na feedback sa pamamalagi niya sa patuluyan mo.

Mainam ang kahit alin sa mga ito. Piliin lang ang pinakaangkop para sa iyo.

Kinakailangang tapusin ng lahat ng nagbu‑book na bisita ang proseso namin ng pagberipika sa pagkakakilanlan. Nagbibigay ang AirCover para sa mga Host ng kumpletong proteksyon sa tuwing magpapatuloy ka ng mga bisita.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.
Airbnb
Okt 13, 2025
Nakatulong ba ito?